KABANATA 39

623 47 3
                                    

Kabanata 39

______________



JEAU P.O.V.





"Inutusan mo raw si Cherry tungkol kay Lei?." tanong lang ni Lindon sa akin.


Kampanti akong tumango sa kanila lalo na kina Stanly, Kurt at Lindon na nakatingin sa akin.



"Ito ang paraan ko sa paghihiganti." tipid na usal ko saka dumating ang order namin na snack.



Napailing nalang si Kurt na nakangisi at kinain ang burger niya.



"So anong nangyari?" Interesado tanong niya.



"Nangyari?, well marami na siguro ang nagagalit at ayaw makita siya ngayon lalo na at pinakita niya talaga ang masamang ugali niya sa mga estudyante kahapon." sagot ko na uminom ng juice. "Nakalimutan niya ata kung sino at ano si Monica ng Laurente."




"Pero bakit mo naman nagawa yon? I mean..Jeau parang isip bata lang ang gagawa non.." napataas ang kilay ko sa sinabi ni Lindon. Pahero na naman to, napapansin ko na talaga siya na kung ano man ang gagawin ko para kay Alfonsi ay akma siyang aangal!.



"Ay sabi ko na nga ba Lindon..nagugustuhan mo na ang babaeng yon!" asik ko sa kanya at umiwas tingin lang siya kaya natawa nalang kami sa kanya "Babae yong tignan pero ang ugali?"



"Ugali?" putol ni Stanly kaya napatingin kami sa kanya.



"Oo ugali. May iba sa kanya na wala tayo! Kumbaga wierdo!" bulalas ko.




Napakamot si Stanly sa ulo niya at nakatingin sa malayo na nakanguso.




"Wala naman akong nakikitang masama sa ugali niya Jeau. You see? Sa dami ba naman ang nangyari sa kanya dito? From unang araw ng pasukan to this--"




"Teka nga! Ano bang problema mo?  Nilalabanan mo ba siya ha! Stanly!?" Putol na asik ko at umiling siya na may pagdududa sa mukha niya.



"Hindi yon ganon..pero sa akin lang..sa lahat ng pagbubully ng iilan sa kanya dito at lalo na sayo..nakita mo na ba siyang nagalit?" Inosenteng sabi nito na naiwan akong blanko.



Hindi ko nga nakita yon kay pangit. Ni kahit tignan ko siya sa mga mata ay blanko o tamad kalang tignan nito.



"Dalawa lang naman ang magiging expresyon niya." kaming apat ay napatingin kay Calvin na ngayon lang nakapagsalita. Ilang araw narin siyang naging tahimik at hindi namin matanong dahil hindi rin naman kami papansinin, magsasalita lang siya kung may kailangan samin o kami ang may kailangan.



"Blanko ang titig na ibig lang sabihin na wala siyang pakialam sayo kahit pa sigawan mo siya at ang tamad na titig na napapagod na siyang humarap sayo dahil nakakasira kalang sa araw niya at tatahimik nalang para sa ikakatahimik ng isipan niya." Paliwanag nito at nagsibalikan sakin ang mga panahon na nagkausap kami ni pangit at lahat ng iyon ay totoo.



"Kung ganon ay naiirita lang siya sakin pero wala siyang pakialam lahit nasa harapan ako?" usal ko nalang sa sarili ko na nakatingin sa pagkain sa lamesa.



Ang yabang niya talagang babae siya!!!



"Exactly. Dahil yon naman talaga si Lei. Tahimik lang at hindi nagbabago lahit kailan." dagdag na sabi niya na ikinakunot ko nalang ng noo ko.



"Await? Calv. Kilala mo ba siya?" Tanong ni Kurt. Ganon rin sana ang itatanong ko kung di lang naunahan.


Napatigil si Calvin sa pagkain ng fries niya at napatingin sa gawi namin na naiilang na umiling.



YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Kde žijí příběhy. Začni objevovat