KABANATA 36

646 55 6
                                    


Kabanata 36




_________________



LEI P.O.V.







Sinong mag-aakala na nasa kanya pala ang hinahanap kong pusa pero ayos na rin siguro na siya ang nakakita para hindi na ako mag-aalala dahil nandito rin naman ako.



Nasa may sala ako para hintayin ang lola ni Martinez na nairita dahil sa pagwala ng apo niya.





At isa pa, paparating na ang ama niya. Ang senador na hindi ko pa kailanman nakikita sa personal sa tanang buhay ko.



"Hija, paparating na si Jeau." nakangiting aniya at umupo sa may kabilang sofa kung saan ay magkaharap kami.





"Mabuti kung ganon." tipid na sagot ko sa kanya. Ganito ba siya mag-aalala para sa apo niya? Hindi ko siya masisisi dahil kaisa-isang apo lang ng mga Martinez ang lalaking iyon.





"Hija. Pagpasensyahan muna ang apo ko. Sa mga ugali niya na pinapakita sayo." madamdamin na aniya.




Makikita ko sa mukha niya ang pag-aalala at sinseridad.




"Wala lang naman yon sakin." tugon ko pero hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako sa matandang kamay niya pero napakaputi.



"Pagpasensyahan muna siya hija, masyadong masakit sa ulo ang hijo ko sayo." Matandang boses niya. Tumango lang ako dito ng magpatuloy pa siya sa sasabihin niya






"Kasalanan ko kung bakit nagiging spoiled ang batang iyon..bata palang kasi ay nakita niya na ang karangyaan na meron ang isang Martinez. Lahat nakukuha niya dahil lahat binibigay ko...simula ng mawala ang ina niya..napakabata niya para doon na kahit sa panaginip ni Jeau ay hindi niya malilimutan ang pangyayari sa pagkawala ng ina niya at ng kapatid niya.."






"Hindi ko alam may kapatid si Jeau." tugon ko at malungkot na tumango ang matanda.



"Siguro nasa apat na taong gulang na si Jeau ng maaksidente sila. Hindi pa ganon kagaling magmaneho si Clara, ang mama ni Jeau nang muntikan ng mabangga ni Clara ang sasakyan sa isang malaking truck at dahil na siguro sa pagkakataranta ay umiwas siya...pero sa kasawiang palad ay napunta ang sasakyan nila sa bangin...at si Jeau lang ang nakaligtas...simula non hindi ko maiwasan ang masaktang makita ang apo ko na umiiyak at hindi makatulog sa pag-iyak...naalala ko pa noon na panay sulat niya na halos isang notebook..puno ng hiling na sana makita niya muli ang mama niya..sa edad niya pa kasi non ay hindi niya alam na patay na ang mama at kapatid niya." Nakatitig lang ako sa kamay ko na hinawakan ng matandan kanina na ngayon ay lumuluha na pala. "Simula non ipinangako ko sa sarili ko na aalagaan ko siya at ibibigay lahat..pero ngayon, siguro ay oras na para may magtatama sa mali niya. Itatama ko ang kamalian niya..at alam kong matutulongan mo ako hija." aniya at hindi na ako umimik. Hindi ako ang makakatama sa sarili ni Martinez kundi siya lang din.







"Hija gusto ko lang malaman mo na mahirap patinuin si Jeau lalo na sa pagiging-isip bata non..hindi siya sanay na walang lola Wa niya. Lalo na kami lang dalawa ang nandito."




"Ang Senador?" matamlay na aniko.





"Ang gusto ng Senador mapaayos si Jeau dahil ito nalang ang natitira na pag-asang maipatuloy kung ano ang mga Martinez ngayon. Lahat ng gusto niya ay dapat gawin ni Jeau." Tumango lang ako at hindi na umimik pa. "Pero alam mo hija. Masayahin na bata si Jeau at mabait hija...hindi niya lang pinapakita kasi hindi pa siya ganon sa iba, at isa sa mga kaibigan niya ang nagpapasaya sa kanya."






YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now