Season 2 |Z |>>#Always&Forever|#BGFAG (Part four)

34.2K 562 312
                                    

Season 2 |Z |>>#Always&Forever|#BGFAG (Part four)

Nakangisi pa din ako habang dahan dahan kong pinapalitan ang bed sheet na hinihigaan ni Belle. Natatakot akong magising siya kaya naman sobrang tahimik ko itong ginawa. Sunod naman ay nagpainit muna ako nang tubig gamit ang nakita kong kaldero sa may maliit na kusina para ilagay ang nakita kong tela dito. Alam kong masasaktan siya pag nagising siya kaya naman inihanda ko na ito.

Dahan dahan kong inilagay ang telang basa nang maligamgam na tubig sa gitna nang hita niya at hinalikan siya muli sa noo.

I can look at her face forever if I want to. Pero kailangan ko bumalik sa cottage at kumuha nang mga damit na pampalit niya. Hindi niya pwedeng suotin ang damit niya kahapon dahil sira-sira na ito.

Lumabas ako nang cottage kahit na ayoko at dumeretso sa may cottage namin.

Malapit na ako sa cottage na tinutuluyan namin nang bigla akong kahabahan.

Kaya binilisan ko ang paglalakad at nang makarating na ako sa may pintuan ay nakarining ako nang isang sigaw at iba pang ingay sa loob. Pumasok ako agad at nakitang nasa lapag na si Gem at nahulog sa kama namin.

Nakahawak siya sa ulo niya at sumisigaw sa sobrang sakit. F-ck! F-ck! Mabilis ko siyang pinuntahan at binuhat para ihiga ulit sa kama. F-ck! Hindi pa din siya tumigil sa pagpilipit nang katawan niya at sa pagpukpok niya sa ulo niya.

Awang awa na ako. Halos kasing puti niya na ang papel. Ang lamig na din nang pawis niya. “Ken…Kendrick…” Hinahablot niya na ang buhok niya sa sobrang sakit na nararamdaman niya. Pinipigilan ko siya para gawin iyon pero pilit niya pa ding kinukuha ang kamay niya para saktan ang sarili niya.

“Ken….ken…ang sakit….ang sa-sakit….” Umiiyak siya habang sige pa din sa pagpukpok nang kanyang ulo. Hinanap ko ang gamot niya sa may bedside table pero wala ito. Matagal ko nang alam ang sakit niya at nakita ko na din nang maraming beses  kung paano siya inaatake nito pero ngayon na lang ulit nangyari na ganito kalala.

Hinanap ko agad ang phone ko para tumawag nang emergency pero hindi ko ito mahanap. Hindi na ako makatitiis na makita siyang nagkakaganoon. We need to go to the hospital. Natatakot ako sa pwedeng mangyari sa kanya!

“A-ayoko…please wag na tayong pumunta sa hospital. Ayoko dun Ken…please. Ibaba mo na ako…”

Dahil nag pupumiglas siya ay dahan dahan ko siyang ibinaba ulit sa kama.

 

“Gem, you need to go to the hospital. Kailangan nating ipatingin yan,”

Sht! Kendrick! Bakit mo kasi siya iniwan kahapon! Hindi dapat ito mangyayari! Sht! F-ck! SHt!

“Aayos din ako….Ken! ang sa-sakit!”

Hinawakan niya ulit ang ulo niya at ipinagitna ito sa mga hita niya. Hindi ko siya kayang makita na nagkakaganito. Kailangan na namin nang pumunta sa ospital.

Bad Girl for A Girlfriend (1 &2) | PUBLISHED UNDER POP FICTION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon