Strings 43: Goodbye

Start from the beginning
                                        

Akala ata ni Hera, ayaw ko umalis kasi natatakot ako sa daan. I'm not. I'm scared that if I'm gone, something would happen to TJ.

"The doctor said he's stable. Go, Scar." Pag-assure ni Jamie.

Tumayo na ako sa pagpipilit nila. Mas mabilis din matatapos 'tong usapan namin pag umuwi ako ngayon, para narin makabalik ako agad.

Naghihintay si mama at ate Beauty pag-uwi ko at mabilis kong ipinaliwanag sa kanila ang nangyari.

Hindi rin ako nagtagal dahil ang pinunta ko lang dito ay maligo, pagkatapos ay bumalik na agad ako sa ospital. Nagpahatid kina Vernon at Christian na kinaawaan ko na dahil buong gabi rin silang walang tulog.

Pagdating ko sa tapat ng private room, Jamie, Hera, and Kuya Jupiter were in a tight circle, discussing something.

Nakaharap si Jamie sa kuya niya. Matigas ang mukha, na para bang handa na siyang makipaglaban. "Are you sure?"

Si Hera na nasa gitna ng dalawa ay natanaw ako sa malayo. Hindi na nagulat nang bumalik ako agad. "He's awake. He was looking for you."

At ito ang dahilan kung bakit ayaw kong umalis!

"Don't panic. He's okay. He fell asleep again." Mabilis niyang dagdag nang makita sa mukha ko ang regret na wala ako pagkagising niya.

Hindi ko na binigyang pansin ang maliit nilang pagpupulong, at pumasok na mismo sa kwarto ni TJ.

Pagpasok ko sa kwarto niya, malakas na amoy ng jasmine at antiseptic ang bumabalot sa ilong ko. Tumahimik ang paligid nang saraduhin ko ang pinto at ang tanging naririnig ko ay mga makina at ang pagtibok ng puso ko.

Napatitig ang mga mata ko sa kanyang kabuoan, balot na balot siya ng benda. Ang kanyang tiyan at ang kanyang kaliwang binti ay natatakpan ng mga benda habang ang kanyang kaliwang braso ay naka-sling.

Tears well in my eyes, and my chest tightens. A sob escaped, and I slapped a hand over my mouth, quickly making sure he was still asleep. But as the first sob went out of my mouth, I couldn't stop the tears that followed.

"I thought I'd lost you." Umupo ako sa gilid ng kanyang kama at inilagay ang kamay ko sa ibabaw ng katawan niya. "I thought I'd lost you Teej."

I exhaled through the overwhelming tears and buried my face in his right arm, feeling his warmth. He's warm. He's alive.

"I love you."

Sa higpit ng hawak ko sa kamay niya, nagulat ako nang pinisil niya ang kamay ko pabalik. Napasinghap ako at napaangat ang tingin.

"You think of me too lightly." His voice is hoarse as he smirks. "Hindi madaling mamatay ang masamang damo."

Niyakap ko siya agad. Hindi ko na pinansin ang personality niyang pinapagaan nalang lahat ng mabibigat na bagay na nangyayari sa kanya gamit ng kanyang mga salita.

Nagpapasalamat lang ako na buhay ang mayabang na lalake na 'to.

Narinig ko ang ungol niya nang bumagsak ang bigat ko sa kanya. Mabilis kong inalis ang sarili ko nang maalala ang kalagayan niya.

"No." Mabilis niya akong hinila pabalik sa katawan niya, niyakap ako gamit ang kanyang matinong braso. Naramdaman kong bumuntong hininga siya at hinaplos ang likod ng ulo ko bago bumulong, "I love you."

Tumulo ang luha ko sa kanyang hospital gown pero hindi ko napigilan ang bunganga ko, "Ang bobo Teej, ba't ka nagpabaril?"

Tumawa siya, "I'm crazy for you, that's why."

"Alam kong maganda ako, but please don't do that again. Promise me?" Sumilip ako sa kanya.

"I can't, baby." His eyes wander across my face. "I can't promise that because instinctively, I'll always think about you first."

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now