KABANATA 146

447 29 20
                                    

Kabanata 146

_____________

LEI P.O.V.

__________

Nang makarating na nga ako sa campus ay nagsisihandaan na halos. Mga junior high ang may exam ngayon at kaming senior ay pinapatahimik nalang.

"Mag-review nalang tayo para bukas!"

"Sa lib?"

Napatingin ako sa mga kaklase kong nasa unahan. Napaisip na naman ako na hindi makasali sa exam. Kinalabit agad ako ni Hashmin.

"Ayos kalang?" mahinang boses niya.

"Oo naman." tipid na usal ko at inabutan niya ako ng tubig pero sa totoo sino bang maayos ang hindi makakasali sa final exam?

Makakagraduate paba ako?

"Kanina kalang namumutla. May problema ba Lei?" aniya at kahit pa hindi ako magsalita alam naman nila, naghihintay lang sila na ako ang magsabi.

"Meron pero ayos lang naman." saad ko.

"Nandito lang kami."

"Hm! kahit iwan ka ng Laurente nandito kami!"

"Bukas na Lei." paalala niya at tumango parin ako na nagpapakita na hindi ako naaapektuhan.

"Good luck." usal ko pa.

Kinahapunan ay maaga akong napauwi, nagreview sila sa library at pinasama lang ako, hindi ko natiis ang tulugan nakang ang library. Wala naman akong gagawin sa Laurente. Hindi rin naman ako mapapasali sa exam kaya ano pa ang saysay sa pag-aaral?

Sa pagpasok ko palang ng gate sa bahay nila Jeau ay may napansin na akong kakaiba, iba ang ihip ng hangin pakiramdam ko may problema. Hinarangan ako ng isang katulong na napailing doon palang ay nagtaka na ako.

"Maam Lei..ano kasi di pwede." alinlangan na pagtataboy nito. pero mas malakas ako sa kanya. Pilit ko na siyang pinatabi at pumasok sa loob ng bahay.

Naabutan kong nag-uusap sina Jeau at ang babae kaninang umaga sa may sala. Aaminin ko na medyo gumaan ang pakiramdam ko ng magsalita na sakin si Jeau kaninang umaga pero sa kabila na iyon ay nandito parin ang pangamba na hindi ko alam kung saan galing.

Napakunot noo ako sa babae nang mapansin niya ang pagdating ko at agad niyang isiniksik ang sarili kay Jeau.

Parang may kirot na naman sa dibdib kong maabutan sila kahit pa nag-uusap lang. Hindi ako ganito kung makapag-react at mas ngayon ko lang ito naramdam dahil ngayon lang naman ako nagmahal na halos ibibigay ko na ang lahat. Napasulyap sila ng sabay sakin. Nagulat naman si Jeau at agad lumayo ng kaunti sa kasama niya.

Napatitig mula paa hanggang ulo naman sakin ang kasama ni Jeau. Ano naman ang meron kung estudyante.


"Siya ba yon?" usal ng babae at napakunot noo na ako, ni wala akong alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Sa huli ay tumango lang si Jeau dito na natawa na parang may nakakatuwa. Hindi man lang pinansin na nandito ako sa harapan nila.


"Anong meron sakin." walang gana na sawsaw ko at pinasadahan lang ako ng titig ni Jeau at sa halip na siya ang sasagot ay ang kasama niya na.

"Pumili. Kailangan niyang mamili." Saad nito sakin at taas kilay akong naguguluhan.

"Diretsuhin muna ako." unti-unting lumalakas na boses ko.

"Lei..wala lang-"

"Sige Jeau ano." Sita ko sa kanya pero napailing lang siya at akmang pipigilan ang sasabihin ng babae pero huli na siya dahil nabigkas na nito.


YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang