Chapter XXXVIII

65.2K 1.3K 212
                                    

[38] The Fatality

-Audrey-

Napatulala ako sa mukha nya at halos nagkakagulo na ang buong sistema ko sa nangyayari. Umamba sya na hahalikan ulit ako pero tinakpan ko na agad ang bibig ko. Sobrang nanghihina ako dahil sa ginagawa nya at baka mabaliw ako ng tuluyan at makalimutan ang mga sasabihin ko sa kanya.

“Wait. M-may tanong ako.” mautal-utal kong sabi. Medyo nangangawit na din ako sa pwesto namin dahil nakadagan sya sa akin pero sinusuportahan nya ang sarili nya para hindi ako tuluyang madaganan.

He grunted. “Let’s save that later. I just want to kiss you right now.”

Bago pa ako ulit makasalita ay tinanggal nya na ang kamay ko sa bibig ko at sinalubong ito ng labi nya. Wala na akong nagawa dahil tuluyan na akong nalunod sa mga halik nya.

Napapikit nalang ako ng mariin at humawak sa leeg nya bilang suporta sa nanghihina kong katawan.

“Mr. dela Vega?” sabi ng isang tinig kasabay ng pagkatok.

Napahinto sya sa ginagawa nya pero hindi pa din nya inaalis yung titig nya. Mukhang wala pa syang balak pansinin yung kumakatok.

“Duke, may nag--” Bago ko pa matapos yung sinasabi ko ay inatake na naman nya ang labi ko. Wala na sana akong balak pigilan sya kaso hindi tumitigil yung katok.

Tinulak ko sya ng bahagya para makalayo sya sa akin. “Duke, may kumakatok.” sabi ko nung nakahugot na ako ng lakas para magsalita. Nakakabaliw sya pati yung mga halik nya.

Narinig ko ang iritadong pag-ungol nya bago umalis sa pagkakapatong sa akin. Umayos ako ng upo. Gusto ko sanang tumayo kaso may hangover pa ako sa ginawa nya at damang-dama ko pa din ang malambot na labi nya sa labi ko.

“Wait, Zend, give me 2 minutes.” sigaw nya sa labas at huminto na ang pagkatok at ang pagtawag ng isang lalaki.

Inayos nya ang sarili nya. Nakita kong nahihirapan sya sa pag-ayos ng necktie nya na nahila ko yata kanina.

Tumayo ako kahit halos parang may nagpa-party sa sistemako. Tinulungan kong ayusin yung necktie nya kasi mukhang disoriented pa din sya sa nangyari.

“There.” bulong ko ng matapos ko iyong gawin at nung iangat ko yung mukha ko para tingnan sya ay sumalubong sa akin ang madilim nyang titig.

“Damn, I can’t get enough of you.” nahihirapan nyang bulong at hinapit nya ang bewang ko papalapit sa kanya. Akala ko ay hahalikan nya ako ulit kaya napapikit ako pero imbes na sa labi ko lumapat ang labi nya ay naramdaman ko ito sa ilong ko.

“Wait for me here. Wag kang aalis, may kakausapin lang ako. Mabilis lang to.” sabi nya at hinalikan ulit ako sa noo bago sya umalis.

Nakatulala lang ako doon bago napaupo. Halos sumabog na yung puso ko sa sobrang bilis ng tibok at sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko.

Paulit-ulit kong sinasabi sa sarili na hindi ako nananaginip at totoo ang lahat ng ito. Hindi pa din ako makapaniwala na si Duke iyon.

Nanginginig ang kamay ko na hinawakan ang labi ko at pinikit ang mga mata ko. Bumalik sa akin ang mga halik nya at muntik na akong mapatili sa kilig.

“Miss?” tawag ng isang boses at tuluyan na akong napatili pero hindi sa kilig kundi sa gulat.

Napatingin ako sa kanya at halos lumubog ako sa kahihiyan ng marealize ang ginagawa ko kanina bago sya nagsalita. Bakas sa mukha nya ang pagpipigil ng ngiti at halatang-halata ang dimples nya dahil doon.

“Ahm, sorry. I’m Zend, secretary po ni Mr. dela Vega.” magalang na sabi nya at ngumiti nalang ako para itago ang hiya ko.

Tumayo ako at naglahad ng kamay. “Uh, Audrey--” Pagpapakilala ko pero napahinto ako kasi hindi ko alam kung ano ang idudugtong ko. Girlfriend ni Duke? Hindi naman di ba at ayaw ko din naman na matawag na kaibigan lang nya.

“May kailangan po ba kayo, Ms. Audrey?” tanong nya sa akin at umiling ako. Sinenyasan ko sya na umupo at agad naman nyang sinunod.

Tinitigan ko sya at may itsura ang lalaking ito. Bagay din sa kanya ang dimples nya na kahit nagsasalita lang sya ay lumalabas. “Drop the po and the miss, mukhang hindi naman nalalayo ang edad natin.”

Tumango sya at ayun dun na nagsimula ang pagkekwentuhan namin. Medyo natagalan si Duke at buti nalang ay nandun si Zend para may makausap sya at hindi ma-bore.Tawa lang sya ng tawa dahil sa mga corny na jokes nito.

“Alam mo puro ka ka-cornyhan.” natatawang sabi ko at pinalo ko pa sya sa braso nya.

Napahinto ako sa pagtawa ng may tumikhim sa likod namin. Agad na napatayo si Zend at bumalik sa pagiging seryoso ang mukha nya. Tumayo din ako at hinarap si Duke na seryosong nakatingin kay Zend.

“You may leave now, Zend.” mariin nyang sabi at agad naman na umalis si Zend at hindi na ako tiningnan. Natatakot ba sya kay Duke?

Nanliliit ang mga mata kong tiningnan si Duke saka humalukipkip. “Sinusungitan mo ba lagi si Zend? Mukhang takot sya sayo. He’s nice pa naman.” untag ko sa kanya saka umupo ulit sa couch doon.

Naghuhurumentado na naman ang puso at sistema ko ng nakita kong umupo sya sa adjacent chair ng couch na inuupuan ko. Ang sama ng tingin nya sa akin na parang may ginawa akong mali.

“What?” kabado kong tanong.

“Don’t ‘what’ me, Audrey. You’re flirting with my secretary.” madiin na utas nya at napairap ako dahil doon. He’s back with being masungit again.

“I’m not flirting with him. I’m just being nice.” inis na sabi ko at bumalik sa isip ko ang tunay na pakay ko dito. Explanations. Natakpan yun kanina ng ka-sweetan nya kaya nakalimutan ko na.

Hindi ko sya tiningnan at naramdaman ko nalang na hinila nya ako papalapit sa kanya kaya napaupo ako sa hita nya. Ramdam ko ang init ng katawan nya ng yakapin nya ako mula sa likod sa ganoong posisyon. Ramdam ko din ang paghinga nya sa tenga ko.

“You’re mine, Audrey. Always remember that.” bulong nya at bahagyang hinalikan ang tenga ko pero agad akong lumayo kahit halos mabaliw na ako sa ginawa nya.

Tumayo ako doon sa harap nya at diretso syang tiningnan. “So, ano to? Pwede mo akong angkinin pero ako hindi ko man lang alam kung ano kita at ano ako sayo. Hindi ko din alam kung bakit ka nag-quit sa Darker. Alam mo bang ako ang sinisisi nila? Malamang hindi mo alam kasi iniwan mo naman kami di ba? At yung rules na sinasabi mo, halos mabaliw ako sa kakaisip kung ano yun.” frustrated na saad ko sa kanya at halos mapaiyak ako sa inis at relief dahil nasabi ko na iyon sa kanya.

Huminga sya ng malalim at tumayo saka niyakap ako. Nagulat ako sa ginawa nya pero hindi ko sya tinulak pero hindi ko din sya niyakap pabalik.

“Sorry, I just don’t know what to do. Masyadong magulo ang buhay ko, Audrey. Sobrang gulo. I’m breaking the rules and I don’t care. As long as I have you, everything is just a mere fatality.” bulong nya sa tenga ko at nanlambot ang tuhod ko pati ang puso ko dahil doon.

Inilapit nya ang mukha nya sa akin at kita ko ang pagpikit nya ng mariin. Bago pa maglapat ang mga labi namin ay agad ko nang hinarang ang palad ko kaya iyon ang nahalikan nya.

Dumilat sya at kunot-noo akong tiningnan. “Hindi mo sinabi kung ano ang rules na sinasabi mo sa akin lagi. No rules, no kiss.” banta ko pero ngumisi lang sya kaya napataas ako ng kilay.

Binaba nya ang palad ko na humaharang sa mukha nya. “I’m breaking those rules because of you. Sa tingin mo hindi ko kayang i-break ang rules mo na ‘no rules, no kiss’? Nah, sorry baby but I will kiss you whenever I want.” Nakangising saad nya.

Hindi na nya ako pinagbigyan na magsalita at lumapat na ang mga labi nya sa akin.

*

Comments, please? Para ganahan ako mag-update. Lol, loveyou guys ♥

#TCAY @heyairaaa

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon