KABANATA 76

590 49 0
                                    


Kabanata 76


_________________





JEAU P.O.V.



Para ata akong nasa impyerno ng mapaso ako! Ang sakit sobra! Saka ng muntikan ng mahulog yung kawali ay napakapit ako dito dahilan para mapaso ako kanang kamay at napatalon sa putanginang sakit!.



"Jeau!!!"




Hindi ko rin inaasahan na makita ako ni pangit at napatulala ako bigla kasabay sa pagkawala ata ng sakit sa kamay ko, parang nawala lang yung sakit nang tawagin niya ako sa pangalan ko. Unang pagkakataong ginawa niya.




Napatitig ako sa kanya, mabilis ang lakad nito papunta sakin na kasing bilis rin ng tibok ng puso ko ang nararamdaman ko ngayon. Diko maintindihan ang nangyayari pero sa bawat pagpitik ng puso ko ay unti-unting diko na naiintindihan ang pakiramdam.



"Hoy! Ayos kalang ba!?" Sigaw niya na hinawakan ang kamay ko, tulala lang ako at titig na titig sa kinikilos niya.


"J-jeau?" Bangit ko at napakunot noo lang siya!. Mabilis lang akong napailing ng makita kong seryuso siyang napatitig sakin. Nilayo ko ang kamay ko mula sa kanya at pinatay muna ang stove bago umalis sa kusina.



Pumunta ako sa labas ng bahay at diretso patungo sa may harden ng lola ko. Hindi ako makahinga, bwesit.



Pilit akong humihinga ng tatlong beses para pakalmahin ang sarili na di ko maintindihan! Bawat paghinga ko ay si pangit ang naiisip ko!






"Ugak! Gago! Bat siya ang naiisip ko!? Eh ang pangit non!" Reklamo ko at muling guminhawa ng malalim. Binigyan ba naman ako ng sakit sa puso ngayon.



Parang mas masakit patong dibdib ko ngayon kesa kamay na may paso.



Ilang minuto rin ang itinagal ko doon bago bumalik sa loob, naabutan ko siyang nakaupo sa may sala at akma ko sana siyang lalampasan ng magsalita.



"Gagamutin natin yang paso mo." Tipid na sabi niya na walang pinagbago noon masyadong tinatamad magsalita, walang kabuhay-buhay!.


"Ayoko! Kaya ko ang sarili ko! Hindi ako mahina gaya ng iniisip mo!" Patapang-tapangan na sabi na walang tingin-tingin sa kanya.



"Wala akong sinabi. Ang sabi ko lang gamutin natin, pag-panggagamot na ang pag-uusapan dito wala ng malakas at matapang dito ang kailangan ay magamot." Aniya pero diko siya sinagot at pa at naglakad paalis nang magsalita siya.







"Kasama ito sa kontrata natin." Tipid na aniya na aking ikinalingon!.





"At papano naging kasali ang ganito!?" Anas ko sa kanya, sa pagkakaalam ko sa exam lang ang koneksyon sa kontrata namin kagabi! Abay! Gusto nalang niya lahatin?. "Kaya ko naman ang sarili ko! Wala lang to sa kagat ng aso! Tsaka kaya kong gamutin ang sarili ko na di magpapatulong sayo!" Panay taboy ko sa kanya, ayoko na talagang lumalapit sa kanya! Parang may kakaiba kasi!.




"Kasali yan. Paano ka magte-take ng exam kung malaki ang paso sa kamay mo?" Aniya na ikinatingin sa kamay kong namumula sa sakit, sa hindi pag-iingat ko kanina at pagkataranta ay napahawak ako sa nilulutuan ko. Malaki ang paso at masakit nga iyon, napakahapdi!! por santo ni petroleum ng apollo ay di kayang gumamot!.




"Ano naman!" Giit ko pa at napatayo siya papunta sakin, masama ko siyang tinignan. Ayoko na ngang lumapit sa kanya tas siya na naman!. Alam kong habulin ako ng babae pero huwag ngayon! Masyadong mahapdi ang kamay ko!





YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now