KABANATA 124

860 77 15
                                    


Kabanata 124


________________



LEI P.O.V.



"Anak?". Ulit ko at may kinang sa mata niya ang nakikita ko.



"Hindi ko alam kung paano mo ako mapapatawad Charles.." naging malungkot ang mukha niya sakin at unti-unti akong napaupo pabalik sa kinauupuan ko kanina. "Naisip kong itago nalang ang lahat sayo at isipin nalang na masama akong ama." Nakatitig lang ako ng seryuso sa kanya at naghihintay sa kung anong sasabihin niya pa. Wala akong maintindihan at gulong-gulo ako sa bawat salitang binibitawan niya.



"Maraming plano ang mga Laurente para patuloy parin ang pagiging tanyag at sikat na pangalan ang hindi dapat sinasabi sa mga nakakabata Charles." Saad niya pa na mas lalong diko na talaga maintindihan. Gusto ko ng diretsahan siyang magsalita pero napakabastos ko namang anak kung gagawin ko pa yon, sana di nalang nag-aral. "Hindi pa kami handa noon ng mama mo ang sabihin lahat Lei." Nag-aalinlangan na pahayag niya. Napatingin muna ako sa paligid namin baka sakaling may makarinig sa usapan, napakapribado ng usapan namin ngayon siguro alam rin ng lola ni Martinez ang pag-uusap namin kaya sila lumayo, may kakaiba lang ang kutob dito.




"Ano talaga ang nangyayari?" Hindi mapigilang pagtatanong ko.



"Ang totoo niyan..si Olivia ang kasintahan ko noon..pero ayaw ni papa sa kanya at pinilit akong ipagkasundo sa nag-iisang anak ng Laurente...hindi ko kayang gawin ang usapan nila mas pipiliin ko pa noon ang maglayas nalang nang mabalitaan kong inatake si papa at binawian ng buhay doon ko nalaman na baon pala kami sa utang kaya dapat ipagkakasundo nalang ako."



"Bakit anong meron sa nangyari?"



"Gusto ng mga Laurente ang ipagkasundo kami sa nag-iisang tagapagmana nila, yon ang mama mo. Una diko pa alam ang nangyayari, gusto nilang may koneksyon ang bawat isa dahil kahit gano kayaman ang Laurente meron parin silang bagay na kulang sa kanila." Paliwanag niya at seryuso lang akong nakinig, napabuntong hininga nalang siya sa pagkwekwento niya animoy napakabigat sabihin.
"Charles..kung alam mo lang kung gaano ka sakim sa pera ang ama ng lolo mo." Dagdag niyang may galit sa mga mata, hindi ako makasagot kakaiba pala sa pakiramdam ang magkwento ang magulang mo sa nakaraan nila. Naisip ko agad si lolo.




"Si lolo..may kinalaman rin ba siya?" Kinakabahang tanong ko, hindi ko lang maisip kong pati siya ay gagawin niya rin yon sa anak niya. Hindi ganon ang pagkakakilala ko sa kanya.




"Wala siyang kinalaman dahil siya rin mismo ang tutol samin dahil alam niyang may ibang mahal ang anak niya." Parang nabunutan ako ng tinik malaman lang na hindi kasali si lolo. Hindi ko rin naisip na may masamang pag-uugali ang lolo ni mama para lang sa pera dapat ipagpalit nila ang taong minamahal nila.



"Naghiwalay rin kami at kay mama mo ako naging tapat...tumagal ang panahon ay natutunan ko na siyang mahalin." Kwento niyang inaalala ang nakaraan ramdam ko ang kalungkutan niya habang nagsasabi sakin sa lahat. Hindi ko rin magawang sumagot o magtanong dahil pagkasabi niya palang ay naiintindihan ko na ang pinagdadaanan niya noon. Kailanman ay diko naisip na ganito ang takbo ng buhay nila. Diko inakalang may ganitong kasundaan ang pamilya nila sa isat-isa, naisip ko biglaan si Monica sa nasabi niya. Kung hindi ba nagpakasal si papa kay mama..magiging maayos ba talaga ang buhay niya.




"Naging Dean ako ng campus at diko inaasahan na makikita kami ulit ni Olivia. Pamilyado na kami pareho..pero patay na ang asawa niya at mag-isa niyang binubuhay si Monica. Magkasama kami palagi sa bawat event ng school pati narin sa seminar...doon laging nagseselos ang mama mo dahil alam niya na may nakaraan kami ni Olivia." Pag-aamin niya sakin hindi parin ako makapagsalita at mistulang pipi kung makatitig sa kanya. Alam kong nagsasabi siya ng totoo.




YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now