KABANATA 94

653 63 5
                                    



Kabanata 94





_______________





LEI P.O.V.





Ano pa ba ang aasahan ko sa nangyari?. Laurente ang napasukan ko at kung pag-uusapan ang right conduct sila ang nangunguna. Nasa mismong office ako ngayon ng adviser ko nakadiwatro at nakakibit balikat na purma seryusong nakatitig sa mismong harapan ko na si Cherry ang babaeng masasabi kong pabibo sa klase. Pagkatapos ng gulo kanina ay dinala kami dito sa office niya para bigyan ng parusa.





"S-sir George..ahmm you know naabutan niyo naman ang nangyari Sir diba? Ang shaket ng fingers ko.." pag-iinarte nito at napaiwas nalang ako sa kanila, ang drama hindi nalang nag-artista. Hindi naman nadala si Sir George at lumabas ang pagiging suplado nito samin.






"No excuses." Seryusong sabi nito samin na ang dalawang mga braso ay nakasandal sa lamesa ang mga daliri ay nakakuyom at sinusuri kami ng seryuso, nawala ata sa kanya ang pagiging masayahin samin ni Hashmin noon pero ganito naman talaga. Kaibigan namin sila Sir Bimboo pero sa labas nga lang pag nasa loob na ng campus ay seryusong usapan na iyon at ito na siya ngayon nilalabas ang pagiging antipatiko.





"S-sorry Sir George but it was Lei's fault-"




"No. Kita ko kayo." Diin na sabi nito na nagsusulat sa isang logbook para doon kami pumirma. "Pirma na." Asik ni Sir samin, walang magawa si Cherry kundi ang maunang pumirma. Napasulyap naman sakin si Sir George at ito na naman ang feeling kuya sakin. "Bilang adviser mo at second brother mo narin ay huwag mo ng uulitin yon Lei, paano kung maputol mo ng tuluyan ang daliri ni Cherry?"




"Edi ayos." Tipid nasabi ko at dinilatan niya lang ako ng mata para patahimikin sa nasabi ko. "Para..hindi na siya manduduro ng tao." Giit ko pa. Ang masamang mukha ni Sir George ay naging malambot biglaan animoy nabuhusan ng bindita. Unti-unti kaming napatingin ni Cherry sa likuran namin at nasilayan ang isang babae na ngayon ko lang nakita. Napaubo nalang si Sir at lumapit samin para ipagtulukan kami.





"Ihahatid ko lang sila. Mag-uusap tayo." Ani nito sa babae bago kami sabay lumabas.



"Sino yon?" Walang gana na tanong ko pero mabilis ang lakad niya para sundan namin.



"Huwag kanang mangialam." Aniya na inihatid kami papunta sa library.




"Akala ko ba kapatid mo ako? Pero di mo ako sasagutin?" Tanong ko lang na tinatamad narin sa kakalakad. Walang silbing araw na ito wala man lang akong natutunan kundi ang pumirma lang sa logbook.





"Basta di pwede sayo. Pangmatanda lang yon." Sagot niya at sumiksik pa sa amin si Cherry




"I-iibig sabihin niyan Sir taken na kayo!?" Walang kakwenta-kwentang tanong niya at hindi sumagot si Sir pero sapat na ang ngiti nito para mapaniwala kami.




Nang makapunta na nga kami sa loob ng library ay inasikaso kaagad kami ng isang librarian at inabot ang isang spray at panlinis sa mga libro.




"Miss kayo na ang bahala sa dalawa, three hours sila dito. Sa may English section ang lilinisin nila." Ani ni Sir para magreklamo muli si Cherry pero inunahan ko na siyang hagisan ng isang basahan. Nang makalinis na nga kami sa mga libro ay nakaupo lang si Cherry at pasimpleng nakakibit balikat sabay hagis sakin ng basahan sa mismong damit ko. Nagpatuloy lang ako sa paglilinis at walang akong pakialam sa kanya kung ayaw niya total hindi siya swerte sakin dahil titirhan ko siya ng gawain.




YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now