KABANATA 38

637 45 3
                                    

Kabanata 38



___________________


LEI P.O.V.



"Sa darating na byernes na ang acquintance party niyo. Sa wakas halos mag-iisang buwan narin bago nating madiriwang ito students." Nakangiting ani ni Sir Bimboo sa amin.


Nagsigawan naman ang iilan sa amin sa pagkasabik non.

"Sa flag ceremony ia-announce kung anong theme ng party niyo saka handa naba ang mga maprepresent?"

"Sir handa na po kami!" nakangiting ani ni Cherry.

"Good. Saang club kayo?" tanong ni Sir.

"Dance club!"


"Ay pasensya na sa inyo. Limited lang ang magpeperform dahil nakafocus ang performances sa mga new comers. Kayo na matagal na sa Laurente ay ang makikipagkilala sa kanila." paliwanag ni Sir at parang nabagsakan ng langit at lupa si Cherry sa narinig niya.


Nang magdismissed na kami ay kami ni Lacsamana ang naiwan na estudyante sa loob habang si Sir Bimboo naman ay nagliligpit sa mga gamit niya sa harapan.



"Lei. Pasensya kana kanina." Tumango lang ako sa pag-aalalang ani ni Lacsamana. "Lei naman eh! Sorry kasi ikaw ang inaway nila Cathy at Shiza imbis na ako...sana hindi ko nalang sinabi kay Miss Oblada." Nakanguso na aniya.


Napabuntong hininga ako sa kanya at napatingin kay Sir Bimboo na papalapit sa direksyon namin.



"Anong nangyari sa labi mo?" ani ni Sir Bimboo na umupo sa tabi ko." May pasa, magulo rin ang buhok mo at sugat ang kamay mo! Kamay mo!!" naiinis na asik niya. "Yung daliri mo Lei!!" asik pa nito.



Nilayo ko ang kaliwa na kamay ko sa kanya at nakapamulsa na napasulyap sa labas.


"Wala lang naman to."tipid na sagot ko, nakakunot ang noo ko sa kanya nang magsalita rin si Lacsamana.


"P-pero paano na yan?." nag-aalalang anito.


"Daliri yan Lei! Daliri mo yan! Napakaimportante yan para sayo! Baka nabali na yan hindi kapa pumunta sa clinic!" asik ni Sir Bimboo.

"Kalma lang daliri lang naman to." tamad na usal ko sa kanila at napatato si Sir.



"Sinong may gawa niyan?" taas kilay na aniya at umiling lang ako pero si Lacsamana na ang sumagot para sa akin, kwenento niya rin ang lahat na nangyari.


Hindi maipinta ni Sir Bimboo ang mukha niya sa inis at napatingin sa akin.


"Huwag na." tipid at kalmado na sabi ko sa kanila. "Tama na yon, huwag nalang natin palakihin pa ang gulo." usal ko at kinuha ang bag at umalis doon.


Nakabiseklita lang akong umuwi papunta sa bahay ng mga Martinez ng hapon na itong at tahimik lang na pumasok sa silid ko para magpalit ng pambahay.

Napakagat ako sa sariling labi ng maikilos ko ang daliri ko sa kaliwang bahagi, nabali siguro ang ang apat na daliri maliban sa hinlalaki.




Nang mapaluhod ako kanina ay agad tinapaktapakan ni Shiza o Cathy ba yon ang kamay ko. Lalaban naman sana ako kung hindi lang narinig ng ilan na papunta ang Dean sa canteen kaya nagsilabasan at alisan na sila at naiwan ako doon pero hindi ko hinintay na makita ako ng Dean at nagtungo na ako sa lamesa ko para kunin ang mga gamit na naiwan at umalis na sa canteen.




Napatitig ako sa kamay na ngayon ay sobrang hapdi dahil sa sugat at ang pangingilo nito. Napahiga nalang ako sa kama habang inaangat ang kamay sa ere na tinitignan yon.



YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now