KABANATA 29

785 61 2
                                    


Kabanata 29

(bare with this chapter, mataas po to unlike sa previous chaps. Ty!😍)




________________




LEI P.O.V.




Nasa canteen palang kami ay nagsitinginan na sakin ang iilan, hindi naman yon napansin ni Lacsamana dahil nag-oorder pa siya para saming dalawa.





Nasa pinakadulo parin ako nakaupo at sa unahan parin ang grupo ni Martinez. Milagro lang na hindi ko siya nagpaparamdam sa mga katangahan niya halos isang araw narin.



Nang ma-check ko ang selpon ko ay puro missed calls iyon ni Bimb at ibinalik ko nalang sa bulsa ng paparating na si Lacsamana sa kinauupuan ko.




"Ito sayo fried rice with oh so yummy chicken adobo, lasagna, fries so sarap with oh so liciousong shrimps! Cookies and cream Ice cream and yes to silvanas made from Sans Rival and slurpee float!" bulalas niya pa.





Tinignan ko nalang ang mga inorder niya at nagsalita naman siya.

"Hindi mo gusto?" aniya.




"Bakit ang daming inorder mo?" giit ko at kinuha ang ID ko galing sa kanya.




"Uy masarap kaya yan!"reklamo niya pa.




Napailing nalang akong ibinalik sa ayos ang ID ko at nagsimulang kumain. Mamaya nalang ako magreklamo pagkatapos kung kumain.




Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain ng magsalita na naman siya at hindi ko yon maiiwasang marinig.




"Ang galing natin kanina ah! Hindi ko talaga alam ang sagot pero ng may naalala ako na nabasa ko na pala yong topic na yon sa kung saan ay agad na gets ko. Galing no!? Nakakarecess pa tayo." aniya na nagpatuloy sa pagkain.




Hindi naman madungis kumain si Lacsamana, mas sosyal siya titignan pero ang bunganga niya ang hindi.




"Alam mo Lei ang tahimik mo! So wierd " aniya biglaan sakin at napatigil ako sa pagkain ko.





"Bakit? Anong mali ron?"ani ko na may naalala sa sinabi niya ganito rin ang tanong sakin ni Elaine. "May mali ba sa pagiging tahimik?."





"Hmm no. Pero kung sa boung Laurente ay ikaw ang bet ko sa pagiging tahimik! Hindi ka naman shy type pero mas hindi ka rin mahinhin? Teka? Tomboy kaba?" Napainom ako ng tubig sa sinabi niya.





Sa kanya sana ako titingin pero may naramdaman akong may nakatingin sakin. Sa bandang unahan. Si Martinez.





Kasama niya ang mga kaibigan niya na abala sa pagkain pero siya natitig lang sakin na parang hindi ko alam.





Napaiwas ako kay Martinez ng magtanong sakin si Lacsamana.





"Saan pala kayo nagkakilala ni Kyuhan?"



Hindi nalang ako sumagot sa kanya at nagsimula nalang ulit kumain, pero nagtanong ulit siya.



"Alam mo ba?" Aniya at inilapit niya pa sakin ang mukha niya.



"Napapansin mo ba na pinagtitinginan ka ng ilan dito? Dahil rinig na ang pangalan mo dito!"




"Ang alin?" inosenteng tanong ko at napakunot naman siya ng noo.




YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now