KABANATA 6

977 65 9
                                    

Kabanata 6

_____________________


Matapos ang hapon ay dala ko parin ang kuting sa loob ng bar kaya galit naman sakin si Bimb.


"Alam mo na bawal ang hayop dinadala mo pa dito!"asik niya habang ang pusa ay nilalaro lang ng kakambal niya.

"Sis! Hayop ka rin naman pero nakapasok ka naman."ani ni Chib. Napailing nalang ako sa kanila ng binigyan ni Bimb si Chib ng isang malaking bukol.

"Magpapalit lang ako ng damit" putol ko sa kanila at nagpalit ng maikling damit na tube na kulang pula kapares ang itim na pumps. Walang suklay-suklay ay itinali ko na ang buhok ko bago bumalik sa trabaho.


Kukunin ko na sana ang nilapag ni Chib nang magsalita ito at inilapit ang sarili sa tenga ko.


"Lei?..ano na ang nangyari sa inyo ni Mr. Martinez the nice ass with the bad atittude?" Umiling lang ako sa kanya


"Wala lang naman..yon naman ang huking pagkikita namin" pagsisinungaling ko, ayokong umamin dahil magkwekwento na naman ako sa kanila, nakakaantok.


"As in? Wala lang yon? Grabe pag mamayayaman talaga no? Hindi man lang naereport sa mga pulis ang masamang ginawa niya satin doon sa parking area!"


"Ayos lang..ganon ang mga mahihinanang nilalang, inaasa ang sa sarili sa yaman."


"Pero Lei nakakatakot sila."


"Tao lang naman yon bakit mo kinakatakutan?"tanong ko at ngumuso naman si Chib.


"Kasi kinalaban mo ang pinaka-mabangis na tao dito sa lugar natin."


Mabangis? Saang banda ba sa katawan ng lalaking yon?



"Mabangis siya?"inosenteng asik ko.


"Gurl naman! Anak kaya ng isa sa pinakamayamang nilalang ang umaway satin! Anak lang naman ng Senador yon! Samantalang tayo...nakahawak lang tray gabi-gabi."aniya at tumango lang ako sa kanya.



Alam ko naman kung saan galing si Martinez. Apilyedo palang ay kilala ko na una palang at hindi na yon bago sakin.



"Nakakatakot ang dating nila! Omegesh ang ha-hot ng mga babes ko! Pero di parin mawawala sa keber ko ang titig nila sayo! Ano ba naman kasi ang kasalanan mo at nagawa nila yon?"


"Wala lang. Nagkataon lang yon."sagot ko at ibinalik ang sarili sa trabaho. "Ayos na to diba?"paninigurado ko sa hawak kong tray.


"Hmm..Lei, wag mong ipapahamak sa susunod ang sarili mo sa kanila."seryuso bigla ang pagkasabi niya.


"Hindi naman ako mamamatay."



"Basta nga Lei!"asik pa niya at tumango lang ako saka umalis.



"Witweewww!!!"


"Miss hali ka dito sa table namin!"


"Humarap ka nga samin Miss!"



Napapikit ako sa sinabi nila at matamlay na nilapitan sila.


"Yeks! Bakit ang ganda ng likuran nito pero sabog ang mukha!"


"Hahaha!! Akala namin ano na, ikaw lang pala!"


"Ang sabog mo ngayon ah! Nadidiligan kana kanina pa
no?"



Nilapag ko sa kanila ang tray sa lamesa at doon umupo ako sa bakante na upuan.


"Owo-owoww! Anong gusto mo?"


YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now