KABANATA 132

549 48 10
                                    

Kabanata 132

______________

LEI P.O.V.

Ngumiti sakin si Jeau nang maihatid niya na ako sa classroom, hindi naman kailangang ihatid niya pa ako pero madadaanan lang rin naman.

"Loveybabe. " tawag niya sakin ng makahakbang na ako sa pintuan. Nilingon ko siya at lumapit siya sakin ng mabilisan ay niyakap ako ng mahigpit. Walang pakialam kung may nakakakita na nga samin. Napakunot noo akong kumalas sa yakapan namin at madaling dinikit ang kamay ko sa noo niya.



"Nilalagnat kaba?" Tanong ko at di siya sumagot sa halip ay bumuntong lang siyang napanguso.


"Lagnat lang to saka malayo sa bituka." Giit niya pa at napakamot.

"Ngayon lang ba yan? Hindi ko naramdaman kanina sa pagbyahe." Napatitig lang siya sakin at tumango pero umiling rin siya huli at inakbayan ako.


"Iinom lang ako ng gamot mamaya. Huwag kang mag-alala dahilan lang to sa pagod ng katawan." Aniya at napakalma ako ng sandali. "O siya sige na babe! May iaanounce pa ata ang teacher ngayon kaya mapapaaga sila baka malate ako sa taas." Aniya at tumango ako at tumalikod. "I love you.." mahinang sabi niya at napahinto ako pero hindi lumingon. Napangiti ako ng tipid at huminga ng malalim.

"Mahal rin kita..sobra."

Nakaupo ako sa sariling upuan at maayos na nagbabasa lang sa librong napadpad sa desk ko. Tulog at kahit maaga ay antok na antok parin si Hashmin halatang nagpupuyat noong nakaraang araw para sa exam.

Ang dating maiingay ay naging tahimik at natatarantang nagsiupuan ang mga kaklase namin. Kinurot ko ng mahina si Hashmin para magising ng pumasok ang guro naming bago kasama si Sir George.

"Good morning class." Bati ni Sir samin. Siya naman talaga ang adviser namin sadyang mabubusy siya dahil isa siya sa magiging coach ng isang competition at ang babaeng katabi niya ang papalit.


"Kilala niyo naman siya diba? Noong isang araw palang kayo nagkakilala..siya muna ang maghahandle sa inyo for 1 week lang. And by the way Im here para e-announce ang kasali sa top 10 dito sa section."


Nagsipalakpakan ang ilan samin, excited na malaman ang result para sa finals namin. Bumuntong hininga ng malalim si Sir habang nakatitig sa papel at tumingin saming lahat. "Actually..bad news to para sa strand natin."

"What? Why Sir Georgiii?" Pabibinata na tanong ni Cherry.

"Sa strand kasi natin..imbes sampu ang honor ngayon hindi na kundi nasa lima nalang." Paliwanag pa nito samin at isa-isang nadidismaya ang ilan.

"Bakit naman!!"


"Halaaaa!"

"Jusko marites lagot ako kay mommy nito!."


"Shut up at listen ka nalang jan Jonel! Hindi ka naman honor duhhh!" Reklamo at irap na sabi ni Cherry sa likuran niya. Natahimik lang ang inggay nang tumikhim si Sir samin at binigay sa isang guro ang papel kung saan doon nakalagay ang pangalan ng mga honor student sa section namin.


"Okay okay tama na yan..makinig ang lahat sakin." Usal ni Sir at yung bagong teacher ang ang nagsasalita sa mga pangalan. May ilan naglilihim ng iyak at pagkadismaya ng hindi nila tawagin ang pangalan nila.


"Top 2, Lacsamana Hashmin." Basa nito at napatingin naman sa direksyon ko na nakakunot noo pabalik-balik tingin sa papel at sakin. "Top 1, Alfonsi Charles Leane Lei." Humihinang basa niya at nginisihan ko siya ng pang-aasar. Nagsipalakpakan ang lahat para samin at doon lumabas narin si Sir George at siya na ang nakatayo sa harapan.



YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now