KABANATA 137

437 41 30
                                    

Kabanata 137

____________


JEAU P.O.V.



"Si L-lola..." nanghihinang sambit ko at pareho kaming hindi makapagsalita ni Sir George. Napalunok ako tumakbo paalis doon ng pigilan ako ni Calvin at Stanly. Malapit na kami sa may pinarking na mga bus kahapon.

"Wala sila ngayon bukas ng umaga sila darating dito." Simpleng sabi ni Calvin.


"Ano! Di pwede yon!? Si lola!"


"Pero wala tayong magagawa." malungkot na saad pa ni Stanly.


"Ngayon lang namin nalaman Jeau. Kinontact namin sila pero lowbatt na kami at napakahina ng signal dito." Paliwanag ni Sir ng nakahingal patakbo palapit samin. Nagsimula na akong kabahan ng sobra nanginginig ang kalamnan kahit sarili ko diko na maramdaman. Nag-aalala ako para kay lola.



"K-kahit na kailangan ko paring makauwi!" Di mapakaling saad ko.



"Kagabi lang tumatawag ang secretary ng lola mo." Saad ni Miss na siya mismo ang kumuha sa cellphone kagabi.
"Ilang missed calls na pala pero wala kang sinagot. Napansin ko nalang ng mabawi ko na." Aniya na akin namang ikinalumo. Hindi kaya ng konsensya ko kung ano man ang mangayayari kay lola.


"A-anong gagawin ko." Mahinang sabi ko na di mapigilan ang pagtulo ng luha. Hinahaplos nina Calvin ang likuran ko diko mapigilang humagulgol, ngayon lang sinugod si lola sa hospital kaya ganito ako ka-emosyunal.



Pinabalik nila ako sa field, nasa gilid lang ako nakatulala hindi makakinig sa sinasabi ni Miss sa harapan para sa activities. Kahit papano ay panatag ako kung kasama ang mga kaibigan ko. Napaisip ako kay Lei at agad hinanap ng mga mata ko. Nakita ko siya sa di kalayuan nakatitig rin sakin ng seryuso. Napalunok akong napapahid sa pisngi diko pa napupunas ang luhang tumutulo.


Umiwas ako sa titig niya ayokong mag-alala pa siya sakin.



"Okay game na ba kayo sa laro!?"



"Yes Miss!"


"Kailangan niyong hanapin ang  may ribbon na mga bato nakatago sa paligid kung sinong section ang maraming nakita ay sila ang makakatanggap ng 50 points sa bawat subject."

"Yes Miss!!!!"

"Ready naba!??"

"Yes miss!!!"



"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong sakin ni Kurt na kinalabit ako. "Ang tahimik mo di kami sanay." Naiilang na aniya at umiling lang ako.


"Magpahinga ka muna Jeau." Sabi ni Lindon sakin ng marinig niya ang pagbuntong hininga ko. "Kailangan mong magpahinga, huwag kang mag-aalala maayos rin si lola Wa." Paninigurado niya at tipid akong tumango.



Nanlamig parin ang boung katawan ko para sakin parang may kulang. Di ako patutulugin ng konsensya ko, kung kahapon lang si lola tumatawag sakin siguro ay makakauwi pa ako dahil meron pa namang bus sa gabing iyon.



Napasandal ako sa may puno, pinagmamasdan ang mga kaklase naming naghahanap sa mga bato.


"Psst Jeau tulongan mo naman kami hindi yung uupo lang sa ilalim ng mangga!?" Reklamo ng isang kaklase ko na dinukol naman ng katabi.



"Tumahimik ka baka mabully kapa ni Jeau!" Reklamo nito sa kasama at umiling nalang akong kinakapa ang inuupuan kong damuhan may sagabal sa pagkaupo ko. Nang may makuha akong bato ay akma ko na sanang itatapon ng mapansin kong isa ito sa hinahanap nila.



YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum