Chapter XLVII

51.9K 1.1K 90
                                    

[47] The Drunk Audrey

-Audrey-

Ngumisi sya nang makita ako at hindi nga ako nagkakamali. Si Spade nga ang nasa harap ko! Agad ko syang niyakap. Gosh, I missed him.

“You missed me that much, huh?” natatawa nyang sabi at lumayo agad ako sa kanya ng mapagtanto ang ginawa ko.

Ngumisi ako sa kanya at mahinang sinuntok ang balikat nya. “What are you doing here? Hindi ka man lang nagsabi na uuwi ka ng Pilipinas.”

“I wanted to surprise you.” untag nito na napakunot sa noo ko.

“So, alam mong nasa Cebu ako?” tanong ko.

Tumawa sya at yung tawa na parang yung tanong ko ang pinakawalang kwentang tanong na narinig nya. Tiningnan ko sya ng masama at mahinang pinalo ang braso nya.

“Hoy, wag ka ngang tumawa dyan. Nagtatampo ako kasi hindi mo man lang ako sinabihan. Sagutin mo nalang ang tanong ko.” biro ko sa kanya at nagkunwaring nagtatampo. Pinagsiklop ko ang mga braso ko habang naghihintay sa sagot nya.

Tumawa sya ng mahina. “Dahil alam kong nandito sa Cebu si Duke.” sagot nya na mas lalong ipinagtaka ko. Napataas ang kilay ko doon. Dahil hindi ko sya ma-gets at dahil ang cute ng pagsasalita nya na pinakana-miss ko.

Ano ngayon kung nasa Cebu si Duke? May connect ba dun kaya nya nalaman na nandito ako? Si Duke ba ang nagsabi sa kanya? Pero imposible yun kasi alam kong hindi sila close.

“Kahit saan sya pumunta ay susundan mo sya.” nakatawang sagot nya at kinurot ang pisngi ko ng irapan ko sya. Ganun ba talaga ang tingin nya sa akin? Obsessed kay Duke?

Hindi ko na pinansin ang sinabi nya. “Anong ginagawa mo dito?” tanong ko. Ang alam ko ay may race syang sasalihan.

“I came here for food. Hindi dahil sa business. Hindi talaga, AD.” sarkastikong sagot nya at agad ko syang pinalo-palo.

Aba! Ilang linggo lang kami hindi nagkita tapos ganito na sya agad sa akin. “Ang sama-sama mo talaga. Kung hindi lang talaga kita na-miss, makakatikim ka ng flying kick sa akin.” biro ko at bigla kong napagtanto kung ano talaga ang pakay ko.

Bigla kong naisip si Duke. Patay! Baka hinahanap na ako nun. Agad akong nagpaalam kay Spade at dali-daling naghanap ng restroom bago bumalik kay Duke.

Nakita kong mag-isa nalang sya at tulala habang nakakunot-noo. May hawak din syang baso na may wine. Tumingin sya sa akin saglit pero wala syang sinabi at bumalik sa pag-inom ng wine nya.

“Hey, sorry. Nag-restroom lang ako. Hindi ko na talaga napigilan.” sabi ko pero hindi man lang umimik. Ano na naman kayang nangyari dito sa lalaking to?

“Duke? Okay ka lang?” tanong ko kasi mukha syang iritado. Baka nagkaproblema sya sa pakikipag-usap habang wala ako.

“Yeah.” matabang nyang sagot na ikina-inis ko. Halata namang iritado sya pero bakit nya ayaw sabihin sa akin? Lagi nalang syang ganito, hindi ko malaman kung anong nangyayari sa kanya. Bigla-biglang magbabago ng mood tapos sasabihin na wala.

“Duke!!”

Magsasalita pa sana ako ng may tumawag sa kanya. Nakita kong papalapit sa amin ang isang magandang babae na halos kasing edad lang namin. Hindi ko napigilang magtaas ng kilay ng makitang ngumiti sa kanya si Duke na parang hindi iritado kanina.

“Czarina.” sambit nito sa pangalan ng babae. Kaya pamilyar iyong babae. Sya pala si Czarina Chu na isa sa mga sikat na batang actress ngayon. Halata sa kanya na may pagka-maarte sya.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon