KABANATA 90

616 63 1
                                    


Kabanata 90




________________




JEAU P.O.V.






Kinabukasan ay sabay kami kumain sa hapag kainan ni Lei pero di kasama si lola Wa kundi si papa. Nakakailang pag siya na ngayon ang kasama. Tahimik lang silang kumain at walang kwento kwento hindi kagaya namin ni lola Wa na maraming kwentong sinasabi! Kahit noong kabataan niya noon ay ibabahagi pa!.





Naparami ang kain ko ngayon, sa loob ba naman ng ilang linggo ay ngayon lang ako makakakain ng mga iba't ibang putahi!. Masaya na at bumalik na ako sa pagiging tamad dahil nandito na ang mga katulong namin! Hindi na ako maghuhugas sa wakas!.




Nang matapos ng kumain ay tamad akong nagpapahangin sa may pool sa labas, nakahiga lang ako sa mahabang sofa at umiinom ng juice. Kalaunan ay nilapitan ako ng isang katulong at dinalhan ng towel. Tumayo narin ako para maghanda, handa ng lumangoy. Nang may tumulak sakin dahilan para mawala ako sa balanse at mahulog sa pool! Napasigaw ako sa inis at gulat! Ang sakit ng puso ko yawa!.




"Woooh! Ligo na tayo!" Asik ni Kurt na siyang tumulak sakin!.




"Paano kayo nakapasok dito!?" Sigaw ko sa kanila ng makaalis sa tubig at nilapitan sila. Nakasout na sila ng panligo, pinaghahandaan talaga nila to!.





"Sinabi ni Lei kay Lindon!" Nakangising sagot ni Stanly.



"At anong pakialam niya!?" Reklamo ko sa kanila at umubo saglit si Lindon.




"Magsaya nalang tayo!" Naiinip na saad ni Kurt "tignan niyo!" Aniya at inakbayan kami nina Lindon, napatingin kami pareho sa tubig na kulay asul. "Tinatawag na tayo ng tubig!! Wooh!" Sigaw niya na sinabay pa talaga kami sa pagtalon niya. Nang makaahon kami ay hinanap ko talaga si Kurt para suntukin.




"Wala si Lei ngayon kaya tayo muna ang nandidito. Alam naman namin na naiilang ka sa papa mo at nag-iisa kalang kaya sinurprise ka namin!" Nakangiting niya.





"Umalis siya!?" Kunot noong ulit ko at naguguluhan naman siya sakin.





"Sa dami ng sinabi ko si Lei talaga ang pukos mo! May gusto ka sa kanya!" Sigaw nito na umupo sa sofa. Hindi siya makapunta dito sa pool dahil sa pilay niya na di pa gumagaling.




"D-di ko siya gusto! Pero saan siya pumunta!?" Tanong ko na kinakabahan!.




"Iwan." Tipid na usal ni Lindon na inaayos pa ang buhok "May dinalaw lang yon." Anito at di na ako nagtanong pa. Nang makaligo at nakababad na kami sa pool ay nakatingin lang samin si Stanly halatang naiingit.





"Kumain muna tayo nakakagutom." Usal ni Kurt, halos dalawang oras narin kaming nakababad dito saka naglalaro narin ng taya at paunahan kung sino ang mauuna.




Masaya kahit papaano ay naiibsan ang lungkot ko. Diko parin kasi matanggap, di ako sanay at parang araw araw sakin ay may kulang.



"Iniisip mo parin ba si Monica?" Diretsong tanong ni Kurt na hindi talaga nag-iisip!. Hawak niya pa ang barbeque, nakanguya nakatingin sakin.




"Medyo." Tipid na usal ko na kumakain kami na agad ring pinalag kami ni Lindon.




"Nasa kainan tayo! Walang malulungkot!" Aniya at napailing nalang ako, strikto talaga siya pagdating sa ganito na eksena. Hindi ko na sana iuungkat pa sa kanila ang nangyari ng maalala ko ang sinabi ni Lei!.




YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now