KABANATA 74

565 60 0
                                    


Kabanata 74





_________________




JEAU P.O.V.




"Ano ba ang gusto mong gawin ko?" Iritang sabi ko at napiwas tingin siya sakin ng may maisip ako. "Gusto mong labanan kita kanina?" Kunot noo at kinakabahang tanong ko na ikinangisi lang niya ng pagak. "Oh! Bakit ka tumatawa!" Inis na reklamo ko. Di man lang alam na siya ang pinag-aawayan namin ni Monica!.




"Kaya ko ang sarili Martinez tandaan mo yan." Seryusong usal niya na sapat na sakin para maliwanagan kung ano talaga siya. "Ikaw ba? Makakaya mo bang makita ang paligid na kahit alam mong mali ay patuloy ka parin?."




"Sumusobra kana pangit! Alam ko ang nakikita ko kanina! Kaya nga pinaghiwalay ko kayo, wala akong nilalabanan dahil diko alam kung sino ang nagsasabi ng tama." Anas ko sa pagmumukha niya at buntong hininga lang ang naging reaksyon niya.




"Akala ko ba alam mo?" Aniya na ikinatigil ng utak ko sa pagproseso parang nakuha niya ako sa bitag niyang tanong kaya mapapaamin ako. Kaya ko namang sabihin sa kanya ng diretsahan na kahit mali si Monica kanina ay siya parin ang nilalabanan ko! Kaso diko alam bakit diko magawang ipamukha sa kanya ang ganon. Sa huli ay nagsalita rin siya, diko rin maintindihan ang sarili kung bakit ngayon ay diko siya magawang sigawan sa nangyari!.


"Ha?."



"Nagugutom na ako." Pag-iiba niya hagod ang tiyan at tamad akong sinulyapan. "Bumaba ka nalang kung gutom ka. Magluluto lang ako." Malamlam na boses niya at umalis, napalunok ako sa sinabi niyang parang iba kasi pakinggan parang basta! Ako lang ang nakakaramdam.





Tinuon ko ang sarili sa pagsusulat pero napapahinto ng maisip ko ang sinabi ni Monica na agad ring sasapawan ni pangit kanina. Kunot noo akong napaisip si pangit at agad nalang bumalik sa pagsusulat!.




"Jeau..dapat si Monica lang ang iisipin mo! Huwag mo ng isali ang hindi kagandahan.." mahinang reklamo ko sa sarili ko at napahinto ulit.




Bakit nga ba hindi ako nagreklamo sa mga ginawa ni pangit mula kay Monica? Noon kahit diko pa alam ang nangyayari ay siya at siya ang sisisihin ko sa lahat pero ngayon mas gusto ko nalang ang manahimik at huwag na siyang guluhin!






"Bakit nagsasalita narin siya sakin ngayon?" Kunot noong tanong ko nalang sa sarili habang nilalaro ang ballpen. "May plano kaya siya? O baka naman ganito lang siya pag nasa bahay na talaga?..di pwede di pwede! Nakakapanibago lang na ganon ang pakikitungo niya sakin? Parang bumait?." Mabilis akong napailing at napatayo! Di pwedeng siya palagi ang naiisip ko!




"Monica..Monica..Monica pumasok ka sa isipan ko.." mahinang reklamo ko ng tumunog ang tiyan ko.




Nang pababa ako sa hagdanan ay kinabahan ako ng kaunti para sa amin ni pangit ngayon. Kami lang dalawa ang nandito sa loob ng bahay at nakakailang yon dahil ito ang una! Parang date..puta hindi to date! Simpleng hapunan lang to na siya ang magluluto! Hindi ako mapakali nang maglakad na ako papunta sa kusina, lulutuan niya rin ako? Hindi nga! Siya lang ang magluluto para sa hapunan! Alangan namang ako? Ako ang amo dito! Pwe!.







Nang makapasok na nga ako sa kusina ay naabutan ko siyang kumain!?




"Kumain kana!?" Di makapaniwalang asik ko habang nakatingin sa plato niya.



"Obvious naba?" Sarkastikang sagot nito at napaupo nalang ako.




"Sabi mo magluluto ka? Saan na yon?" Taas kilayng tanong ko at hinahanap ang niluluto niya pero "Adobo na naman!?" Di makapaniwalang anas ko pa.



YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt