KABANATA 51

841 64 21
                                    

Kabanata 51

_______________


JEAU P.O.V.



"Lindon.." hindi ko na talaga natatantya ang ginawa niya ngayon. "Katabi lang tayo dito Lin baka ano pa ang magawa ko sayo." seryuso at diin na sabi ko.



"Ahh kung ganon..katabi rin tayo ng sasakyan sa parking area noon pero bakit dimo nakikita kung sino ang may mali?" Aniya pa na nakangising saad sakin. Hindi ko pinakita sa kanya na naguguluhan ako at nanatili lang ang masamang titig ko sa kanya.


"Kung ang tinutukoy mo ay sa parking area kung saan ako sinampal ni Lei ay--"



"Monica. Hanggang dito ba naman magsisinungaling ka parin?" Nandoon ang ma-uturidad at mapanuri na sabi ni Lindon, hindi lang ako ang dinidiin ngayon pati si Monica!. Ang pinaka-ayaw ko pa naman ay madamay ang babaeng mahal ko!. Napayuko nalang si Monica at hindi na nagsalita pa.



Alam ko ang may mali ako pero kahit ganon man ay wala akong paki! Ako lang naman to! Si Jeau na kahit kailan hindi hihingi ng sorry nino man!


HA! Swerte lang ang makakarinig!


Tahimik lang nakadikwatrong nakaupo at nakatingin sa amin si Calvin habang sina Kurt at Stanly ay hindi makahanap ng pagkakataon na pigilan kami.


"Pwede ba Lindon huwag na huwag mong pagsasalitaan ng ganon si Monica dahil alam mo na kung anong mangyayari sayo." Diin na asik ko, kahit magkatabi lang kami ay randam na randam ko talaga ang init ng tensyon namin. Walang nangahas na pumigil pa samin.



"Monica sa tingin mo sino ang may mali?." seryusong sabi ni Lindon na hindi man lang ata narinig ang babala ko, napatingin ako kay Monica na ngayon ay hindi nakapagsalita at umiwas tingin nalang.





"SSG officer ka dapat nung panahon na yon at trabaho mong gampanan ang pag-aaway nila Shiza, Cathy at Lei pero ang ginawa mo? Mas pinalala mo pa." Mahinang usal pa ni Lindon. Napatayo naman si Monica sa amin at nagsalita, naiinis narin siya kay Lindon.



"So you think kasalanan ko yo-"



"Well yes Monica. Kung may personal kang galit huwag mo ng dalhin dito sa Laurente, hindi yan nakakatulong." Saad pa niya! Hindi ko mapigilang dakmain ang suot niya pero mabilis ring napigilan ni Calvin kaya hindi lang natuloy, kung bakit nandoon siya sa likuran ko ay wala akong alam.


"Jeau. Huwag kang gagawa ng issue.." mahinang sabi ni Kurt.

"Tama na yan. Ano ba naman kayo pre." Napapatayong sabi rin ni Stanly. Si Calvin naman ay nakahawak lang sa likuran ko kaya hindi ako makalapit ng maayos kay Lindon.



Mabuti nalang at walang masyadong nakatingin sa amin dahil nagsituwaan na ang ilan sa disco. Hindi man lang namin napagtanto na disco na pala. Napapalibutan na rin pala ang boung gym ng mga disco lights/balls.



Kung pwede lang suntukin tong lalaking ito ngayon ay paniguradong hindi na maayos ang ngipin niya kahit mag-brace pa siya!.


Ang kamay ko ay agad ring tinampal ni Lindon na mas ikinagalaiti ko sa galit!.

"Isipin mo ang kamalian mo para lalaki kang taliwas sa ugali ng ama mo." Huling sabi niya at susuntukin ko na talaga siya! Putangina to!

Pero tinalikuran niya lang kami at naglakad papunta sa may kabilang exit sana nang sumigaw ako!

Wala akong pakialam kung may makakarinig na iba! Gusto ko siyang gulpihin! Durugin! Hindi ko siya maituturing na kaibigan ngayon lalo na at dinamay niya pa ang pamilya ko.

YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now