Epilogue

72K 1.4K 345
                                    

BASAHIN HANGGANG HULI DAHIL MAY DAPAT KAYONG MALAMAN NA BAKA DI NYO MALAMAN. BAHAHAHA!

*

The End Of The Beginning

-Duke-

After 5 years...

“Of all places, bakit dito pa kasi naisipan ni Elena na mag-celebrate? Pwede naman na sa Canada na. Hassle pa tuloy, ang tagal pa ng biyahe mula dun papunta dito sa Pilipinas.”

Napa-iling nalang ako sa mga sinasabi ni Aleyna. Kararating lang namin kahapon dito sa Cebu galing Canada tapos aalis na naman kami to meet the event organizer.

“By the way, hindi muna ko sasama sayo ngayon. Ihatid mo nalang ako sa mall.” untag nito sa akin kaya agad akong napatingin sa kanya.

“What?” iritadong utas ko.

Napilitan lang ako sa pag-uwi dito sa Pilipinas dahil iyon ang gusto ni Elena. Kung ako ang papipiliin ay ayako muna na bumalik dito.

“Bakit may angal ka?” nakataas ang kilay na sabi nito at wala na akong nagawa kundi pumayag.

Masyadong marami ang utang ko sa kanya kaya hindi ko sya lagi matanggihan. Kaya nung umalis kami ay binaba ko sya sa pinakamalapit na mall.

“Text me.” sabi ko bago sya makaalis.

Tumango-tango sya at kumaway na. Napailing nalang ulit ako at nag-drive na paalis.

Napatingin ako sa paligid. Halos limang taon na mula nung huli akong makapunta dito at marami na din ang nagbago. Ako nalang yata ang hindi.

Maya-maya ay nag-ring ang phone ko kaya nawala na ulit ang mga iniisip ko. Agad ko itong sinagot at sinalubong ako ng malakas na ingay.

“Hey, baby brother!” sigaw nung sa kabilang linya at buti ay humina ang ingay.

“Stop calling me baby, Elena. What do you need?” iritadong sabi ko pero parang wala lang sa kanya yun at tumawa pa.

“Nothing, baby bro. So, na-meet mo na ba ang organizer? I’m excited!! Mom’s gonna love this!” tili nya at hinayaan ko nalang sya. Masaya talaga sya kapag may nahihirapan na tao. At ako na naman ang napagtripan nya.

“Yeah.” tanging sagot ko.

“You’re so grumpy, Emman. Hindi mo ba ako namiss?” malambing na sabi nya at napabuntong-hininga na naman ako. Naririnig ko ang sigawan at malakas na music sa lugar nya.

“Go home, Elena. Bukas na ang flight mo.” sabi ko sa kanya at tinapos na ang tawag.

Nakarating na ako sa lugar na naka-address. Isang four-story building iyon at medyo may kalakihan kumpara sa ibang shops na naroon. Ngayon ko lang ito nakita.

“Sorry po, Mr. dela Vega, wala po ngayon si Ms. Buenavista pero yung apprentice nya po ang haharap sa inyo.” magalang na sabi nung receptionist nang dumating ako.

Tumango ako at dinala nya ako sa opisina ni Ms. Buenavista kung saan ako maghihintay. “Tatawagin ko lang po yung apprentice nya, Sir.” pagpapaalam nito.

Umupo muna ako sa isa sa mga upuan sa harap ng lamesa habang naghihintay. Maya-maya ay may kumatok at pumasok kaya tumayo na ako.

“Good morning, Sir.” bati ng isang boses at parang may kung anong bombang sumabog sa akin nang marinig iyon.

Unti-unti kong inangat ang tingin ko at sumalubong sa akin ang isang babae na may maliwanag na ngiti sa akin. “So, kayo po ba si Mr. dela Vega? Kapatid ni Ms. Elena Montenegro?” magalang na tanong nya sa akin.

Napakunot ang noo ko sa inasta nya. Parang hindi nya ako kilala at parang walang nangyari noon. Anong nangyayari sa kanya?

Nagpapanggap lang ba sya na hindi nya ako kilala? Or... oh no, imposible.

Nagulat ako ng bigla syang natawa. “Oh! Sorry! Silly me!” she chuckled. “By the way, I’m Audrey Valiente. Nice to meet you, Mr. dela Vega.”

-end-

*

Comment kayo last chap  na to ng TCAY? ♥

P.S: May Part 2/Book 2 ang TCAY. Hindi ko alam kung kailan ko ipopost. Wag na kayo maraming tanong dahil dun nyo malalaman lahat-lahat sa part 2.

P.S ulit: Pinag-iisipan ko pa kung puro POV ni Duke ang TCAY2 pero dito pa nga lang sa epilogue hirap na ko kaya hayaan nyo muna kong mag-isip XD.

P.S ulit ulit: May story si Aeron at Erica, posted na ang prologue at baka yun muna ang i-update ko.

Twitter: @heyairaaa #TCAY #TCAY2 ♥

MAY BOOK2/PART2 WAG NG MAGTANONG LOL :D

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon