Kabanata 148

405 35 22
                                    

AN: wala ng part/season 2 dito😅 nakalimutan kong ilagay ehe.


KABANATA 148

______________

LEI P.O.V.

Naiinip akong nakaupo sa kakahintay kay Papa. Gusto niyang makipag-usap sakin ura-mismo. Sa inip ko ay lahat nalang ng pwedeng mangyari ay naiisip ko na.

Ayokong makipagkita kay Jeau sana. Gusto ko munang magpahinga sa lahat ng nangyari, hindi siya nakapag-exam malaking bagay sakin ang yon dahil siya ang huli kong inaalala. At least makaka-gruduate siya ngayong taon kumpara sakin na lilipat nang SEASI para umulit. Sinayang niya ang pinaghirapan ko.

Nangingilid ang luha ko ng maisip yon lalo na kagabi ang makita sila ni Krisha. Sino bang hindi makakilala sa kanya, isa siya sa sikat na bagong artista at model. Dating Seasenian rin.

Wala namang masamang nagawa si Jeau kagabi, kita ko lahat ng kilos niya pero..kung masulyapan ko siya ay nagpupursige siya sa pangarap niya, pansin ko ang hirap niyang mapansin sa director. Nasasaktan lang ako dahil kahit kailan ay hindi ako naging pangarap ng taong ito.

Napabuntong ako ng marinig ang pagbukas ng pintuan at lumuwal doon si papa. Dala ang isang envelope sabay bigay sakin.

"Lilipat kana." Usal niya na seryuso. Napatayo ako sa gulat at binasa ang binigay niya.

"Ibabalik niyo ko sa SEASI? Seryuso?"

"Mukha ba akong nagbibiro sayo. Lei?" giit nito at napalunok ako sa namumuong kaba at inis.

"Bakit ngayon!? Hindi -"

"Sino ba ang inaalala mo!? Pwede ba itigil mo na yang kabaliwan mo sa tao!." saad ni papa na muntik ng lumakas ang boses.

Napatahimik ako at umiwas tingin sa kanya. Si Jeau parin ang inaalala ko sa huli. Hindi ako sanay.

"Si Jeau ba?"

Matagal akong nakasagot sa kanya, kilala narin ni papa ang ugali ko kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Wala kang makukuha sa kanya kundi sakit!" aniya at nangingilid na naman ang luha ko pero napigilan ko pa naman. Pinapanitili ko parin ang magmukhang walang pakialam sa mga sinabi niya pero doon lumakas ang boses niya.

"Pwede ba Lei!! Sarili mo ang unahin mo. Bilang ama nahihirapan akong makita ka na palihim naiiyak ng dahil lang kay Jeau! Mahaba pa ang panahon! kung kayo kayo talaga! Ililipat kita! Ngayon, ako ang masusunod-"

"Pa..A-ano ba ang nakikita niyo sakin ngayon?" nauutal na tanong ko, nagsimula na akong maluha, makita ko sa unang pagkakataon na magalit si papa para sa kapakanan ko..hindi ko siya masisisi kasi kahit ako ay alam ko na ako na ang may mali sa puntong ito..

"Si Jeau..sinusunod niya ang pangarap niya. Ikaw ano ba ang pangarap mo? Meron diba?"

"H-hmm.." mahinang sagot ko na makatayong naluluha.

Paano ko ba aaminin kay papa na meron akong gusto simula umpisa palang pero binitawan ko dahil-

"Gusto ko dito sana magpatuloy sa Laurente dahil kay Jeau..K-kasi sabi niya di siya dapat iwan." iyak na pag-aamin kong sagot ko.

"Pero nauna na siya! tignan mo ngayon! Uulit kapa!" hindi mapigilan na sagot ni papa. Doon na ako napakuyom sa kamao ko at napayukong umiiyak.

Sinabi na ni papa ang dapat isampal sa sarili ko.

Hindi ko maisip na nagagawa ko to sa sarili hindi naman ako ganito para sa sarili kasi..nagmahal lang ako pero naging masama pa may kapalit pa pala.

"Hija..Lei."

YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz