KABANATA 157

259 21 8
                                    

Kabanata 157


__________________



JEAU P.O.V.





Nakatulala at titig na titig ako sa nadatnan ko, tinakpan na ng puting kumot si Boss, diko mapigilan mabarahan ng laway sa lalamunan, nanginginig akong hindi matanggap ang nangyari sa araw na ito, nawala lang ako at ito pa ang madadatnan ko.




"Boss, n-nakapagpahinga ka na ba?" Tanong ko nalang ng hawakan ang rehas ng hinihigaan niya. "Makakatulog kana ng mahimbing Boss." Singhot kong sabi at diko ko rin mapigilang maiyak sa huli.




Nag mailipat ang katawan niya sa morgue ay ako na ang nagprocess sa  mga documento pati death certificate nito.




May ilang media rin ang puminta dito para kausapin ako bilang guardian ni Boss pero nagpaliban ako. Nabalitaan ko nalang kay Lindon na binalita sa news report ang pagkamatay ni Boss.



Habang nag-iimpake rin ako sa mga gamit ay nakapa ko pa sa bulsa ng bag ang ibinigay sakin ni Boss noong nakaraan. Isang sobre.



Umupo muna ako saglit sa may sofa habang binubuksan ko yon na naglalaman ng mahabang mensahe.



"Kahit wala na ako dapat manager mo parin ako! Loko ka kasi! Umalis kana kaagad sa showbiz kung e-lolove team ka!

Pero seryuso pre, salamat dahil isa ka sa bumuo ng mga alaala sa buhay ko. Una palang, ikaw agad ang pinili kong e handle sa grupo niyo....dahil kay Lei.

Ayoko sayo, sobra. Kasi naging kayo ni Lei. Gusto ko si Lei sa paraan na ako ang pangalawang kuya niya. Kapatid siya ng kaibigan ko.

Magkababata kami, anak ako ng kanilang pinagkakatiwalang katulong. Kaya madalas kaming nagkikita  hanggang sa maghigh school nagbago lahat. Nung malayo na ako sa bahay nila ay doon ko rin nalaman na may sakit ako.

Takot ako, sobra. Sasabihin ko sana kay mama pero nalaman ko nalang na pareho kami ng sakit. Hanggang sa nawala siya, kuya ni Lei laging tumutulong sakin pero hindi ko rin inaasahan na pati siya ay aalis.

Mula non nawalan ako ng pag-asa magpagamot, dahil alam ko na walang lunas pa to. Pero nagbago nung makilala ko kayong banda, diko inaakala na mas gusto kong mabuhay kahit ilang taon nalang.

Nung malaman ko na doctor na si Lei ay tsaka ko na gustong magpagamot, bilang pasasalamat ko sa pamilya nila ay ang pagpapalapit ko sa inyong dalawa.

Ipagpatuloy niyo lang Jeau, huwag niyo ng pahirapan ang sarili niyo kung alam niyong pwede pa. Ingatan mo yang si Lei, kapatid ko na rin yan!!

Kaya hindi mo na kailangang malungkot pre, alam ko na oras ng buhay ko at sigurado akong sasaya ako dito, makakasama ko na ang mga taong nauna na sakin. Hindi niyo dapat sisihin sarili niyo sa pagkawala ko, salamat at inaalagaan niyo ni Lei.

Hindi niyo pinapakita sakin ang kalungkutan sa halip ay binigyan niyo ako ng pag-asa sa paraan na hindi ko inaasahan na gusto ko pang mabuhay. Pero huli na...ngunit hindi ako malungkot kung mawawala ako sa inyo dahil alam kong maiiwan ko kayong walang pagsisisi.

Salamat Jeau! Pre!

Bosgianvino..."







Napatulala nalang ako matapos mabasa ang sulat niya, ni minsan walang ekwenento si Boss sakin tungkol sa buhay niya. At gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko sa sulat niya.




YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Onde histórias criam vida. Descubra agora