Chapter XXVIII

76.7K 1.2K 159
                                    

[28] The Post-Valentines Party

 

-Audrey-

Umikot-ikot ako sa kama ko, tumihaya at kung ano-ano pa ang ginawa ko pero hindi ako makatulog. Pagod na ang mata ko sa kakaiyak pero ayaw pa din nitong pumikit at magpahinga. Nakatulala lang ako sa ceiling ng kwarto ko at iniisip ang mga sinabi nya kanina.

Ang sakit. Pero kahit anong sakit ang ibigay nya sa akin ay parang ayaw pa ding mabura ng nararamdaman ko sa kanya. Minsan nagsisisi ako na naramdaman ko pa to. Sana katulad nalang dati nung mga bata kami na ayaw nya sa akin at ganun din ako sa kanya.

Gusto nyang mawala ako sa buhay nya? Pwes, kahit mahal ko sya ng sobra marunong din akong mapagod at mahalin ang sarili ko. Oo desperada akong makuha ang atensyon nya pero hindi ako magpapakadesperada na sumiksik sa buhay nya na alam kong wala akong lugar. Habang umiiyak na naman ay naramdaman ko na ang pagbigat ng mga mata ko at tuluyan ng nakatulog.

Nagising nalang ako na ang liwanag na sa labas at malamang ay umaga na. Tumingin ako sa wall clock ng kwarto ko at 10am na pala. Ang tagal ko ding nakatulog. Bumangon ako at hinawi lahat ng sakit na nararamdaman ko. Ayokong magpaapekto sa kanya. Ayokong sya ay nagsasaya sa pagkawala ko sa buhay nya samantalang ako ay nagdudusa. I will never give him the satisfaction.

I act normally na parang walang nangyari. Nagkekwentuhan si Kuya at Clark nung bumaba ako. Hindi nila ako pinansin nung umupo ako sa isang couch na nasa tapat nila at binuksan ang tv.

Pinag-uusapan nila ang Post-Valentines Party na talagang trending sa buong North High at NorthU every year. Pangatlong taon na nilang gagawin yun ngayon at sa tatlong taon na yun ay hindi pa ako nakakapunta dun dahil 18+ lang ang allowed at exclusive lang sa students at alumi ng North High at NorthU. Hindi naman sya under ng school pero talagang exclusive lang yun.

It’s just an ordinary party. You will get drunk, dance wild and get wasted. Kaya hindi ko malaman kung bakit ang daming gustong pumunta doon lalo na yung mga schoolmates ko na every year nalang na pinag-uusapan yun, kung gaano sila ka-inggit sa iba na nakakapunta at sinasabi pa nila na sana eighteen na sila.

Nakatulala ako sa tv at wala naman din na naintindihan sa palabas. Paulit-ulit lang sa utak ko ang eksena kahapon. Patuloy ko yung binabaon sa limot pero pakshet lang dahil yung utak ko laging inuulit-ulit.

“Hey, space out ka masyado.” sabi sa akin ni Clark at binato ako ng unan na naging dahilan para mabalik ako sa realidad.

Binato ko pabalik sa kanya ang unan. “Ano bang kailangan mo?” inis na sabi ko. Biruin mo na ang bagong gising wag lang ang taong brokenhearted.

“Ang aga-aga ang init ng ulo mo. Meron ka ba?” asar nya sa akin at tumawa. Binato ko sa kanya ang remote na hawak ko. Nilakasan ko talaga para dama nya. Gusto ko syang murahin pero wag na baka mabatas pa ako ni Kuya. A lady should not swear, yan ang lagi nyang paalala. Arte nya.

“Chill, Audz. I’m just wondering kung pupunta ka sa party mamaya. 18 ka na, di ba.” sabi nya at parang may lumabas na lightbulb sa utak ko.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon