Chapter XXXVII

67.9K 1.3K 191
                                    

[37] The Important Girl                   

-Audrey-

“Welcome ulit sa Cebu, Ma’am. Enjoy your vacation.” sabi sa akin ng matandang taxi driver sa pilit na ingles. Nagpasalamat ako sa kanya bago ko sinarado ang pinto ng taxi nya.

Huminga ako ng malalim at tiningnan ang isang malaking bahay na nasa harap ko. Mas malaki dito ang bahay namin pero kapag ikukumpara mo ang bahay na to sa mga bahay sa paligid ay talagang angat na angat yun.

Iginala ko ang paningin ko sa malawak na lugar. Hiwa-hiwalay ang bahay at maraming puno sa paligid na may pulang dahon. Ang ganda, iba talaga kapag nasa probinsya.

“Ma’am Audrey?” tanong sa akin ng isang may katandaang babae pagkatapos kong magdoorbell.

“Audrey nalang po, Yaya Kendi.” sabi ko at ngumiti.

Tinulungan nya akong dalhin ang mga gamit ko pero tumanggi na ako. Ako na nga lang itong nakikituloy kaya dapat kong pagsilbihan ang sarili ko.

“Dyan mo nalang ilagay yang mga gamit mo, iha. Ipapadala ko nalang kay Sed yan mamaya sa taas. Gusto mo bang kumain?” tanong nya at tumango nalang ako.

Halos tanghali na ako dumating dito sa Cebu at di pa ako kumakain. Iginala ko ang tingin ko sa loob pero kahit anino nya ay hindi ko makita. Sya nga ang pinunta ko dito tapos hindi ko man lang sya dadatnan dito.

“Wala si Duke, iha. Pumasok na sya sa trabaho.” saad ng matanda na parang nabasa ang isip ko. May kakaiba sa ngiti nya pero isinawalang bahala ko lang.

Tumango ako at di na nagtanong dahil baka akalain nito ay masyado akong desperada para makita si Duke. Kahit totoo naman talaga.

Hinainan nya ako ng pagkain. Iba talaga ang tingin at ngiti nya sa akin pero iniisip ko na baka ganoon lang talaga sya makatingin. Parang may alam sya na hindi ko alam.

Katahimikan ang bumalot sa amin at hindi ako kumportable sa katahimikan na iyon kaya nagtanong na ako at di na napigilan ang sarili ko. “Anong oras po ba umuuwi si Duke my lo-- I mean Duke?"

Halos masamid pa ako dahil sa sarili kong tanong. Ang madaldal kong bunganga ay wala talagang preno lalo na kapag tungkol kay Duke.

Bahagyang lumungkot ang mukha ni Yaya Kendi at nagtaka naman ako doon. “Minsan lang umuwi dito ang batang yun. Madalas ay sa opisina na nila sya natutulog dahil sa dami ng gawain na pinapatong sa kanya, lalo na ngayon dahil may malaking problemang nagaganap doon. Kawawang bata at sa kanyang edad ay nakapataw na sa kanya ang mabibigat na responsibilidad ng kumpanya nila.” may awa na paliwanag nya.

Napakunot-noo ako. Hindi ko ma-imagine si Duke na naka-office suit at subsob sa trabaho. Nasanay ako na seryoso sya habang kumakanta at hawak ang gitara nya. Kawawa naman si Duke my loves ko. Kapag nabigyan nya talaga ako ng magandang rason tungkol sa lahat ng kaguluhan na to ay papaligayahin ko sya.

Napahagikgik ako sa sarili kong iniisip at nakalimutan ko na nakatingin pala sa akin si Yaya Kendi. Ngumiti ako sa kanya at kunwari ay wala akong ginawa. “Kahit kaunting oras po ay hindi sya nagpapahinga?” tanong ko at sumubo ulit.

Umupo sya sa harap ko at uminom ng tubig. “Sa tingin ko nga ay hindi na iyon nakakatulog dahil nung huling kita ko sa kanya noong nakaraan ay ang lalim ng mga mata nito. Hindi ko nga alam kung bakit pa nya kailangang bumalik ng Maynila nung nakaraang Martes. Siguro ay talagang importante ang babaeng pinuntahan nya.” makahulugang saad nito at tumungin sa akin kaya tuluyan na akong nasamid.

Mabuti nalang talaga ay agad akong inabutan ng tubig ni Yaya Kendi kundi baka bukas ay mabalita na ako sa dyaryo na ‘Isang babaeng dyosa sa ganda, patay matapos may bumarang kanin sa ilong nya.’.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon