KABANATA 3

1.3K 75 3
                                    

Kabanata 3

_______________________


LEI  P.O.V.


Magagalit at mananakit naman pala kung mapipikon, ang dali niyang mang-inis pero hindi naman ako nainis mas siya pa ang naiinis sa sariling ginawa niya.



"Uy? Anong nangyari sa buhok mo? Ang pangit mona nga dyan sabog pa ang buhok mo"


Agad akong umupo sa mataas na stool at hinarap sila.


"Magtrabaho nalang kayo."mahinang usal ko sa dalawa na kaharap ko.



"Await!!"bulalas sakin nito at tinabihan ako sa kaliwa. "Galing ka sa V.I.P. kanina diba?"nanghihisteryong tanong niya. Tumango naman ako sa kanya.




"O...May...Gash!!!G-CASH!!"tinabihan rin ako ng isa sa kanan "Sabog hair girl! Meaning..O may gash!!!"




"Tahimik ka nga jan Chib "asik ko pero nakangiti lang siya. Samantalang ang isa ay tinitigan ako ng seryuso.




"Ano?"reklamo ko dito. Napairap naman ito sakin.


"Nakakagulo lang sa isip bakit ikaw? Ang pangit mo naman pero na gang ka nilang lahat!"asik niya sakin.




"Kanina ka pa nanglalait kay Lei! Hoy Bimbs!"putol niya sa kakambal niya. Inakbayan naman ako ni Chib "pero ano nakita mo? Gors kwento na dis"




Napabuntong hininga nalang ako sa kanila. Wala namang nangyari na maganda don. "Nagkasuntokan lang."tipid na usal ko at nilayuan nila akong dalawa at bumalik sa kanya-kanyang trabaho nila.




"Ano ka ba naman girl. Wala ka talagang ka spark spark na binigay sa mga lalaking yon? Lalo na si ano nga name non Bimbs?"dismayadong usal ni Chib. Umirap naman sakin si Bimb bago hinarap ang kakambal niya."Ang gwa-gwapo pa naman nila! Sana ako nalang ang pumasok."




"Spark? Baka sapak ang bibinigay ng pangit nato!"natatawang usal niya sakin. Hindi nalang ako nagsalita pa at nagtungo ako sa mga huhugasin ko sa gilid.




Nang matapos na ang trabaho ko doon ay agad akong nagtungo sa parking area ng club kasabay si Chib, iiwan niya muna si Bimb doon dahil may kukunin lang siya sa bahay nila.



Alas dyes narin at oras na para umuwi.





"Kaya ba yon ni Bimb lahat don?"tanong ko habang naglalakad kami.



"Ayon? Kaya ni Bimbs yon."tumango nalang ako sa kanya at nahinto na kami sa kanya-kanya naming hihintuan.




"Ang aga nating umuwi ngayon. Hindi kagaya noong ilang araw. Marami naman kasi ang mga customer kaya maaga diba?"




Tumango nalang ako nang may nagsitawanan sa likuran namin halatang kababago lang dumating.




Namilog ang mata ni Chib at binulongan ako."Girl, sila ba yong mga pinagsasapak mo? Bakit walang pasa? Saan mo ba sinasapak?"nakangiting pang-aasar niya sa akin.




"Gago kaba bakla. Wala akong ginawa."asik ko at sumakay sa biseklita ko.




Mas lumakas ang tawanan sa likuran namin at batid ko na nasa malapit lang sila.



Sumakay naman si Chib sa sariling biseklita niya na katabi ko lang "Girl ang sarap sa ears pag maraming gwapo ang tumatawa sayo!"malanding usal pa nito.




YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now