KABANATA 103

617 54 5
                                    


Kabanata 103




______________




LEI P.O.V.




"Siguro dahil kusa lang talaga darating Lei." Aniya na mahinang bumuntong hininga. "How do I know when Im in love?..kung nasasaktan kana pero gusto mo paring ipagpatuloy. Hindi naman yon katangahan, gusto mo lang lumaban kasi mahal mo pa." Giit niya pa at doon rin ako napayuko.



"Dika lumaban kay Monica?" Tipid na tanong ko naman na hindi parin siya hinarap. Rinig ko ang pagpilantik ng dila niya bago sumagot.




"Ayokong lumaban dahil alam ko kung saan talaga siya, ipaglalaban ko pag mahal ko pero di ko alam kung bakit pagkagising ko nalang ay ayokong lumaban para sa kanya." Sagot niya at kahit diko pa siya lingunin ay ramdam ko ang pagiging sinsero sa sinabi niya.





"Kung ganon alam mo na kung anong nararamdaman ko ngayon sayo?" Nakataas kilay na tanong ko sinusubukan ang tapang niya. " Hindi ko pa nga naaalagaan sarili ko ako pa kaya ang mag-alaga ng iba?" Tipid na saad ko pa.



"Tsk!!" Malakas na reklamo niya pa. "You better start loving yourself! Or else
I'll do it for you!!." Bulalas niya na hindi ko inaasahan na yon ang maririnig kong sagot. "Pakiramdam ko gusto mo na nga ako! Haha! Umamin ka nalang para maaga monthsary natin sa susunod na buwan!."


Napailing nalang ako sa kanya at hindi siya pinansin, nagpatuloy ako sa paglalakad ng sumigaw siya bigla.

"Uy bala!" Sigaw niya bigla at nagulat ako saglit at seryusong napaharap sa kanya ngayon ang seryusong mukha niya ay lumambot kasabay ang paglitaw ng isang ngiti. "Alabyu."




Sarili niya lang mismo ang napakilig at doon ko napagtanto na binaliktad niya lang pala ang UyBala.




"Sus!! kinilig tinatago-tago pa!. Eh. Ihing-ihi kana sa kilig pinipigilan mo pa!" Asik niya pa at napairap akong tinalikuran siya.

"Lei loveybabe!!!! Hintay naman jan!" Asik niya pa ng maiwan ko.



Kinalaunan ay nagsalo-salo kami sa hapunan at hindi mawala-wala ang masayang ngiti ng lola ni Jeau sa amin. Kahit nakangat-ngat na ng buto ay nakangisi parin sa amin. "Wala bang subuan?" Aniya at mabilis umangat ng tingin si Jeau sakin sabay kuha sa kutsara niya na ipapasubo sakin. Napayuko ako sa hiya, talagang gagawin niya talaga ang gusto niya? Sa mismong harapan ng lola? Mga katulong?.



"Ahhh!" Pilit niya pa sakin at natawa nalang si lola ng lumipat ako ng upuan katabi ng matanda. Napanguso nalang sakin si Jeau at nagsimulang kumain.



"Nagliligawan naba kayo?" Tanong ni lola at pareho kaming napahinto ni Jeau sa ginagawa namin. Napaayos ako sa tanong na iyon ng maunahan na ako ni Jeau na sumagot.



"Mag-asawa na kami la! May isang daang anak na iirihin pa!" Nakangiting sagot nito at palihim namang nagsitawanan ang mga katulong. Masama kong sinulyapan si Jeau pero parang wala lang sa kanya iyon at niya bigla sa plato ko ang isang binalatan na patatas.



"Mainit pa yan kasing init ng pagmamahal ko sayo!" Aniya at mas lumaki pa ang tawa ng paligid sa amin. Napalunok ako sa hiya na nadarama ko ngayon habang siya ay ngisi lang ng ngisi.

Napagplanuhan namin na sa study room kami ngayon para mag-review para sa Summit. Ako na ang naunang dumating at ilang minuto ay si Jeau na pagpasok niya palang sa pintuan ay nagtataka ako bakit ang dami niyang dala.

"Mag-aaral lang naman, hindi picnic." Mahinang usal ko na sa computer nakatitig. Marami siyang dalang snacks at dala ang makapal na kumot.

"Eh dito tayo matutulog eh!" Masiglang aniya na nag-aayos sa mga gamit. Hindi ko alam kung ano ba ang pumasok sa utak niya para sa ganito ang dala niya, mag-aaral lang naman kami. Pagkatapos sa ginawa niya ay tumabi naman siya sa malaking study table sabay lapag ng reviewer niya. Ngumiti siya sakin pero hindi ko siya nilingon.

YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Où les histoires vivent. Découvrez maintenant