KABANATA 65

554 51 10
                                    

Kabanata 65


LILINAWIN KO LANG,  sa gustong malaman talaga ang pronounciation nila here po.

Jeau Laurent Martinez as  Je-yo Law-rent Martinez

Charles Leane Lei Alfonsi as
Charles Le-yan Ley Alfonsi

Iprahiam Laurente as
Ip-ra-hiyam Law-rente

(Yan lang muna dahil sila po yung may name na SLIGHT di mabasa ng diretso.) Skl.

_____________________



JEAU P.O.V.



So totoo nga ang hinala ko! Magkapatid sila ni Monica!.
Natapos na lamang ang programa ay di parin mawala sa tenga namin ang sinabi ng Dean mismo na anak niya si pangit.



Nang masabi ng Dean ang ganon ay nagsibulong-bulongan na naman agad ang mga tao sa loob ng gym. Sino ba ang hindi makakarinig? Na kahit bingi mismo eh makakarinig rin! Sa laki ba naman ng mga nagtatapatan na speaker sa gym!.



Umuugong ang ingay ng iilan kahit mga guro ay nag-uusap rin dala sa nangyari.



"Ang alam natin ay apo siya ni Sir Iprahiam pero hindi pa pala natin alam na anak pala siya ng Dean!" Asik ni Kurt sa amin.



"Kung ganon..hindi basta-bastang tao lang si Lei." Saad pa ni Stanly na napapabilib sa nangyari. Parang hindi meeting de avance na ang nangyayari dahil sa lantaran na naganap!.


"Siya na naman ang laman ng balita..balita na isang linggong walang katapusan." Reklamo ko na nakapamulsang tumayo. Tapos na ang programa at unti-unting lumalabas na ang mga tao sa gym. Nasa may hallway palang kami ay pangalan na ni pangit ang naririnig ko. Siya ang numero uno sa balita, kahit break up ng isang sikat na love team ng campus namin ay nasasapawan na. Nakapamulsa lang akong nakikinig sa may unahan ko na nag-uusap at katabi ko si Calvin sa lakad. Sina Lindon, Stanly at Kurt naman ay nasa may likuran ko ganon rin ang pinag-uusapan nila at si Lindon ay panay tanong nito na hindi man lang sumasagot.



"Alfonsi siya diba!?"

"Nakakabigla siya!"

"Hindi siya normal na students ng Laurente..pag-aari niya ang campus!"


"Oh sad for her, unang pasok niya dito ang dami ng nagbubully sa kanya."

"So whats her name again?"

"Charles Lee Alfonsi?"

"Nope! Charles Leane Lei Alfonsi-Laurente."


"Laurente ba talaga siya?"

Nakaabot na kami sa canteen at yon parin ang usap-usapan!


"Ano ba yang pangit na yan di naman artista!" Reklamo ko nalang at natawang sumagot si Stanly.

"Pero mayaman pa sa artista."


"Kalat na pangalan niya at nagyayabang na yon panigurado.." mahinang usal ko.

"Naku Jeau! Ang sama mo talaga para kay Lei!" Ani ni Kurt at kinakaway-kaway kami "Nagugutom na ako, lunchbreak na pala nasa bag ang pitaka ko."


"Kunin mo ulol " tipid na sabi ni Calvin.


"Ugok! Naka-locked classroom natin mamayang 12:30 pa yon bubuksan." Saad rin niya.

"Nasa bag rin sakin." Stanly


"Ako rin, akala ko hindi locked." Lindon


"Sakin nalang gamitin niyo, mga buraot." Usal ko sabay kapa sa pitaka sa bulsa ng wala akong makapa.


YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now