KABANATA 139

549 49 28
                                    

Kabanata 139


_______________



JEAU P.O.V.




Nakatulala akong nakatitig kay Lei puno na pagtataka at hindi parin makapaniwala sa nangyari. Nilingon ko si Lola na naiiyak rin na tumitig sakin.


"La..totoo?" Mahinang paninigurado ko ang sakit sa dibdib lahat ng narinig ko ngayon nakakapanlumong malaman ang lahat. Mabilis ang hininga ko napaatras at napatingin naman kay papa sa di kalayuan. "B-bakit wala kayong sinabi?" Paos na boses ko at mabilis pinahid ang tumutulong luha ang sakit sa pakiramdam diko maintindihan.



"Hindi namin alam ang lahat kung hindi dahil sa isang magkasabay na trahedyang nangyari Jeau." Saad ni papa na may kaunting pamumula sa mata, mabibigat ang mga hiningang nagsalita ulit. "Magkasabay kayong sinugod sa iisang hospital sa mismong araw na yon kung saan inatake sa puso."





Napatahimik ako at unti-unting naglalaho ang pagtataka at napalitan naman ng takot sa maaring malaman ko pa. Hindi rin normal ang pagsikip ng puso ko ngayon masyado ko ng nagagamit ang boung lakas ko sa araw na ito.




"Naaksidente si Keir at nakita naman ng isa sa driver namin at ito narin mismo ang tumawag sa hospital.
.hija.." tawag ni Lola kay Lei sa gilid na pinipilit maging matatag na nakasandal sa pader pero maiiyak rin. Diko maintindihan kung bakit ganon ang emosyon niya para kasing nagseselos ako sa ganong pag-aalala niya. "Nung mga oras na iyon ay wala kaming alam na buhay si Keir at nasa iisang hospital lang sila ni Jeau...mga ilang linggo ang lumipas ay humihina na si Jeau at di oa kami nakahanap ng donor sa kanya hanggang sa may isang doctor ang kumausap samin..brain dead ang pasyente at wala ng pag-asang magising, parelisado ang boung katawan at hindi na makakayang gumising pa pero kilala niya ang pasyente isa sa estudyante niya noon na tinuring niyang anak. Ang sabi-"



"Sa tuwing pinag-uusapan namin ni Keir noon ang kamatayan..ayaw niyang mamatay na walang natutulongan." Putol ni Lei at napalingon ako sa kanya nag-iba at napakaseryusong nagsasalita. "Gusto niyang i-donate lahat ng organs niya kong pwepwede." Aniya at nabulol ako sa nalaman paano niya naisip ng ganon katapang na desisyon para sa katawan niya.



Nang tumango si Lola ay napalingon ako kay papa na nag-aalinlangan na magsalita. Napaatras ako at napasandal sa gilid, ang sakit sa pakiramdam parang sasabog ang dibdib ko sa sakit na diko matanggap ang katutuhanan!.




"At isa si Jeau sa nakatanggap." Puna ni Lei na biglang umiyak tumingin sakin. Kinakabahan naman ako na baka si Keir ang naiisip niya ngayon sakin.





"Hindi! Paano niyo nalaman na siya na nga yon lola Wa! Hindi parin makatutuhanan!" Pilit na hindi ko sila pinapaniwalaan!.





"Jeau... lumipas ang ilang buwan..naisip ko ang itanong sa doctor kong anong pangalan sa tumulong sayo hanggang sa iabot niya sakin ang picture. At napag-alaman ko na...kapatid mo yon...patawad apo.." paliwanag ni lola at napaluha parin ako sa kanila. Ang sakit sa dibdib na naman kaya napahawak ako sa dibdib ko hindi ako makahinga ng malakas, nang mapansin iyon ni Lei ang pakiramdam ko ay akma niya akong lalapitan pero huli na ang lahat dahil natumba na ako at nawalan na ng tuluyan ng malay.









LEI P.O.V.

_____________





"Maayos naba ang kalagayan niya doc?" Di mapakaling tanong ng lumabas ang doktor. Matapos mahimatay si Jeau ay ang mga nurse naman ngayon ang naghatid sa kanya para sa bagong silid niya. Hindi ako mapakali ng ama niya kung saan kami pupunta na silid, magkaiba sila ng lola Wa niya.





YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon