Strings 43: Goodbye

Start from the beginning
                                        

Napasigaw ako at mabilis akong tinakpan ni TJ. Pero bago pa niya ako mayakap, mabilis siyang natamaan ng bala sa dibdib.

Nanlalaki ang mata niya habang nakatingin sa akin pero napako ang katawan ko sa pwesto.

Hindi ko siya matulungan habang nakikita ko ang pagkalat ng dugo sa kanyang puting damit.

Tumingin siya sa likod ko at dahan dahan ko iyon sinundan. Nakatayo ang lalakeng hapon sa likod ko, nakangisi sa akin.

Binuksan niya ang pinto sa gilid ko at hinila ako palabas, palayo sa mahal ko.

Naririnig kong sumisigaw si TJ para sa'kin sa gitna ng sakit.

Sumabog ang kotse at pag sigaw lang ang aking nagawa habang nagpupumiglas sa hawak ng lalake, "James! James!"

Mabigat ang hininga ko nang imulat ko ang aking mata.

Ang takot ko nitong mga nakaraang gabi ay sinusundan parin ako hanggang sa aking mga panaginip. Now I'm awake in the middle of the night with panic squeezing my chest.

The nightmare felt so real.

It felt like I had lost him.

Inabot ko ang kamay para mayakap ang lalakeng tinutukoy at naramdaman ang lamig ng higaan.

Napabangon agad ako nang mapagtantong matagal siyang wala sa tabi ko kaya malamig. Hinanap ko siya, at agad na nakitang nakaupo siya sa couch, sa labas ng balcony. Nakatingin sa kabuoan ng kanilang lupain.

Mukhang malalim ang kanyang iniisip.

Nanatili kami sa Casa Del Valle—at oo, andito narin ako nakatira sa kasulukuyan. Hindi ako papayag na hihiwalay ako sa lalakeng 'to habang ganito ang kondisyon niya.

Maraming nangyari at alam kong kailangan niya ng oras para iproseso iyon. Trabaho agad ang inatupag niya pagkaalis ng ospital kahit naka wheelchair. Pag hindi ko siya kinulit, hindi pa siya magpapahinga.

Kinumpirma niya kahapon na si Kuji Shio, ang lalaking sumusunod sa akin ay patay na.

Ang weird kasi buhay pa siya sa panaginip ko. Wreaking havoc on my mental state when my brain was supposed to rest.

Si James, hindi parin tumitigil sa pagtatrabaho at ginamit ang opisina ng kapatid niya... ngayon ko lang siya nakitang ganito kapayapa ang mukha sa gitna ng katahimikan.

And I won't disturb that silence. However, I know that for him, I wouldn't be a disturbance.

Dumiretso ako sa kusina sa unang palapag para gumawa ng agahan namin. Nilusob ko ang kusina at pantry nila para magluto ng sinangag at tapa.

Habang naghihiwa ako ng rekados, ramdam ko ang pagbago ng temperatura sa kusina pagkarating niya. Hindi na ako nagulat nang naramdaman ko ang init niya habang dahan dahang yumakap sa likod ko.

Haharap na sana ako nang bumulong siya sa aking leeg, "Stay like this for a couple of seconds, please."

And stay we did.

Ngumiti ako, "Good morning."

"Good morning." He mumbles at lumingon ako sa kanya. Napansin kong nakasandal ang crutches niya sa island counter. 

I know it frustrates him that he can't physically return to Ces Vallis because of it... na parang hindi na niya pinapatay ang sarili sa pagtatrabaho mula rito sa mansyon.

Hinila ko ang isang stool at minatahan siya para umupo roon, pero hindi niya ako pinakinggan at kumuha ng dalawang tasa sa cupboards, "Naalala mo ba?"

"Hmm?" Tanong ko habang binubuksan ang stove.

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now