KABANATA 117

546 49 7
                                    

Kabanata 117


_____________



JEAU P.O.V.



Napadilat nalang ako ng sapakin ako ng malakas ni Lei sa balikat. Napaaray ako sa sakit pero nakangiti na niyakap siya! Pakiramdam ko kasi parang magkakaayos kami at kinakabahan rin.




"Bakit mo ginawa yon? Gago kaba." Aniya na akmang lalayo sakin kulang nalang tanggalin niya ang heels niya at isapak sa mukha ko, hinigpitan ko lang ang pagkayakap sa kanya. Hindi mawala ang ngiti ko sa saya na nahalikan ko narin siya, hindi yon planado.




"Gago ng kung gago sayo lang naman." Nakangiting sabi ko sabay biglaang halik sa labi niya at napabali niya ang daliri ko! Hindi ko alam nakakapit pala siya sa kaliwang kamay ko!. "Loveybabe naman!"





"Nakakarami kana." Aniya na naiilang at kinunutan lang ako ng noo.




"Namiss kita! Lahat satin! Ano paba ang magagawa ko." Nakangusong sabi ko nalang palusot sa pagbabali ng daliri ko at sa wakas napabitiw rin siya at malayang tumititig sa mga nangniningning na bituin.




"Talaga?." Tipid na aniya at mula sa pagkakapwesto at pagkakasandal sa railing ng rooftop ay tinakpan ko ang likuran niya gamit ang suit ko, sirang-sira na ang damit niya pero wala paring pakialam.




"Parang wala kang pakialam sa lahat satin Lei..nasaktan ako hindi yon maiiwasan kasi binigla mo rin ako..ang dami kong tanong sayo pero siguro mas mabuting nalang na hindi kita pakikialaman sa ganyang bagay..baka mawala ka na naman." Sinserong sabi ko na niyakap siya mula sa likuran. Nakahawak ang dalawang kamay ko sa railing bilang pagbabalanse sa bigat. Amoy na amoy ko ang buhok niya na sobrang bango. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya sa ngayon dahil nasa may leeg niya lang naman ako nakasandal pero naramdaman kong nakatitig siya sa ibaba ng bahay nila.





"Dahil ba hindi na tayo nag-uusap at magkalayo na tayo hindi parin kita naiisip?" Mahinang sabi niya na biglang napahawak sa kamay ko at napabuntong. Ibang-iba ang pakiramdam ko! Lahat bago, hindi ko inaasahan.



"Ang sweet mo ngayon Loveybabe! Kinain mo ba lahat ang pagkain na alok ng Velascong babaero na yon!" Usisa ko. Naramdaman ko na napailing nalang siya sa nasabi ko.

  "Gusto ko lang lumayo at makapag-isip ng tama...dahil alam ko na hindi magiging tayo." Dagdag niya na ikinalaho ng ngiti ko, hindi tugma ang usapan namin.


"Ano!" Mabilis na reklamo ko! "Sa lahat ng iisipin mo bakit yan pa! Handang-handa at naghihintay na nga ako sayo kung kelan mo ko sasagutin pero yan ang iniisip mo?" Mga babae nga naman napaka-advanced mag-isip.



"Hindi ikaw ang ikinababahala ko..may tiwala ako sayo." Seryusong aniya at kumuwala sa bisig ko. Ngayon ay magkatabi nalang kaming nakatayo at nakahawak sa railing.




Napatingin siya sa madilim na langit, yon palang ay nag-iba na ang pakiramdam ko napapalitan ng malungkot at salimuot na emosyon. Diko maintindihan!.


"Bawat pikit ng mga mata ko, umuulit lang lahat ang nangyayari."



"H-ha?" Nagtatakang sabi ko at doon ko lang napansin na iba ang iniisip niya. Si Kier.


"Missing someone from heaven is a different kind of pain. Yon na ang pinakasakit isipin." Aniya na biglang guminaw ang paligid, napalunok ako sa takot at napatahimik lang ako dito sa gilid, napakaiba na talaga ng pakiramdam ko bigla. Kahit ako ay nasasaktan sa pangyayari sa kanila ni Kier.
"Pasensya na kung nasaktan kita..gusto ko lang naman magpahinga, mag-isip at mapag-isa dahil hindi pa ako sigurado sa mga gagawing desisyon..may masasama at may maiiwan." May hinagpis na sabi niya. Hindi ako sumagot sa halip ay tumango lang ako kay Lei senyales na naiintindihan ko na siya. Matagal ang katahimikan at ayoko talaga sa ganitong pakiramdam puno ng hinanakit at pout. "Marami kang itatanong sakin..anong gusto mong malaman?"



YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now