KABANATA 158

317 18 15
                                    

Kabanata 158





JEAU P.O.V



Isang linggong lumipas ay hindi parin ako makakalimot sa mga sinabi ni Lei sakin. Kahit anong gawin kong malimutan siya ay wala parin. Mas nangunguna parin ang sinabi niya.


"Hindi ka niya kailangan kasi wala namang kayo!" Usal ni Calvin.

"Ano ba hindi kayo tatahimik!" Inis kong bulyaw sa kanila.


"8 years ago, luma na yong relasyon niyo Jeau. Parang ang jejemon pa natin non sa Laurente." Usal ni Lindon.


Nagcecelebrate kami ngayong mga magkakaibigan para sa ikakasal naming kaibigan sa susunod na araw.


"Iinom nalang kasi!" Asik pa ni Mark na kakilala namin. Napakainggay ng paligid at halos hindi narin kami nagkakadinigan.


"Pag kasal na ako hindi na ako sasama sa gala niyo, pukos na ako sa asawa ko." Usal ni Calvin na natatawa.


"Yabang nito! Under naman sa maaasawa!"


Nagkampay kaming lahat ng magtawanan sila. Ako ang katabi niya Calvin, siguro napansin niyang tahimik lang ako.

"Ay-"

"Hindi". Usal ko at tumango lang siya sakin sabay suntok sa braso ko.

"Siguro hindi talaga si Lei ang ikakasaya mo."


"Siguro..." Mahinang sagot ko na nakatitig sa beer.


Napainom kami ng sabay sa hawak naming beer at doon ako napatitig sa mga kaibigan ko, halos may mga girlfriend na sila at paniguradong ikakasal narin.


"Gusto mo hanapan kita!?" Aniya at napailing nalang ako sa kanya.


"Parang kailan lang na iniyakan mo rin yang babae mo." Natawang usal ko na hindi sinasadyang marinig ng lahat.


"Totoo Calv!?? Haha! Ganap na under sa misis ka na nga!"


"Hoy ano ba kayo!"


Napangiti ako sa kanila at nagpaalam saglit para mag CR pero ang totoo ay umuwi na ako, masaya ako na ikakasal na si Calvin pero iwan.



At dumating narin ang araw ng kasal ni Calvin. Nasa altar na ako parang ako pa ata ang ikakasal mas emosyunal pa akong tignan ang altar. Siniko niya ako senyales na magsisimula na.


Lumantad na nga ang bride ni Calvin suot ang mahabang puting gown, napailing ako ng maisip ang mukha ni Lei. Malabo na.


Napatitig ako sa bride hanggang sa makalapit na ito kay Calvin, pamilyar sakin ang babae, parang nagkita na kami dati pero hindi ko na maalala. Napasulyap sakin ito na parang may kaunting gulat sa mga mata, alam ko kahit hindi niya ipinahalata. Pero sa huli ngumiti rin naman.


Nang matunghayan namin ang pag-iisa nila ay nagsipalakpakan ang lahat ng mga tao sa loob ng simbahan, kahit sina Lindon ay napaiyak. Sino ba namang hindi? Tumatanda na kami.


Nang makapunta na kami sa venue ay mas dumarami ang mga tao, may ilan pa ang nagpapapicture sakin kahit papaano. Balak kong umuwi pagkatapos magbigay ng message sa groom ngunit hindi natuloy dahil nalilibang narin ako sa mga games at production number kahit nakitingin lang naman.



Nang matapos na akong makapagmessage kay Calvin ay dumiretso ako sa comfort room ng resort. Hindi ako mapakali. Parang nakita ko si Lei.

"O sadyang, wala pa akong sapat na tulog?. " Pati sarili ko hinihingan ko pa ng opinyon.

YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now