Strings 43: Goodbye

Start from the beginning
                                        

Napailing ako. "Wala pang kumakausap sa'min."

"Okay..." Papalit palit sa'min ni Jaceon ang tingin niya. "You should both go home. Change."

Umiling uli ako.

"Listen to her. Look at your state." Tumabi sa'kin si Hera at pinatong sakin ang suit jacket na suot, amoy ni Kuya Jupiter.

Napatingin ako sa sarili ko. Punit ang ibabang parte ng aking dress at puno ang katawan ko ng natuyong dugo ni James.

Ah. Kaya pala pinagtitigan at umiwas sa'kin ang mga tao nung bumili ako ng kape.

I opened my palms, red with his blood.

Masasanay kaya ako na laging napupunta sa ganito ang kondisyon ko? When does it get better?

Hindi parin umaangat ang tingin ko sa kanila nang sumagot ako. "Hindi ako pwedeng umalis."

"Hindi natin alam kung gaano katagal siya sa loob. You should go home, Scar." Bulong ni Rossana sa gilid ko.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luhang matagal ko nang kinikimkim. Umangat ang tingin ko kay Hera na nasa tapat ko.

"He covered me. It was supposed to be me." This was supposed to be my blood on my hands.

Bumalik ang tingin ko kay Jamie, bakas sa mukha niya ang sakit habang dumadaloy ang luha sa kanyang pisngi... pero hindi niya ako sinisisi sa mga nangyari.

"Hindi ako aalis."

Tumango lang sila at pinasok ko na ang mga kamay sa jacket. Thankful sa init na binibigay nito.

Hours went by, but it felt like multiple days had passed since a doctor finally faced us.

"Doc, kamusta po ang brother ko?" Si Jamie ang unang tumakbo palapit sa kanya. Lahat kami ay naka abang sa sasabihin ng doktor. Inikot niya ang tingin sa buong grupong naka abang at mukhang nagulat pa sa dami namin.

"Currently, he's stable. We're monitoring his condition, ma'am."

Nakahinga ako ng maluwag, ngunit ang sunod niyang sinabi ay muling nagpaluha sa aking mga mata.

"We've taken out four bullets inside him. Thankfully, walang tinamaang major organs or blood vessels, he's going to be okay."

"That's a miracle." May nagsalita.

"Actually... the clothing material the patient wore resisted the force of the bullet. Kung hindi niya suot 'yun, mas malalim pa ang sugat niya."

Natulala ako sa sinabi ng doktor.

"One bullet didn't even pass through, na-stuck lang sa coat. So it's both a miracle and luck that he wore that today."

Naging blanko ang utak ko hanggang sa lumapit sa'kin si Jamie at niyakap ako. "Thank you for saving him." Bulong niya. Bumigay na ako sa aking emosyon at niyakap siya ng mahigpit bilang ganti.

Putangina, thank you. Thank you so much.

Umalis na ang iba nung pinaalam na lilipat na si TJ sa private room. Since tapos na raw ang visiting hours, hindi rin talaga makakapasok lahat.

Ang nanatili lang ay ako, sina Hera, Gabriel, at Jamie—na hindi nagsasawang sabihin sa akin na kailangan ko nang umuwi.

"Scarlet, James wouldn't be happy to see you still covered in blood. Go home."

At kahit nakabalot na ako ng coat na pinahiram ni Hera, tinatamaan parin ako ng lamig ng ospital, sa puntong hindi ko na magalaw ang daliri ko.

"Let's go. I'll drive you. Christian and Vernon will follow us."

Red Strings of Fate (Haunted Series 2)Where stories live. Discover now