KABANATA 118

756 75 26
                                    

Kabanata 118



_________________


LEI P.O.V.



Napatulala ako sa pagtalikod sakin ni Jeau, sakin lang ba to pero nagbago siya.


Napaupo ako ng tahimik at nakikisabay sa pagtitipon-tipon ng mga matatanda. Nasa kabilang banda lang nakaupo si Jeau at simula ng usapan namin sa rooftop papunta sa hagdanan.


Alam kung gusto niyang lumayo dahil mahal ko pa si Kier. Totoo naman hindi madaling kalimutan nalang ang mga alaala namin ni Kier pero sa panahon na hindi ko na siya iniisip at sinasambit ay unti-unti akong nakakaramdam ng kakaibang hindi mapangalanan na emosyon.



Yung halik kanina iba sa pakiramdam hindi ko rin inaasahan na ganon ang gagawin niya basta ang alam ko lumakas ang tibok ng puso ko.




Nakokonsensya ako sa pagtataboy ko kay Jeau nung nasa bahay pa kami, hindi ko kayang sabihan siya ng masasama pero nagawa ko dahil gusto kong lumayo muna siya sakin. Baka pag nalaman niyang may nakaraan ako ikakasakit niya lang at hindi nga ako nagkamali dahil nasaktan ko na nga siya. Pilit rin akong lumalayo sa kanya, walang pansinan sa campus pero iba ang pakiramdam ko. Isa sa dahilan rin kung bakit lumalayo-layo ako sa kanya dahil gusto ko ring siguraduhin kung ano na talaga ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita at nakakasama siya. Dahil sa paglipas ng panahon ang pagmamahal ko kay Kier ay unti-unting naglalaho at napunta kay Jeau hindi na gaya ng dati na kailangan ko pang idibdib ang pagkawala niya.



Hindi ko rin naman ginagawang panakip butas si Jeau gaya ng ginawa ni Monica. Kaya nga kailangan ko ng oras para mag-isip kung totoo naba to na si Jeau naba talaga. Kailangan ko ng sagot yung hindi ako makakasakit ng damdamin ng tao.



At nang marinig ko na nga sa campus na palagi silang nagkikita ni Louiza doon ko nagsimulang maramdaman na unti-unti na pala akong nagseselos sa kanila, una hindi ko pa inaamin sa sarili ko pero makita ko sila sa restaurant ay hindi ko mapigilang mainis sa ginagawa nila. Nagising nalang ako na siya ang iniisip ko.




"Magkaibigan lang naman sila ni Louiza dzae! Ano kaba!" Giit ni Bridgette sakin na inaayusan ako sa kwarto. Labag man sa kalooban ko ang pumunta dito ay kailangan kong panindigan dahil sa panahon na selos na selos na ako kina Jeau at Louiza ay ako mismo ang nagsabi kay Jeau sa dinner nato.



"Kailangan maganda ka!" Aniya na nakangiti pa. Siya ang kinuha kong mag-ayos sakin ngayon, inalok ko pa sana siyang sumali sa dinner pero hindi siya magtatagal dahil may lakad pa raw siyang importante. "Mas maganda ka naman pala kay Monica kung mag-aayos kalang Lei." Puna niya na nakaspray sa buhok ko.


"Kaibigan mo siya diba." Tipid na usal ko at napairap lang siya sa malaking salamin.



"Oo naman. Kung pagplaplastikan ang dating. Basta." Aniya na nawala ang ngiti. "Kayo at si Shanade lang naman ang maituturing kung kaibigan. And done! Ganda mo! HMUA by me!!!"



Hindi ko inaasahan na sa paglabas ko ay ang likuran ni Jeau ang makikita ko sa kusina, nakasout siya ng suit na bagay na bagay sa kanya napakapormal tignan ang datingan niya pero katabi niya si Monica. May lumapit sakin para alalayan ako sino pa ba? Ang kakompitensya ng club ko si Shun. Tinanggap ko ang kamay niya at pumayag na tumabi sa kanya nandoon rin sa gilid ko si Bridgette pero hindi magtatagal aalis rin to.




Bawat kain ko ay napapasulyap ako kina Jeau at Monica, napakahigpit kumapit ni Monica sa braso ni Jeau at siguro napakabait niya sa mga babae kahit napipilitan ay ayos parin.



"Kailangan ko ng umalis Lei! Thanks!" Paalam ni Bridgette sakin ng maihatid ko siya sa may gate matapos matanggap ang bayad sa pagpapamake-up. Ngumiti ako ng kaunti sa kanya at sinigurado munang nakaalis na siya bago ako bumalik sa loob ng bahay ng marinig ko ang pangalan ko sa mismong bibig ni Monica sa may harden.



YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Место, где живут истории. Откройте их для себя