KABANATA 12

841 59 4
                                    

Kabanata 12

___________________



LEI P.O.V.





"Bakit kilala ka ni Miss Leonor?"


Yon agad ang tanong sakin ng ilang kaklase ko dito sa Laurente. Ano ba ang meron doon? Hindi niya naman alam ang pangalan ko.



"Ang wierd niya kasing babae kaya nakilala agad."



"Tama! Siya lang naman ang wierdo dito sa Laurente!"



Hindi ko lang pinansin ang mga pinagsasabi at paririnig ng mga ito sa akin at nagpatuloy lang kami ni Elaine sa paglalakad papunta sa canteen.


"Bakit ba big deal na dito ang makilala?"natanong ko nalang sa kanya.


Dahil sa aming dalawa siya ang may karanasan dito sa Laurente.


Kahapon lang naman dumalaw ang matanda at sa classroom lang naman yon pero nakakapagtaka lang na umabot pa sa ito sa labas. Isa rin ata sa talento ang pag-chismis dito sa Laurente.



"Ngayon lang kasi nagkaganoon na pangyayari."aniya at pumasok na kami sa loob ng canteen. "Si Miss Leonor hindi yon basta-basta nagsasalita ng kahit sino. Napakatahimik non at nagbabatyag lang sa mga estudyante dito sa Laurente. Napaka-estrikta tignan non! At ang pinakapagtataka ng iilan kahapon ay ikaw ang unang pinansin niya."mahabang paliwanag niya sa akin.


"Ahh ganon ba."inosenteng sagot ko at tinapik niya naman ako.


"Yon lang ang e-rereact mo sa kwenento ko?".di makapaniwalang aniya sa akin


"Bakit? Ano ba dapat e react ko?"


"Psh! Ang tamad mo talaga Lei! Kahit react o facial expression man lang hindi mo pa magawa!"reklamo niya pa.."yon lang talaga ang masasabi mo?"


Sa totoo lang ay hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Hindi naman malaking bagay yon sa akin hindi kagaya ng ilan dito na parang mga tanga.

"Hindi ko alam. Bago lang naman ako dito."sagot ko at tumango nalang siya.


Siya ang umorder samantalang ako ay nakaupo lang para maghintay. Dito parin kami sa inupuan namin noon at hindi parin mawala ang paninitig sakin ng mga ilang estudyante.


Nang makabalik na si Elaine ay inabot ko sa kanya ang pera ko. Ayoko ng libre dahil kaya ko naman ang sarili ko.


"At para saan naman to?"nakataas kilay na aniya.


"Bayad ko sayo."sabay lapag sa 1000 ko.


"Gaga kaba? Ako na bahala doon. Libre ko nato."aniya at umiling agad ako.


"Ayoko. Kaya ko namang bayaran. Saka muna ako ilibre kung walang wala na ako."asik ko at  magrereklamo na sana siya nang may tumabi sa amin.



Natahimik kami pareho ni Elaine at napatingin lang sa hindi naming kilala na babae na umupo sa tabi namin.



Nakangiti siya na parang napipilitan at nahihiya sa amin.



"Hi girls! Wazzup girls. Paupo saglit.".aniya at lumilinga sa paligid.



Napatingin naman kami sa paligid kagaya niya.

"Shit! Totoo nga!" asik niya sa sarili na halatang nasasaktan.

Mga ilang sandali palang ay agad naman siyang tumayo.


YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now