Chapter XLVIII

50.9K 1K 89
                                    

[48] The First Love

-Audrey-

“Nag-away ba kayo ni Duke, iha?” tanong sa akin ni Yaya Kendi.

Malungkot na umiling ako. Hindi ko alam kung nag-away ba kami o ano pero hindi ko alam ang dahilan nya kung bakit hindi sya umuwi dito kahapon. Nagising nalang ako kahapon na may hangover at walang maalala at wala na din sya.

“Hindi nyo man sabihin. Alam kong may problema kayo. Nung inuwi ka ni Duke, bakas sa mukha nya ang galit. May nagawa ka bang hindi nya gusto nung nasa party kayo?” usisa ni Yaya Kendi.

Umiling ulit ako. “Wala na ho akong matandaan. Siguro nagalit lang sya dahil naglasing ako.” mahina kong sagot.

Sinubukan ko syang tawagan pero hindi nya sinasagot at ilang ulit ko yong ginawa pero sa huli pinatay na nya ang phone nya. Sinubukan ko na din tawagan yung office at secretary nya pero wala din daw dun.

Gusto ko sana syang hanapin pero ang sama ng pakiramdam ko. Medyo sinisipon ako at feeling ko lalagnatin ako. Naghintay kasi ako sa kanya kahapon at naisipan kong maglakad-lakad mag-isa ng abutan ako ng ulan.

“Bakit ka nga ba naglasing? Masama ang alak sa katawan, iha.” sermon ni Yaya Kendi. Napansin ko na kanina pa nya ako tinatanong dito.

Hindi na ako sumagot at dumukmo nalang. Ang sama talaga ng pakiramdam ko pero hindi talaga matahimik ang buong sistema ko hangga’t hindi ko nakikita si Duke. Alam kong masyadong childish and ginawa ko kaya kailangan kong mag-sorry sa kanya.

Tumayo ako at napagpasyahang umalis para hanapin si Duke. Ayokong matapos ulit ang araw na ito ng hindi ko sya nakikita.

“Iha, may dapat pala akong sabihin sa iyo.” pahabol ni Yaya Kendi.

“Mamaya nalang po, Yaya. Hahanapin ko muna si Duke. Alam ko pong nag-aalala na din po kayo.” sabi ko at dumiretso sa sasakyan.

Ini-start ko iyon at napahinga ako ng malalim. Nakakamiss makipag-race. Simula nung pumunta ako dito sa Cebu, lagi nalang ang bigat ng pakiramdam ko.

Pinikit ko ang mga mata ko at inisip kung saan sya pwedeng pumunta. Kung wala sya sa office, then maybe... AH!! Right, maybe he’s there.

Agad akong nag-start mag-drive kahit medyo nahihilo ako. Sanay naman na ako sa ganito kaya kakayanin ko.

Ilang oras ang nakalipas ng makarating ako doon. Mabagal ang pagda-drive na ginawa ko bilang pag-iingat lalo na at medyo masakit ang ulo ko.

Pumasok ako doon at ganoon pa din iyon katulad ng una kong pagpunta. Marami pa ding mga batang naglalaro at lahat sila ay masaya at parang walang problema. Kaya nakakapagtaka ang mga bata na gustong tumanda na, hindi nila alam na paglumaki sila, hihilingin nila na sana bata nalang ulit sila.

“Ate!!” tawag ng isa sa mga bata doon ng makita ako. Bahagya akong ngumiti sa kanila at lumingon sa lalaking katawanan nila. Nakahinga ako ng maluwag na nandito talaga sya.

Nagtagpo ang mga mata namin at agad akong nag-iwas ng tingin. Binaling ko ang tingin ko sa mga batang tumakbo papalapit sa akin. Nakakatuwa na kahit isang beses palang kami nagkikita ay palagay na ang loob nila sa akin.

“Bakit ngayon lang po kayo dumating? Bakit hindi po kayo sumama kay Kuya Duke kahapon?” tanong ng isang batang lalaki habang nakahawak pa sa blouse ko.

Ngumiti ako sa kanya at marahang kinurot ang pisngi nya. “May sakit po kasi ako. Tara, punta na tayo sa Kuya Duke nyo.” aya ko sa kanila at nag-unahan naman silang magpuntahan doon.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanila at kitang-kita ko ang titig nya sa akin. Tumayo sya at hinarap ang mga bata.

“Kids, kakausapin ko muna si Ate Audrey nyo, okay? I’ll be back.” sabi nya sa mga ito at tumango naman ang mga ito saka nagpatuloy sa paglalaro.

Binalik nya ang titig nya sa akin at naglakad sya papasok sa bahay ng mga bata at sumunod nalang ako. Walang tao doon at siguro nagpapahinga ang mga madre na nangangasiwa ng orphanage.

Pumasok kami sa isang kwarto at doon ko nakita yung ilang gamit nya. Dito nga sya tumuloy kahapon. Bigla kong nakita ang kama at parang gusto ko nalang humiga doon at matulog. Ang sama-sama ng pakiramdam ko at gusto ko nalang magpahinga pagkatapos nito.

Magkaharap kami at nagtititigan. Yumuko ako at dahan-dahan na lumapit sa kanya at niyakap sya.

“Sorry.” garalgal ang boses ko ng sinabi ko ito.

Okay, I’m being emotional again. Dahil lang ba ito sa sakit ko o masyado na talaga akong nagiging iyakin? I’m tired and I just want to get this over.

“Sorry, Duke. Promise huli na yun. Hindi na talaga ako maglalasing. Nasaktan lang kasi talaga ako dahil bigla ka nalang di namamansin. Hindi kasi kita maintindihan. Ang gulo-gulo mo. Ang tagal na kitang kilala pero parang hindi pa din kita kilala. Okay, medyo magulo yun pero yun talaga ang nararamdaman ko. Natatakot lang kasi ako tuwing ngumingiti ka sa iba. Baka.. baka mahulog din sila sayo at agawin ka nila sa akin.” sabi ko sa kanya at tuluyan na talagang bumuhos ang luha ko.

Naramdaman ko ang kamay nya na yumakap din sa akin at hinaplos ang buhok ko. Ilang sandali kaming ganun ng maramdaman kong huminga sya ng malalim at magsalita sya.

“I’m sorry din. I’m sorry for making you worry. I just have to figure things out. Alright, let’s forget everything and start again.” bulong nya at lumayo ng bahagya sa akin.

Titig na titig sya at may something sa mga mata nya na sobrang lakas at parang hinihigop nun ang buong pagkatao ko. Papalapit na ang mukha nya ng may ma-realize ako.

Agad kong hinarang ang kamay ko sa papalapit nyang labi. “You can’t kiss me.” taranta kong sabi at agad kong naramdaman ang bigat ng pakiramdam ko.

Lumayo ako sa kanya at pinunasan ang mukha ko. Pawis na pawis din ako pero nanlalamig ako. Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo nya at hindi na naman yun magandang sign.

“Why?” tanong nya at hinila ulit ako papalapit sa kanya.

Mas lalong kumunot ang noo nya habang nakatingin sa kamay nyang nakahawak sa braso ko. Humarap sya sa akin at nilagay nya ang likod ng palad nya sa noo ko.

“You’re sick!” sigaw nya sa akin na ikinagulat ko.

“Uh, yeah?” alangan na sagot ko. Parang ang oa lang kasi ng pagkakasabi nya na may sakit ako. Konting pahinga at pag-inom lang ng gamot okay na ako. Saka hindi naman gaanong malala. Kaya ko pa naman. Ang problema lang, parang inaakit na ako ng kama at gusto ko na talagang matulog.

“May sakit ka tapos pumunta ka ng mag-isa dito? Bakit ka pinayagan ni Yaya Kendi? Ang sabi ko, bantayan ka ng mabuti. Crap, let’s go to the kitchen. You should eat and take your meds.” sermon nito at hindi ko napigilang matawa.

Mas lalo tuloy syang napasimangot. “Gusto kitang gumaling so I can kiss you.” malamig na sabi nya at naunang naglakad.

Natatawang sumunod ako sa kanya at pagkababa ko palang ay nakita ko kaagad ang likod ni Duke at nakahinto sya. Tinapatan ko sya at nakangising tiningnan pero napahinto ako ng makitang nakatingin sya sa harap nya kaya napatingin din ako.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig ng makita ang babaeng nasa harap ko. Hindi ako pwedeng magkamali! Sya yung babaeng nakabunggo ko dati! Ano nga bang pangalan nya?

“Aleyna..” bulong ni Duke at parang bombang sumabog iyon sa puso ko ng may mapagtanto ako.

Napatingin ako kay Duke at base sa mga tingin nya sa babaeng nasa harap ko. Alam kong masasaktan na naman ako.

Ano nga bang panama ko sa first love nya?

*

Comments? ♥ #TCAY

P.S: Kung papipiliin kayo ng isang chapter ng TCAY na gagawan ng POV ni Duke? Ano yun? Sana may sumagot. :)

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon