Chapter XXXII

72.2K 1.2K 89
                                    

[32] The Great Aeron Valiente

                     

-Audrey-

 

Umiling-iling ako. Hindi ako makapaniwala o ayokong maniwala sa narinig ko. Imposible. Mahal nya ang Darker at hindi nya iyon iiwan basta-basta.

“No, you’re lying.” sabi ko kay Clark pero yumuko lang sya.

Patuloy ako sa pag-iling para kumbinsihin ang sarili ko na hindi ito totoo. Na hindi ito nangyayari. Kaso sa bawat pag-iling ko ay nakikita ko ang malungkot na mata ni Clark. Naiiyak ako. Kahit hindi ako parte ng banda ay nakita ko kung paano sila nagsimula at nangarap.

Hindi pa din ako makapaniwalang kung kailan malapit na nilang makuha ng tuluyan ang pangarap nila saka pa ito mangyayari. Maybe, Duke has a reason.

“Why? Why he did that, Clark?” napapaos na sabi ko.

Umiling-iling sya bago umupo sa upuan na nandoon.

Paanong hindi nya alam? Imposibleng mag-quit si Duke ng walang acceptable reason. Kailangan ko iyong malaman.

“Pupuntahan ko sya.” utas ko at saka umambang aalis pero agad akong napigilan ni Clark.

Hinarap ko sya at nakita ko ang dilim sa mukha nya. “You know that’s not the right thing to do now, Audrey. Kagagaling lang nya sa away ng kapatid mo. Saka sa tingin ko mas kailangan ka ni Aeron ngayon.” sabi nya at bakas sa mukha nya ang lungkot.

Napatingin naman ako sa mga basag na vase namin at binalik ko ang tingin ko kay Clark. I guess his right. Magha-half day nalang ako sa school bukas para makausap sya. Ang dami kong gustong linawin sa kanya pero uunahin ko ang tungkol dito.

“Okay.” Bumuntong-hininga ako. “Thank you din sa pagtyatyaga na ihatid dito si Kuya.” biro ko pero alam kong pumalya ako doon.

Tinapik ko ang balikat nya at nagpasya na syang umalis. Pinuntahan ko si Kuya sa kwarto nya pero hindi sya sumagot.

Dumating na sila mommy at daddy at nakapag-dinner na din kami pero hindi pa din sya bumababa. Hindi naman na big deal iyon sa kanila dahil sanay na kami na hindi sya sumasabay sa amin. Ayoko din na ako ang magsabi sa kanila ng problema sa Darker. Hahayaan ko na sila Kuya para doon.

Pagulong-gulong lang ako sa kama ko at hindi ako makatulog.

Sabi ko na nga ba, tuwing nagiging sobrang saya ako ay laging may sobrang sakit na kapalit. Ganun nalang ba palagi? Hindi ba pwede lagi nalang masaya?

Kanina pa ako nakatitig sa phone ko. Ang daming nagte-text sa akin at tumatawag. Hindi na ako magtataka kung kalat na ang balitang nag-quit si Duke sa Darker. Malamang ay alam na ni Princess yun at malamang sya ang nagpakalat nun.

In-off ko nalang iyon. Mas mabuti na ito para mapigilan ko na itong nangangati kong kamay na tawagan si Duke at ipa-explain sa kanya ang nangyayari.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon