KABANATA 121

643 64 9
                                    



Kabanata 121


_____________


LEI P.O.V.



Taka akong nakaupo sa judge table pero pinanatiling kalmado ang sariling nakatitig sa stage kung saan nagsimula ng humirit at kumanta ang mga kalahok. Naramdaman kong may nakatitig sakin at pasimple akong humarap kay Jeau na inaakala kong siya ang nakatingin sakin pero nagkamali ako.


Sa mga oras na yan ay hindi ko alam kung anong gagawin ko, unti-unti akong humarap pabalik sa stage nakatoon nalang sa babaeng kumakanta.


"Should I give up? Or should I just keep chasin' pavements

Even if it leads nowhere?
Or would it be a waste

Even if I knew my place."


Kahit maganda ang boses ng baba ay napakunot parin ako sa naisip bakit naman susulyapan ako ng ama ko. Napatitig ako sa damit na binili ni Jeau. Ilang taon narin ang nakalipas simula makapagsuot ako ng ganitong damit hindi ko lang inaasahan na papakyawin lahat ni Jeau ang lahat nakalimutan kong iba si Jeau mag-isip hindi nahuhulaan.


Namulat ako sa reyalidad nang magsipalakpakan ang lahat matapos kumanta ng babae. Sa kabilang gilid ay napasulyap ako ng kaunti kay Jeau na ngayon ay abala sa pakikipag-usap ng isang bakla pero napakaprofessional ng datingan nakakapagtaka lang kung anong pinag-uusapan nila.


"Woaaahhhh!!! Go Rona!!!!"

"Kaya mo yan!!!"



"I can almost see it The dream I'm dreamin but theres a voice inside my head saying you'll never reach it." Unang kanta niya dahilan para magsipalakpakan ang lahat. Nakatitig lang ako sa babaeng kumakanta pero agad ring nabaling ang atensyon sa mga musician na nagpapatugtog ng kanilang mga instrumento sa gilid.


Para sakin mas nakakaaliw at maganda ang tono lang gamit ang mga instrumento kesa liriko.


Nagsipalakpakan ulit at nakikisabay naman ako sa mga nangyayari kahit mga nota ng Violin kanina sa kanta niya ay kuha ko na kung paano mag-timing sa tono at boses ng aawit.


"Next contestant  Grade 12 Representative!" Pakilala ni Monica sa susunod na aawit. Diko napansin agad na sa bawat constestant na matatapos sa kanta nila ay magsusulat ako ng marka sa kanila lalo na sa pagkokomento sa boses nila kakailanganin pa pala yon.



Medyo naguguluhan pa ako sa criteria hindi ko rin magawang maglagay ng average nila kung diko sila kilala. Wala akong ni isang kilala sa mga constestant. Dalawang performer nalang at matatapos na ang show.



Hindi makatarungang nilagyan ko ng 80 ang lahat sa kanila. Lahat magaganda ang boses kaya diko alam paano magbigay ng score sa kanila. Sa dami ng contestants na sumali ay natapos narin ako sa paglalagay ng score sa papel kasabay ang mga comment ng boses nila.



Saktong pagtapos ko ay ang pagsayaw nina Jeau sa harapan ng stage kaya pala nagsisitilian at sigawan na halos ang mga babae. Akala ko rin wala silang sayaw ngayon pero biglaan ata pero mabilis naman silang nakapag-costume. Nakatitig lang ako kay Jeau sa boung minutong pagsasayaw niya na panay kindat at papansin sakin. Lihim ako napangiti sa kanya parang ang landi niya makasayaw sa harapan.



Nang matapos silang sumayaw ay lumabas ang dalawang MC at si Monica agad ang napansin ko. Ang saya at walang problema niya tignan ngayon, ibang-iba kanina sa hagdanan.


"What an excellent performer!" Puri nila at nagsipalakpakan ang lahat sa EXTREME.


"Ang ganda ng sayaw nila Monica what do you think!?"


YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now