KABANATA 142

531 46 20
                                    

Kabanata 142


______________



JEAU P.O.V.



"Gusto ko pong makita si Lei bakit ayaw niyang pumasok dito? Hindi niya ba ako namimiss!" Reklamo ko ng mapansin na sobrang tagal na ni Lei, hindi naman mapakali si tito at kinuusap niya ako ng maayos pero di mawawala ang nakataas kilay niya.


"Jeau nagpapahinga lang yon" saad naman ni Lindon.


"Pagod lang yon..o baka naman may inaasikaso lang diba." Singit rin ni Calvin at napahinga ako ng malalim. Maganda-ganda na ang pakiramdam ko sa ngayon kumpara sa dati, wala na akong dinaramdam na masama at masakit sa katawan ko. Sa naalala ko ay may inayos at tinignan lang naman sila sa puso ko.

"Siguro naman ay magaling na ako." Sita ko at tumango si Kurt.

"Malamang oo! Hindi kana Jeau na masakitin!!" Aniya at napangiti nalang ako ng pagkantyawan pa nila ako pero napakunot ako bigla at napaharap kay tito mula sa gilid.

"Papasukin niyo po si Lei tito." Pakiusap ko at natagalan naman itong nagsalita, pero nang hindi niya kinayanan ang kakulitan ko ay lumabas na siya sa silid at ngayon kami nalang ng mga kaibigan ko natira.


Kanina lang kami nagbabatian ng pasko at may binigay rin sila sakin na pagkain bilang pasalubong na pinatong lang sa may lamesa.

"Biruin mo yon. Buhay na buhay kapa." Saad ni Kurt na pinalo ni Stanly.


"Ganyan pala pag-inspired. Ano happy kana?" Nakangising sabi pa ni Stanly.


"Wala na akong hihilingin na regalo dahil dito palang nagpapasalamat na ako." Sinserong sabi ko pa at napatango naman sila sakin.


"Kunting tiis rin ay matutupad na ang mga gusto natin sa buhay..ilang buwan nalang graduate na tayo ng Senior high!" Pagbabalita ni Kurt.

"Saan kayo mag-cocollege?" Naitanong ni tito, bilang Dean ay may karapatan siyang magtanong samin.

"Sa DIAS Sir." saas ni Calvin at napakunot kami saglit, gagong to hindi man lang nagsabi na lilipat.

"Laurente parin Sir."

"Good, good..Magkakalayo kayo niyan pero mag-aral kayo ng maayos." aniya na nakatango, simple at paulit-ulit lang na salita pero dama naman ang nasabi niya.

"Yes Sir!" nakangiting usal ni Kurt.

"Ano na Jeau? Any plans?" Dagdag ni Calvin at napaisip rin ako. Gaya ng napag-usapan namin noon ni papa ay tuloy ako sa napagkasunduan.


"Yon parin tuloy." Saad ko pero parang ang lutang ko parin.

"Isang exam nalang ata graduate na..wala na tayong babantayan dahil magaling na si Jeau! Malaya na siyang gawin gusto niya. Congrats bro!" Masaya at galak na lapit sakin ni Lindon kasabay ang pagbukas ng pinto na nagbibigay atensyon samin.



"Ayay nandito na ang love of my life ni Jeau." Saad ni Stanly na sinisiko mga kasama niya ng titigan ko sila, senyales na sisibat na sila.



"Lei!"


"Alis lang muna kami." Paalam ni Lindon bago sila umalis na may mapaglarong titig sakin, napailing nalang ako sa mga ungas at napatitig na kay Lei.



"Loveybabe ayos kalang?" Usal ko at ngumiti naman siya ng may pag-aalinlangan. "I love you Loveybabe." Nakatitig parin ako sa kanya at inaayos ang bubok sa mag noo nito.


YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Där berättelser lever. Upptäck nu