KABANATA 17

728 56 5
                                    

Kabanata 17

__________________




JEAU P.O.V.



Papasok palang ako sa gate ng Laurente ay nagsigawan na ang ilan na kababaihan at ang mga kalalakihan naman ay nagsibulongan naman.



"Jeau!!!!!"sigaw ng isang grupo ng babae sa gilid ko.


"Bagay sayo ang bago mong sports car!!!"




"Pasakayyyy!!"



"Gwapo moo!!! Sobra!!!!"



Ngumiti lang ako sa kanila ng simple at mabilis na nagmaneho papunta sa parking lot ng makita ko agad ang nakahelera na bike, paniguradong kay Lei este kay pangit na naman.





Nang makababa na ako ay may ilan ang bumati sa akin ng magandang umaga at ang ilan nagpapicture pa.




Minsan naiinis rin ako sa mga ganito. Palagi kasing nadidisturbo ang araw ko kung palaging ganito at wala na akong privacy non.





Nakapamulsa at taas noo akong naglalakad sa may hallway at maangas na inayos ang buhok ko may ilan na namimilipit sa kilig sa ginawa ko pero hinayaan ko nalang.




Hanggang sa mapunta ako sa pinakagitnang bahagi ng hallway kung saan ang pinakamalaking bulletin board sa mismong gitna.




Di na ako nagulat na maraming nagsidagsaan na mga tao doon at tinitignan ang nakasulat doon. Nakangisi lang akong nakapamulsa doon at napatingin naman sakin ang lahat at binigyan ako ng madadaanan.





Ganyan nga. Dahil ako lang ang nag-iisang Laurent dito.









"Jeau! Top 199 ka!"asik ng babae sakin.





199? Agad kong tinignan ang sinabi ng babae at hinanap ang pangalan ko doon, hindi naman masikip dahil binigyanq nila ako ng daan at espasyo.



Napapikit ako sa inis ng makita ko ang pangalan sa ibaba, hindi ko pinahalata na napahiya ako pero hindi naman ako nahihiya dahil alam ko sa sarili ko na hanggang dito lang talaga ako sa entrance exam.




Kaso lang mas bumaba kesa nung isang taon! At ang ibig sabihin lang nito at patay ako kay lola Wa!.



Napalunok ako ng maalala ang sinabi niya noon, public school ako mapupunta ng dahil lang sa entrance exam?



No hindi naman yon gagawin ni lola sakin.




Tumango lang ako at may umakbay naman sakin mula sa likuran ko.



"199 kalang? E si Moni--"



"Oh SHIT! NAKALIMUTAN KO!"asik ko at minadaling hinanap ang pangalan niya sa pinakaunahan dahil paniguradong siya ang number 1! Ngayong taon!.




Nagsitilian naman ang mga kababaihan ng makaakbay sakin si Stanly.



"Hindi mo makita?"boses mula pa sa likuran ko paniguradong si Bridgette ang kaibigan ni Monica.




"Bakit?"naguguluhan na usal ko.



Nakapamewang naman siyang nakatitig sakin.



"May magaganap na event mamaya at doon ipakikilala ang mga nakatungtong sa top 3!" nakangising aniya.



Napatango nalang ako. Ang dami niyang alam dahil kasama niya si Monica sa bawat lakad nila.


YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now