KABANATA 66

554 46 5
                                    

Kabanata 66


________________



Nang mag-isa akong naglalakad  papunta sa may hallway ay naabutan ko doon si pangit sa may kotse ko. Nakatayo lang ito na nakakibit balikat napatingin sakin.


"Ano na naman?" Nawawalang gana na tanong ko dito. Parehas lang kami dahil nawawalan rin siya ng gana sa aking tumitig.


"Sabay na tayo." Tipid na aniya.



"Abay swerte mo naman para magsalita ng ganyan sa katulad ko!?" Asik ko pero hindi man lang siya nagsalita laban sa akin. Nang hindi ko siya pinansin ay doon na rin siya nagsalita sa akin.



"Sabay na tayo sa Infinity." Aniya at napatingin sa paligid bago sa may likuran ko.



"Ayoko!" Bulalas ko at napabuntong hininga nalang siya.


"Kahit hindi na tayo sabay sa pag-uwi."


"Ayoko rin!"



"Sabing sabay na tayo." Diin na aniya at agad kinuha ang susi sa may kamay ko at mabilisan na binuksan ang ang pintuan ng sasakyan ko sabay tapon sakin sa upuan bago sinarhan. Namilog ata ang mata ko sa gulat sa ginawa niya masyado siyang sadista!.



Bumalik nalang ako sa isipan ko na nagmamaneho at nasa may backseat ko na siya. Tahimik lang siyang nakatingin sa may bintana at inis akong napatanong sa kanya. Kung makakilos ba naman ngayon akala mo walang ginawang kasadistahan kanina!.


"Bakit ba ang yabang mo pangit! May patulak-tulak ka pa sakin!" Reklamo ko habang nagmamaneho. Rinig ko ang pagtikhim niya bago magsalita.


"Kung hindi ko yon gagawin ay mas masakit pa sa tulak ang mararamdaman mo."



"H-ha! Ano?" Takang tanong ko "wierdo mo!" Sa huli ay nakaabot rin kami sa Infinity ng walang pansinan!.


"Ow-Hello good morn-este evening Sir! Anong gusto niyo?" Tanong sakin ng bakla na nilampasan ko lang. Dumiretso na ako sa VIP room na palagi naming tinatambayan. Naabutan ko doon sina Lindon na nagtatagay na ng beer at may kasama namang babae si Stanly.




"Kampai mga pre!" Sabi ni Stanly na hindi pa ako napansin  "Uy! Jeau! Sa wakas sa tagal mo nandito kana rin!" Tango lang ang sagot ko sa kanya bago tumabi kay Lindon, sa kanya lang ako ligtas hindi sa tabi ni Stanly na puro babae ang katabi!.




"Nasan si Kurt?" Naitanong ko nalang ng hindi ko makita at walang nag-iingay. Nagkatinginan muna silang dalawa bago sumagot si Lindon sakin.



"Iwan don siya pa naman ang isa sa nagplaplano ngayon tas wala siya." Reklamo ni Lindon.



"Oh eh si Calvin?" Taas kilay na tanong ko sabay kuha sa isang beer at ininom hanggang sa maubos.



"Si Calvin nandoon lang sa paligid..sabi niya pupunta na siya rito."



"Uy may problema kaba Jeau? Parang wala ka sa mood ah!" Asik ni Stanly, inabutan naman ako ni Lindon ng pulutan habang nagsasalita.
"Palagi namang wala sa mood yan."


"Uy kalma Jeau yung puso mo! Haha! Oh eh anong nangyari sa inyo ni Monica?" Ungkat ni Stanly.



"Wala. Hindi ko siya naabutan. Nakauwi na raw eh." Walang gana na sabi ko at binuksan pang muli ang isang beer at handang iinumin na sana ng pigilan ako ni Lindon.


"Oh tapos?" Determinadong aniya.



"Anong tapos? Edi nandito na ako!" Asik ko at mabilis na ininom ang laman ng bote at saktong pagdating naman ni Kurt at Calvin. Kunot noo akong napatingin sa dalawa na kung makakilos ay parang babae ang hihinhin!.


YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now