Chapter VIII

101K 1.4K 127
                                    

[8] The First and Last

-Audrey-

It’s already 7pm at hanggang ngayon ay nandito pa din ako sa kwarto ko at nakatitig sa sarili kong repleksyon. 6pm ang start ng ball at halata naman siguro na late na ako.

Hindi ko alam kung dapat pa ba akong pumunta o hindi. I don’t want to miss this chance to have fun pero parang natatakot ako. Natatakot ako na may isayaw syang iba tapos ako hindi nya isasayaw. Madalas kasi dito umaamin ang mga lalaki kapag may gusto silang babae. Binibigyan talaga ng oras ang mga students para doon kaya ang lahat ay excited para dito.

Ewan ko kung pupunta pa ako pero bihis na bihis na ako at okay na, yung desisyon ko nalang talaga. Kanina pa nga ako tinatawag ni mommy pero sabi ko may ginagawa pa ko pero ang totoo ay nag-iisip lang ako.

Maya-maya ay nakarinig ako ng katok. Baka si mom na naman to at kukulitin na naman ako.

“Bukas yan.” sabi ko at tumayo para harapin sya pero halos malaglag ang panga ko ng makita kung sino ang iniluwa ng pinto. Isang lalaking sobrang gwapo sa black suit nya, simple pero sobrang hot.

Pakiramdam ko ay tutulo na ang laway ko dahil sa kakatitig sa kanya buti nalang at nagsalita na sya kaya nabalik na ako sa wisyo. “Let’s go.”

Napakunot-noo ako. “Ha?” Anong ibig nyang sabihin?

Gamit ang poker face nyang mukha ay sinagot nya ako. “Sinusundo kita. Let’s go, we’re late.” sabi nya at tumalikod para umalis sana pero agad ko syang hinabol kahit pa naka-five inches heels ako.

“What do you mean?” sabi ko at pinipigilan kong mangiti. Mahirap na kung maga-assume ako mas mabuti na yung sigurado para hindi ako ma-disappoint sa huli.

Lumingon sya sa akin, wala man lang akong mabasang emosyon sa mukha nya. “Your mom texted Aeron to get you pero busy sya kaya ako ang pinasundo nya sayo.” sabi nya at dumiretso na palabas.

Sumimangot ako pero masaya pa din at the same time kasi at least nag-effort sya na sunduin ako. Nagpaalam muna ako kay mom bago sumunod sa kanya. For the second time, makakasakay ulit ako sa mabango nyang sasakyan.

Tahimik lang kami sa byahe. Mga 15 minutes away yung hotel na pinagdausan ng ball. Maya-maya ay napanasin ko na hindi na umuusad ang mga sasakyan at mukhang traffic pa. Napatingin ako kay Duke na binuksan yung bintana nya at nagtanong dun sa katabi naming sasakyan.

“Ano ho ba ang problema at may traffic?” tanong nito.

“May banggaan daw. Bus at truck, kani-kanina lang.” sagot sa kanya nung lalaki. Marahas syang napabuntong-hininga at napapalo sa manibela. Malayo-layo pa kami at hindi naman kami pwedeng umatras dahil maraming maaabala at sobrang traffic talaga.

Sobrang konti lang ng naiiusad namin sa bawat minutong dumadaan. Patingin-tingin lang ako sa relo ko. Sobrang late na namin at mukhang dahil sa akin hindi sya nakapag-perform sa banda nila. Napatingin ako sa kanya at talagang magkasalubong na ang mga kilay nya.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon