KABANATA 155

284 27 22
                                    


JEAU P.O.V.

Nakatitig ako sa madilim na kalangitan, wala na ang paborito kong bituin umalis na.

Buntong hininga lang ang kaya kong ipalabas ngayon, nasa may bintana ng kwarto ko, nakatayo. Hindi ko na binukas ang mga ilaw pa hindi rin naman ako magtatagal dito.

Hindi mawala sa isipan ko ang sinabi ni papa kanina. Hindi na ako gulat don dahil umpisa palang pinapipili niya naman talaga ako sa gusto ko pero may kapalit. Kailangan mamili ako sa responsibilidad na gagawin ko yon ang gusto niya. Isa lang hindi pagsasabayin.

Hindi ko naman alam na pinapipili niya rin si Lei. Sa huli...hindi kami pareho ng napili.

Gusto ko kasama siya kasabay sa pangarap ko.

Nahuli ko nalang sarili ko na nagpapahid ng luha. Sino bang mag-aakala na maaalala ko pa siya ulit.

Nang makaalis ako sa bahay ay diretso ako sa hospital dahil sa isang text na natanggap ko.

Nagmamadali akong tumakbo papunta sa room ni Boss, wala na itong malay at limitado narin ang pagpasok ko.

"Lumalala na ang cancer cells sa katawan niya." Usal ng isang Doctor, napakakalmado lang nito pero nandoon ang emosyon na kinatatakutan ko parang kagaya lang sa sinabi ni Lei noong nakaraan.

"Anong gagawin ko" natanong ko nalang sa kawalan. Ayokong mawaa si Boss. Napakahalaga niya talaga sakin

"Ang bilis kumalat ng cancer cells sa katawan niya bawat oras lumilipas mas hihina pa siya. Im going to be honest here-,"

"Huwag niyo kong sabihan.." putol at pigil ko. Tumango naman ito at di kalaunan ay umalis narin.

Nakatitig lang ako mula sa maliit na bintana mula sa pintuan ng room ni Boss, nakaratay na siya doon at nagsimulang mamayat at mga ilang tusok at kabit na machine sa katawan.

Naalala ko bigla si Lola Wa, siguro ganito siya dati. Ngayon ko lang naiintindihan ang ginawa nilang pagtatago nila sakin dati. Ang...ang sakit tignan, pilitin mo mang tiisin pero ang sakit lang makita na ganito.


"Magiging okay rin siya." Mahina at panatag na boses mula sa likuran ko.


Umiling akong napangisi ng pagak sa narinig ko at hindi ko ito magawang harapin.


"Ang.. ang doctor hindi nagsisinungaling". Napapaos na usal ko.


"At least kung gagaan ang loob ng pasyente at pamilya. Kailangan magsinungaling." Tugon nito. Suminghot ako saglit at doon siya hinarap.


"Doc..papagalingin niyo siya pwede ba?" Pagmamakaawa ko. Napatitig siya sakin sabay yuko, alam namin pareho na wala ng pag-asa pero..


"Oo naman. Nangako ako diba?" Aniya at kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko kahit binulag na ako sa katutuhanan.


Umupo nalang ako sa may bench na nakahalera sa gilid lang ng mga pader ng hospital. Iwan pero nasa akin ang hintayin si Lei, pumasok pa siya sa isang cancer patient na katabi lang rin sa room ni Boss.



Kanina palang nagriring ang cellphone hindi ko pa ito magawang sagutin gusto ko tahimik pero nakita ko naman agad pangalan ni Calvin nakalagay .

"Ano-"


"Invited ka sa kasal ko." Masayang usal nito. Nabigla ako sa narinig, wala naman kasi akong nalalaman na may sinseryuso itong babae. Maliban nalang sa isa na kaibigan ni Lei dati.


"No."



"Ikaw ang best man ko." Bingi-bingihan na usal niya pa.




"Meron naman si Lindon at yung dalawang ugok- Busy ako sa hospital Calv, at sa Poli-"

YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon