KABANATA 138

294 36 3
                                    

AN- Sa gusto magbasa at mag-abang sa kwento ko at sa susunod na series (upcoming) basa lang ng basa hanggat kaya 😄 dahil kahit busy na ako gagawa at gagawa parin ako ng paraan para maka-update. Pangako.💖🎉. Salamat po sa umabot hanggang dito ang galing niyo dahil kinaya niyo💖
__________________________



KABANATA 138



_______________



JEAU P.O.V.




"L-lola Wa.." tawag ko na di mapigilang maiyak dahan-dahan siyang humarap sakin na namamasa ang mata at hingal na pagod na pagod sa kalagayan niya.



"H-hijo..apo ko."



"Huwag mo kong iwan..." iyak na paglalambing ko sa kanya sa kalagitnaan ng sitwasyon. Di ko maiwasan ang humagulgol sa harapan nina Lei kahit siya ay umiyak na umiyak. Nalilito ako kung sino ang iisipin ko si Lola ba o ang narinig kong huling usapan nila!.





"Halika ka dito apo.."




"L-lola..hindi ko kapatid si Keir." Napapailing na sabi ko na napapaatras. "Hindi." Diin na usal ko at napatingin kay Lei na tulalang lumuluha.




"Hijo.."




"Hindi!" Asik ko na tinalikuran sila kasabay naman ang pagdating ng mga nurse. Nararamdaman ko na naman ang sakit sa dibdib, diko maintindihan bakit kailangan pa itago ni lola ang lahat.






LEI P.O.V.




______________






Iwan ba basta iba ang pakiramdam ko sa sinabi sakin ng ama ni Jeau. Paghila ko palang sa doorknob ng silid ay bumungad na sakin ang lakas ng aircon at nakita ko na ang nakalatay na lola ni Jeau. Mahina at hindi na gaya ng dati ang kalagayan, unti-unti siyang napadilat ng makalapit na ako sa gilid nito. Umupo muna ako ng biglang hawakan nito ang kamay ko at ngumiti ng may kakaibang emosyon.




"L-lei.. hija.." mahina at pilit na tawag nito sakin.




"Po?" Usal ko na nakatingin sa kanya.




"Ngayon ko lang marinig na gumamit ka ng po sakin." Aniya na ngumiti pa, huminga siya ng malalim at tumingin sa kisame at may luhang tumulo sa pisngi niya.




"Lola Wa.." pagsisimulang pag-aalala ko ng maiyak na ito ng tahimik.



"Ayokong mawala sa tabi ng apo ko...kung pahihilingin man gusto ko pang magtagal." Boung sabi niya na nagbigay pag-alala ko.




"Kaya niyo pa naman bakit kailangan niyo pang magsabi ng ganyan." Giit ko pero umiling lang itong ngumiti ng malungkot.




"Sinabi ko na sayo noon diba..hindi na maganda pakiramdam ko kaya sayo ko ikakatiwala ang apo ko hija..mahal ka non sobra mahal mo rin siya ng sobra diba?.." Nag-uusap kami noon sa panahon na nasa may library pa si Jeau, sinabi na niya sakin ang kalagayan niya ang akala ko lang ay kakayanin niya ang sakit pero sa nakikita ko ay diko kayang sabihin kay Jeau ang pakiramdam ng lola niya kung sakaling magtatanong man siya.





"Naramdaman niyo naman diba?" Sagot ko at tumango lang siya.




"Minahal mo sila..kaya nagtataka ako kung sino sa kanila ang mas lamang.." anito at napataas kilay ako sa pagtataka. Nagkatitigan kami nito, pagod na pagod ang mukha at halatang palaging umiiyak.





"Diko kayo maintindihan." Usal ko at hinigpitan niya ang pagkahawak sa kamay ko.




"Lei..ayokong mawala na may tinatago."





YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon