KABANATA 130

488 46 4
                                    


Kabanata 130


_____________




LEI P.O.V.



"Bakit wala man lang akong kalayaan para sa gusto ko?.." nanginginig na boses niya. Hindi ako makapagsalita ng maayos napakasawi niyang tignan. Minabilis kong patakbuhin ang kotse niya nang sa ganon ay sa bahay man lang kami makakapag-usap ng maayos at masinsinan.



Tahimik siya sa boung byahe at ngayon naman ay bumaliktad ang sitwasyon, pareho kaming tahimik pero mas tahimik pa siya higit sa inaasahan ko, nakasandal at tulala lang na nakatingin sa harapan. Pagod na pagod pero bitbit niya ang isang supot.




"Hijo? H-hijo?"




Nang makarating kami sa bahay nila ay walang gana lang na naglalakad papasok hindi pinansin ang lola niyang nag-aalala at patuloy lang sa pag-akyat papunta sa itaas. Sa huli ako na ang kumausap sa lola niya sa may sala sinabi ang lahat kahit di pa ako sigurado sa nangyari kay Jeau. May naboung luha sa mga mata nito at tahimik lang akong nakaupo gusto pakinggan kung sakali mang may sasabihin ito.




"Gusto niyang maranasan ang gusto niya." Ani nito. "Gusto niyang sumabak sa showbiz pero para kay Joao ay walang kwentang nais lang yon ng anak niya ang totoong buhay ay ang magkaroon ng permanenteng trabaho at sapat na kita para sa ipapamana ng susunod na henerasyon ng pamilyang ito posisyon na pwedeng ipasa.." Paliwanag nito sakin at doon may nauunawaan na ako, hindi permanente ang kagustuhan ni Jeau pero kasayahan niya yon.





"Si Jeau..lihim siyang nahihirapan sa pagkokontrol ng ama niya pero para naman yon sa kinabukasan niya." Nag-aalalang aniya at uminom ng tubig. Ako na ang naglagay ng tubig sa baso niya galing pitsel. "Wala akong magawa bilang lola..natatakot ako baka magbago bigla si Jeau sakin.."





"Hindi siya ganon." Saad ko pa para mabawasan man lang ang pag-aalala niya. "Kahit anong mangyayari ay kayo parin ang lola na kinikilala niya.





"Ang dami ko ng tinatago sa kanya hija..diko alam hanggang saan ko pa to maitatago." Naluluha aniya at tumahimik ng ilang segundo bago nagsimulang magsalita. "Kung buhay palang sana ang kapatid niya hindi siya mahihirapan sa ganitong sitwasyon..magtutulong-tulongan pa sana sila pero..ako parin ang dahil sa pagkawala ng lahat ng apo ko. Yon ang pinakaayaw kong malaman niya." Nasasaktan aniya ang nanginginig na kamay nito ay agad kung hinawakan.





"Kumalma muna kayo huwag kayong magpapadala sa problema ako muna ang bahala para kay Jeau." Paniniguro ko sa kanya.






"Ikaw nalang ang maaasahan ko Lei..huwag mo siyang iwan. Kailangan niya ng taong masasandalan." Pakiusap nito na humawak ng mahigpit sa dalawang kamaya ko nagmamakaawang umiyak.






"Hindi niyo kailangang gawin ang ganito. Kaya ko namang alagaan si Jeau nang hindi kayo magmamakaawa." Patigil ko sa kanya at naiiyak parin itong napapahid sa luha.





"Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung wala pa akong masasabi kay Jeau at malalaman niya lang sa iba ang lahat. Gusto ko sakin manggaling ang lahat."




"Ha? Diko kayo maintindihan." Pagtataka ko. Napapikit siya animoy iniisip ang lahat na sasabihin sakin ngayon.




"Ako ang dahilan kung bakit nawala ang kapatid at ina niya..bagay na hanggang ngayon ay pinagsisihan ko..hindi ko kayang sabihin sa kanya yon dahil takot akong kamuhian niya ako...diko kaya dahil siya nalang ang nag-iisang apo ko....may ibang babae si Joao." Anito at napatulala ako saglit pinoproseso sa utak ko ang lahat na nalaman ko ngayon.





YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now