Wala naman sa kanta ang meaning ng pagmamahal ko sa kanya, sadyang ito lang talagang uso na kanta sa panahon namin ngayon.


Nagsipalakpakan ang lahat at may ilan rin ang nagsitayuan sa kanilang kinauupuan.


Napangiti naman ako ng mamula si Monica at nakatitig lang sakin na mas lalo lang nagbigay sa kanya ng ganda!.


"JEAUNICA! JEAUNICA! JEAUNICA!!!" bansag nila samin.


Unti-unti namang namatay ang ilaw sa intablado at nagsitungo na kami papunta backstage pero nagpaiwan ako para yakapin muli si Monica. Hindi pa naman kami nakikita dahil patay lahat ng ilaw.


"Mahalaga ka sakin." Masayang ani ko " At sakin kalang." Dagdag ko sabay bitiw sa kanya kasabay rin ang pagbukas ng ilaw.


Hindi parin mawala-wala ang mga tili ng mga tao sa amin.


"Ihahatid kita mamaya." Huling sabi ko sa kanya at tumango naman siya bago ako tumalikod.


Nang makapasok na ako sa backstage ay pinagpapalo nila ako maliban kina Lindon at Calvin na tahimik na nakaupo.

Hindi naman amoy pawis kami kasi hindi masyadong hataw kami ngayon di kagaya sa opening.


"Ayos ba?" Hingal na sabi ko sa kanila at pinagsasapak na naman ako ng dalawa!


Sino paba? Eh si Stanly at Kurt lang naman ang pabibo sa grupo!.


Tinapunan lang ako ng water bottle ni Calvin at nasalo ko naman iyon.


"Oh ano? Masakit na ang puso mo?"


"Ano? Masaya ka ba? O baka naman kinakabahan ka kanina kaya ka nagkakaganyan?" Natatawang usal ni Stanly.


"Kinakabahan? "Kunot noong usal ko at tumango naman silang dalawa.

"Kakabahan kung makikita ang taong napupusuan!" Pagtatama ni Kurt " Paniguradong hanggang gilagid yang kaba mo ngayon! Kita mo reaksyon ni Monica haha! Hindi makapaniwala sa ginawa natin!"


Napatango naman ako sa pinagsasabi nila at binabalik ang nagyari. Kinakabahan ba ako ng sobra kanina. Siguro sanay na akong makita si Monica kaya hindi tugma ang pinagsasabi ng dalawa sakin ngayon.



"Simple pero pasok na pasok sa puso ni Monica! Salamat ka at nandito kami!" Pagmamayabang pa ni Stanly.


"Asus!! Mamaya maisasayaw ko na naman siya! Ha! Maingit kayo mga hampas lupa!" Bulalas ko at napapangiti na naman ako ng maisip kong muli si Monica.


"What a very excellent performance and thank you EXTREME" Sigaw ni Monica na mula sa stage habang kami ay papabalik na sa mga upuan namin.


"JEAUNICA! JEAUNICA!".


"Excellent nga naman dahil may pahabol na ligaw pa diba Laurentians!!!" Sigaw ng katabi niyang bakla at mas nagsisigawan pang muli ang ilan.

"Naingit ba kayo!????" sigaw pa ni bakla at itinapat ang microphone sa audience!.

"Oo!"
"Yes!"
"Nope!"


Natawa nalang ako sa sabay na sagot nila at humalahak lang si bakla sa harapan namin.

" AHERMMM!! YAN ANG MGA SAGOT SA MGA TAONG WALANG JOWA!!" saad niya pa at nagsitawanan nalang ang iba nang mapahinto dahil sa senyas niya na tahimik sabay "ssh".


"Oh well! For now lets proceed for the next performer!." Si Monica sabay pakita nito sa hawak niyang maliit na papel sa bakla at doon narin ito bumasa.


YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now