Chapter XLI

62.2K 1.2K 163
                                    

[41] The Orphanage

-Audrey-

“I love you.”

“Ay anak ng tatlong bading! Dios mio, anong ginagawa nyo dyan sa dilim?” gulat na sigaw ni Yaya Kendi malapit sa amin kaya hindi ko gaanong narinig ang sinabi ni Duke.

Agad akong napaatras palayo kay Duke at nahihiyang umiling nalang kay Yaya Kendi. “Wala ho. Sige po, papasok din kami maya-maya.” nakayukong untag ko at narinig ko nalang na may binubulong si Yaya Kendi na hindi ko maintindihan bago nakapasok ulit sa bahay.

Napabaling ang tingin ko kay Duke na mataman na nakatingin sa akin. Nakakunot ang noo nya. “Ano nga pala yung sinasabi mo?” tanong ko nang maalala na may binulong sya sa akin bago umeksena si Yaya Kendi. Hindi ko kasi narinig.

Tiningnan nya ako ng masama at nagulat pa ako ng bigla syang umirap. “Wala!” galit na sigaw nya bago pumasok ng bahay at iniwan ako mag-isa dito.

Aba! Grabe napaka-moody naman nun. Kanina ang sweet sweet tapos biglang nagsungit na naman.

Pagkapasok ko ay agad ko syang hinanap pero ang sabi ni Yaya ay nasa kwarto na daw. Inusisa pa nga ako kung ano daw ang ginagawa namin sa labas kanina at masyado pa daw kaming bata para gumawa ng malalagim na bagay.

Gusto ko nang humagalpak sa tawa habang sinesermunan ako ni Yaya. Na kesyo daw dapat ko daw pangalagaan ang pagkababae ko. Grabe talaga si Yaya, advance masyado.

So, hindi na talaga lumabas si Duke at hindi ko talaga malaman kung ano ang problema nya at bigla nalang nagsungit. Papasukin ko na sana kaso binabantayan ako ni Yaya Kendi na parang may gagawin akong something kaya di ko na tinuloy at natulog nalang saka pagod na din ako.

Kinabukasan, wala sana akong balak bumangon dahil antok na antok pa ako pero nagulat nalang ako ng may humila sa comforter ng kama ko kaya nagkaface-to-face kami nung sahig.

“Ugh! Ano ba?!” inis na utas ko habang kinukusot ang mata ko at hinahagilap ang may salarin.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko sa harap ko si Duke my loves na hawak yung comforter ko at tinitingnan ako ng masama. Biglang nag-sink in sa akin ang lahat ng nangyari kahapon at muntik pa akong mapatili kung hindi lang tinapon ni Duke sa mukha ko yung comforter.

“Five minutes or else hindi tayo tutuloy sa date natin. I don’t want to wait.” sabi nya at marahas kong inalis sa akin yung comforter at tiningnan sya pero nakalabas na pala sya.

Noon ko lang na-realize na aalis nga pala kami ngayon at tanghali na at bihis na bihis na sya at five minutes lang ang binigay nyang time sa akin at umaandar na ang oras pero nakatunganga pa din ako AT OMG DATE DAW NAMIN TO. Hinga, Audrey! Hinga! OMG! Five minutes lang!

Agad-agad akong nag-ayos. Syempre hindi lang five minutes no. Sus alam ko naman na hindi ako matitiis nun.

Nang matapos ako ay hindi na ako kumain ng breakfast dahil daw lunch na at doon na kami sa pupuntahan namin kakain. Napansin ko din na hanggang ngayon baon nya pa din ang pagsusungit nya simula kagabi.

“Saan tayo pupunta?” excited na tanong ko sa kanya habang nagda-drive sya pero hindi nya ako pinansin.

Inirapan ko nalang sya ng hindi talaga sya sumagot. “Bakit ba ang sungit-sungit mo ngayon?” inis na sabi ko pero hindi pa din sya nagsasalita. Aba! Magde-date daw kami pero puro kasungitan lang nya ang sinasalubong nya sa akin.

“Isa! Kapag hindi ka sumagot, bababa ako dito!” banta ko dahil nakahinto naman kami dahil sa stop light.

Bumaling sya sa akin at ang sama talaga ng tingin nya. Hindi ko talaga alam kung may nagawa ba akong masama para pagsungitan nya ng ganito. “Stop it, Audrey.” sabi nya ng makita nyang pinipilit kong buksan ang pinto ng sasakyan nya.

Umirap ako at humalukipkip. Tahimik lang kami sa byahe. Maya-maya ay dumaan kami sa isang baryo at ang daming nagtutugtugan doon. Natawa ako ng makita ang mga batang kumakaway sa kotse kahit alam kong hindi naman nila nakikita kami sa loob. Ganito ba dito?

Nanatili ang kanta na tumutugtog kanina sa utak ko at paulit-ulit na iyon. Na-LSS ako kaya kinanta ko nalang. Tutal ay masyado na kaming tahimik at hindi ko na kinakaya.

[Walang Iba - Ezra Band]

“Ilang beses nang nag-away
Hanggang sa magkasakitan
Di na alam ang pinagmulan
Pati maliliit na bagay
Na napag-uusapan
Bigla na lang pinag-aawayan”

Diretso lang ang tingin ko sa daan at halos mahina lang ang pagkanta ko. Ramdam ko na tumitingin sa akin si Duke pero hindi ko sya nililingon. Magtatampo-tampuhan ako. Paano nya kaya ako lalambingin?

“Ngunit kahit na ganito
Madalas na di tayo magkasundo
Ikaw lang ang gusto kong makapiling sa buong buhay ko”

Kaso marunong kaya itong maglambing? Feeling ko kasi ako lagi ang unang bumibigay tuwing may away kami. Hindi ko kasi sya matiis. Nabaling na ang tingin ko sa kanya at saktong nakatingin din sya sa akin. Umiwas sya at binalik ang tingin sa daan.

“Kahit na binabato mo ako ng kung anu-ano
Ikaw pa rin ang gusto ko
Kahit na sinasampal mo ako't sinisipa
Nasusugatan mo
Ikaw pa rin, walang iba
Ang gusto kong makasama
Walang iba
Walang iba”

Huminto na ako sa pagkanta at balik tahimik na naman kami. Medyo malayo-layo din yata itong pupuntahan namin. Saan kaya?

“Audrey..” tawag nya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Diretso pa din ang tingin nya sa daan at seryoso lang ang mukha  nya.

Hindi ako sumagot at hinintay lang susunod na sasabihin nya. “Hindi mo talaga narinig ang sinabi ko kagabi?” tanong nya.

Napakunot-noo ako at naalala na may sinasabi sya kagabi bago sumulpot si Yaya Kendi. Umiling ako bilang sagot.

Bumuntong-hininga sya pero hindi na nagsalita ulit. Magtatanong pa sana ako tungkol doon ng inihinto nya na ang sasakyan kaya automatic na napatingin ako sa labas.

“We’re here.” sabi nya at bumaba ng sasakyan. Bumaba na din ako dahil malamang ay hindi naman ako pagbubuksan nun ng pinto.

Luminga ako sa paligid at tanging ang maraming bulaklak sa paligid at isang may kalakihan na bahay ang bumungad sa akin. May mga playground din at maraming bata.

“Ano to?” tanong ko kahit alam ko na ang sagot.

“This is my mom’s orphanage.” nakangiting sabi nya at agad na kinawayan ang mga bata.

Napangiwi ako ng magsitakbuhan sila papalapit sa amin. So ito ang idea nya ng isang date? Talaga? Hindi naman sa ayaw ko sa mga bata pero hindi talaga ako gaanong malapit sa kanila.

“You don’t like kids?” tanong sa akin ni Duke ng mapansin na hindi ako nakikihalubilo sa kanila. Umiling ako. Bahala na kung ma-turn off sya sa akin pero ayaw ko talaga.

Sinimangutan nya ako pero bakas sa mukha nya ang pagpipigil ng ngiti. Lumapit sya sa akin at may binulong sa tenga ko.

“Paano nalang kapag nagka-anak tayo? Aayawan mo din?”

*

Comments? ♥ #TCAY

P.S: May magbabalik, may aalis at may mawawala. ♥

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon