KABANATA 100

686 59 6
                                    



Kabanata 100


________________



LEI P.O.V.


"Lei! Sabay na tayo!" Giit ni Jeau sakin, matapos niyang umamin ay wala akong masabi dumiretso nalang ako dito sa parking area. Nakakahiya, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ang dami nakasaksi.


"Hindi ako sasabay sayo." Tipid na sabi ko pero naabutan niya ako at hinila ang kamay papunta sa kotse niya.


"Magkasabay naman tayo kanina ah! Bakit dika nagreklamo!" Nakangusong asik niya sakin at pinagbuksan niya ako ng pintuan. "Sakay na." Dagdag niya pa at napakunot noo lang ako sa mga nangyayari. "O bakit na naman?"



"Nakakailang kang kasama Jeau." Pag-aamin ko at napangisi lang siya sakin bagay na bago lahat sakin.



"Baka mahulog ka na niyan ang bigat mo pa naman."



Nang makauwi kami ay naiilang parin akong kasama siya, alam kung naninibago rin to pero hindi lang pinapahalata. Hindi kami nagpansinan sa loob ng bahay lalo na at kasama namin ngayon sa hapag kainan ang lola ni Martinez.



"Hindi paba baba si Jeau?" Tanong ng lola nito sa katulong at nakita naman namin na papalapit na ito sa kusina.



"Hi la!" Masiglang wika nito at lihim akong napayuko at nagsimulang kumuha ng kanin nang may tumabi sakin na nakangiti. Sa hiya ko ay diko siya pinansin at nagpatuloy lang kumuha ng pagkain, hindi ko magawang tumingin sa kanya mas mabuti nalang tong plato ang titigan ko.




"K-kumain na tayo.." mahinang sabi ng lola at nagsimula na nga kaming kumain nang may naglagay sakin ng patatas sa plato. Lihim akong napalunok sa ginawa ni Jeau at nilingon siya ng may masamang titig.


"Steam potato para akoy mapa sayo." May naglalarong ngiti sa mukha niya. Napa-angat ang labi ko sa kanya hindi makapaniwala na gagawin niya ito. Napatingin ako sa lola niya na ngayon ay nakanga-nga lang samin kahit ang mga katulong ay nasa mukha ang gulat at pagtataka.


"S-salamat." Mahinang usal ko at nagsimulang kumain ng may naglagay na naman sakin ng adobo sa plato at agad ko ring nilayo ang plato dito.




"Hija? Patatas lang ang kakainin mo? Pano tong adobo ko?" Nang malaman ko kung sino ay mabilis akong napa-angat tingin at hindi pinahalata ang gulat, mataman akong ngumiti at kumuha ng adobong binigay niya. Napatingin ulit ako kay Jeau na ngayon ay nakangising napailing lang.





"La. Gusto niya ako ang magbibigay haha!" Malakas na sabi niya pa. Hindi ko alam kung saan siya nakakuha ng lakas loob para sabihin ang mga ganito. Ang pagkakaalam ng lola niya ay hindi kami nagkakaintindihan ng apo niya pero ngayon diko na kilala tong katabi ko.




Ako ang naunang umakyat at nakasunod naman siya sakin na nakangiti lang. Hindi ko matansya ang kaganapan na ito at mabilis akong umakyat papunta sa mismong pintuan ko diko alam kung paano siya nakalakad ng mabilis sakin para sandalan niya ang pintuan sa harapan ko. Nakatitig lang ako sa kanya na ngayon ay nakangiti na nakakibit balikat lang at pinalobo pa ang pisngi gamit ang dila bago siya sumeryuso sakin.




"Akala mo siguro diko tutuhanin ang sinasabi ko?" Aniya at sandali akong napakunot sa noo.



"Ayo-"


"Aysshh! Sige na matulog kana. Para bukas sasaluhin na kita." Putol niya sa sasabihin ko at biglang ginulo ang buhok ko bago umalis sa pintuan at pinagbuksan ako. Wala akong masabi sa kanya at ang magagawa ko lang ay tumango para mas ngumiti pa siya ng todo. Nang makapasok na ako sa kwarto ay nagbihis ako at nagsout ng pantulog bago humiga.





YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon