KABANATA 153

233 16 5
                                    


LEI  P.O.V.

_____________


"Halika ka." Sabay kuha ko sa kanan niyang kamay at nadala naman siya sa akin sa paghila palabas sa maraming tao. Ang bilis sa pagkakahila ko saktong napalayo kami doon pero agad ring napansin ng ilan at nagsitakbuhan sila pasunod sa amin. Pero mas mabilis ang takbo ko sabay bukas sa unahang pintuan ng sasakyan at mabilis ko siyang tinapon papasok at nauntog pa ito sa manibela na hindi ko naman sinadya.

Napapikit siya sa sakit at sa pagdilat sakto namang nasarado ko na ang pintuan ng sasakyan at nagtago ako pababa para di kami makita, kahit tinted pa itong sasakyan ay hahanap at hahanap parin ng paraan ang ilang fans niya para gumawa ng issue pero... doon ko lang napansin na kumababaw na pala ako sa  kanya at ang lapit ng mukha niya sa bandang leeg ko. Yung hininga niya nararamdaman ko.

Huli na ng mapansin ko ang porma namin agad akong tumayo ng dahan-dahan ang sikip ng kotse. Nasa driver seats na siya samantalang ako ay nasa tabi lang napatingin sa bintana.

"Sorry."

"Bakit mo ako tinulongan kaya ko naman yong kanina?" Dritsong tanong niya at napailing siyang humarap sakin.

"Hindi ko sinandya yung nangyari kanina..dito. Nakita lang kita kailangan mong makuha yung gamit ng pasyente. Nakikita ko na mas matatagalan ka pa doon hindi ka makakaalis." Mahabang paliwanag ko kahit na hindi naman kailangan na mahaba ang paliwanag. Pero iba ang ibig kong sabihin sana.

"Hindi rin tayo makakaalis." Tipid na giit niya ng makita naman ang mga tao nakadikit parin sa bintana ng sasakyan.

"Hintayin" tipid na usal ko sabay tanggal sa mask ko sa bibig hindi na ako makahinga dito napansin , napansin ko ang pagtitig niya sa may palapulsuhan kaya ako na ang nagsalita.

"Nagamot na, nagkasugat lang dahil sa pasyente ko kaninang umaga" usap ko at napangisi naman siya umusog padikit pa sa may bintana.

Ano naman kaya ang naiisip nito.

"Yung asawa mo? Diba siya uuwi? Hihintayin mo pa?" Seryusong sabi niya.

Huminga ako ng malalim at inayos ang damit ko sabay spray ng alcohol sa kamay at bawat sulok ng sasakyan.

"Wala pa yon" Sagot ko at tumanggo naman siya .

"Sabihin mo nalang mamaya pag nalaman niya ito." Saad niya pa at tumango lang rin ako.

"Ikaw magmaneho. Total nandiyan kana. Ihatid mo nalang ako, isauli mo lang bukas sasakyan ko dito sa parking area." Saad ko at napataas kilay siya sa sinabi ko.

"Hindi. Hihintayin nalang natin silang umalis total malapit naman silang sumuko."

  Napatingin ako sa mga taong naghihintay sa labas hindi parin ako makahanap ng daan makaalis hindi parin sila umaalis.

"Sige. Ikaw bahala basta yon ang plano parin." Giit ko na umayos sa pagkakaupo.

Sa huli ay hindi pumayag na siya sa plano ko wala siyang magawa ayaw umalis ng mga tao sa labas kaya kami na ang umalis. 

Nakatulog ako sa byahe pero nagising ako sa tanong niya.

"Saan ang bahay mo?"

YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon