KABANATA 95

1K 83 34
                                    

Kabanata 95

______________

LEI P.O.V.

"Ikaw ang representative ng SUMMIT ng Laurente, galingan natin para matalo ang SEASI. Balita ko halos matalino ang nandoon." Bukam bibig ni Sir Gajano sakin ng makarating na kami sa office. Inabot niya sakin ang halos isang libro na reviewer. "Lahat yan aaralin natin. Doon tayo sa may library mamaya."anito bago ako lumabas dala ang makapal na libro na pwede ng ipanghampas kung sino man ang maghahamon ng away sakin dito sa daan.

Nasa classroom na ako ay bumungad na sakin sina Prim at Bridgette."Inom tayo mamaya?" Saad ni Bridgette sakin.

"Sige basta ilibre mo nalang ako." Usal ko. Vacant kami ngayon kaya palihim silang dalawa na pumasok sa classroom namin ni Hashmin at nakaupo sa sahig at nagtago sa ilalim namin.

"Lah. Ikaw na nga ang may-ari ng club ikaw pa ang magpapalibre? Palamunin to." Asik ni Hashmin at nginitian lang ako. "Ay nakalimutan ko amo ka pala namin haha sorry maam." Giit niya pa.

"Anong meron mamaya bakit may inuman?" Lutang na usal ni Prim na inosente lang sa paligid.

"Heartbroken ang kaibigan niyo." Dagdag ni Hashmin.

"Sino? Parang wala namang luhaan dito." Giit ko.

"Ulol baka nakalimutan niyo nasa ibang school si Elaine." Asik ni Bridgette at napatango naman ako.

"Sige. Pupunta ako." Saad ko sa kanila at tapos na ang plano namin. Nagpaalam rin ako sa lola ni Jeau na hindi pa nakauwi hanggang ngayon. Natapos ko ring mareview ang ilang pages ng libro kasama si Sir Gajano sa Library ay dumiretso na ako sa parking area para hintayin si Jeau. May number ako sa kanya pero mahal ang load para lang e text ko pa siya pwede ko namang hintayin dito. Nakasandal lang ako sa may pader malapit sa sasakyan niya ay naabutan ako ni Monica. Napataas ang kilay niya sakin bago lumapit.

"Nandito kana pala?"

"Duling kaba? Obvious naman diba?." Diretsang sagot ko at napailing lang ito sakin at mahinang tumawa at napatakip sa bibig.

"Oh? Akala ko basura." Giit niya na walang pagbabago.

"Merong basura." Walang gana na sabi ko.

"Saan? Ikaw ba?" Aniya.

"Tanga, nasa harapan ko." Puna ko para mapakunot noo siya sakin.

"I'm not basura!" Maarteng sabi niya na nagsimula na namang maghamon ng panibagong away.

"Wala akong sinabing ikaw Monica, nasa paanan mo ang basura." Giit ko at napatingin siya sa sapatos na nakaapak ng isang maliit na plastic. Siguro duling siya para umasta na walang nakita.

Napairap siya sakin at inayos ang sarili bago ako tignan ng seryuso. "Lumalaki ang ulo mo dahil may nagkakagusto na sayo. Mas yumabang kapa." Giit niya at napakibit balikat lang akong nakasandal sa pader at kung anong titig nita sakin ngayon ay yon narin ang titig na binalik ko sa kanya.

"Lumaki ang ulo ko dahil matalino ako. Huwag mo nalang ako itulad sa sarili mo na kahit kaninong lalaki nangangailangan ng pagmamahal." Prangka na sabi ko para matahimik siya at napatingin sa paligid kung may nakakarinig ba sa usapan namin ngayon. Pinandilatan niya ako ng titig bago siya magsalita sakin ngayon, sana hindi nalang naunang maghamon ng away kung matatalo lang rin naman sa mga bibitawang salita ko.

"Ibang lalaki? Ganyan ang pagkakakilala mo sakin?" Patanong na sabi niya at napanguso ako.

"Yon ang nakikita ko." Saad ko at napangisi lang siya sakin.

"Pasalamat ka at nagustuhan ka ng mga myembro ng Extreme."

"Walang dapat ikapapasalamat ang ganon Monica. Lahi talaga ng pamilya namin ang habulin." Napanganga siya sa binitawang salita ko at napatawa bigla. Mahinang tawa pero ramdam ko na walang halong kaplastikan, normal lang na tawa.

YOUR ANNOYING BULLY (  SERIES 1 )Where stories live. Discover now