Chapter XLV

55K 1K 102
                                    

[45] The Text Message

-Audrey-

“Wala ka bang balak lumabas, iha?” tanong ni Yaya Kendi.

Inihinto ko ang pagkalikot sa phone ko at hinarap sya. “Hindi ko po alam.” sagot ko. Limang araw na ang nakakalipas nung pamamasyal namin at simula noong isang araw ay pumapasok na sya ulit kaya heto ako at nakatunganga sa bahay nila.

Lumalabas ako pero madalas hanggang kanto lang nila at tumatambay doon sa 7-eleven. Ayaw kasi akong payagan ni Duke na pumunta sa malayo dahil baka ano daw ang mangyari sa akin lalo na at clumsy daw ako at nung sinabi ko naman na magpapasama ako kay Sed, aba mas lalo daw na hindi pwede.

Nitong nakalipas na araw, medyo maaga sya umuuwi galing sa office. Himala nga daw yun sabi ni Yaya Kendi dahil minsan lang daw umuwi dito si Duke at madalas ay madaling araw na. Kaya kilig na kilig ako at ina-assume ko na dahil sa akin kaya sya madalas na umuuwi na.

“Kung gusto mo ay ikaw na ang maghatid nitong mga papeles na pinapadala ni Duke. Mukha kasing bagot na bagot ka na rito.” sabi ni Yaya Kendi at agad namang nabuhay ang buong sistema ko ng marinig ang pangalan ni Duke.

Agad akong tumayo. “Sige, Yaya. Wait, maliligo lang ako.” tugon ko at agad na tumakbo paakyat.

Narinig ko ang pagtawag at sigaw ni Yaya Kendi nung nasa gitna palang ako ng pag-akyat. “Audrey! Huwag kang tumakbo at di ba kakaligo mo lang?”

Nagdahan-dahan na ako at hinarap si Yaya ng may malaking ngisi. “Dapat fresh.” natatawang sambit ko at agad na dumiretso sa kwarto para mag-ayos na.

Pagkatapos kong mag-ayos at ng masiguro ko na sobrang ganda ko na at hindi na ako matatanggihan ni Duke, bumaba na ako. Sinalubong ako ni Yaya Kendi at dala nya ang makapal na papel at ilang folders.

“Ideretso mo ito kaagad sa kanya. ‘Wag ka nang maglakwatsa at kanina nya pa ‘to hinihintay. Bumalik ka kaagad pagkatapos at huwag mo na syang kulitin doon.” bilin ni Yaya Kendi at tango lang ako ng tango. Susundin ko naman sya except dun sa last na sinabi nya.

“Si Sed na ang magmamaneho para sayo.” sabi ni Yaya na agad ko namang tinanggihan.

“Hindi na po! Kaya ko na.” agad na saad ko at nag-thumbs up pa.

Nag-aalangan na tiningnan nya ako at ako naman todo ang pa-cute at pag-ngiti kaya napapayag na din sya.

Bago ako pumunta sa opisina nila Duke ay dumaan muna ako sa isang shop para bumili ng cake. Ito talaga kasi ang pinakagusto na pagkain ni Duke lalo na yung vanilla cake.

Pagbukas ko ng glass door ay agad na sumalubong sa akin ang lamig na nasa loob at ang pagbunggo ng isang babae. Dahil medyo malakas yung pagkakabungguan namin ay napaatras ako palabas.

“Ouch.” sabi ko kahit hindi naman masakit.

“Sorr--” simula ko nang harapin ko sya. Isang babae na may malaking shades na halos sakop na ang mukha. Err. Kaso bigla akong napahinto ng may tumawag ata dun sa babae.

“Aleyna!” tawag nang isang boses sa likuran ko kung saan nakaharap yung babae na tinawag na Aleyna. Wait, parang familiar yung name na yun. Saan ko ba yun narinig?

“Sorry, miss.” sabi nung babae at dire-diretso na lumabas ng shop saka sumakay nang sasakyan. Sinusundan ko lang sya ng tingin at iniisip ko kung bakit parang familiar sya.

Ipinagkibit-balikat ko nalang iyon at pumasok na din ng shop para bumili. Pagkatapos nun ay agad na akong nag-drive papunta kina Duke. Nakakamiss din ang pagda-drive, gusto ko ngang pabilisin kaso nasa highway ako.

Halos ilang minuto ang lumipas ng makarating ako sa company nila. Agad akong pumunta sa parking lot.

If I lay here
If I just lay here
Would you lie with me and just forget the world?

Napalingon ako sa phone ko na nag-ring saglit pero agad naman na huminto. May nag-missed call. Inabot ko yun sa tabi ko at dahan-dahan nag-drive. Wala namang sasakyan doon na nagpa-park kaya okay lang.

Si Harley yung nag-missed call at may isa pang text na kanina pa pala pero hindi ko pa nababasa. Binuksan ko iyon at ng mabasa ko ay agad akong napapreno at natulala. Nabitawan ko ang phone ko at halos hindi ko alam ang gagawin ko.

May naririnig akong pagbusina pero sa phone kong nasa tabi ko lang ako nakatitig at nakatulala. May biglang nagbukas ng pinto sa tabi ko kaya agad akong napalingon sa kung sino man yun ng ma-realize kong hindi ko pala na-lock yun kanina.

“What the fu-- Audrey!” sigaw nito at bakas sa kanya ang pagkagulat ng makita na ako yun.

“Duke...” mahinang bulong ko at parang may kung ano na bumabara sa lalamunan ko.

“What are you doing here? And bakit ka nakahinto sa gitna ng carpark? I said, you-- ahh, shit.” sobrang lakas ng boses nya na halos sumasabay ito sa lakas ng tibok ng puso ko pero hindi ko alam kung bakit bigla syang huminto at nagmura ng mahina.

Nagulat ako ng bigla nya akong hilahin papayakap sa kanya. “Shh, hindi ko alam kung bakit ka umiiyak but please, stop crying. That’s making me weak.” bulong nya sa tenga ko at ngayon ko lang napansin na umiiyak na pala ako.

Simula nung nabasa ko yung text message ay para na akong lutang. Pumikit ako at bigla ko naman iyong naalala.

From: Unknown Number
Enjoy your few days with him, bitch. Duke is mine, only mine. Ang kung sino man na umaangkin sa pagmamay-ari ko, then be ready to die.

*

Comments? ♥

Shortest ud so far pero ang daming laman nito. And hello pala sa sampung napili ko last chap na nadedicatan ko na, @JesrelMarrahVelasco, @PinkyRain, @CaelumRose, @KeseBacs, @ErmZZZ, @prilxstyles, @kenrize08, @vlmtrsbtst, @soshi_MYE, @msmariposa. Thank you sa comments nyo last chap. :)

P.S: Hello magbabalik. Medyo malapit ni si aalis at mawawala. ♥

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon