Chapter IV

108K 1.4K 138
                                    

[4] The Falling Stars

 

-Audrey-

 

Natulala ako sa mukha nya habang sya naman ay parang walang pakialam na ini-start ang sasakyan nya. Wait! Hindi ko sya pwedeng isama! Anong gagawin ko?

“A-ah ano, I can go by myself.” nauutal na sabi ko at akmang lalabas na pero pinaandar na nya yung sasakyan at biglang bumusina kaya nakita kong nagising yung guard at parang nataranta pa na buksan yung gate.

“Duke, okay lang kahit wag mo na kong samahan.” sabi ko kahit sa loob-loob ko ay gusto ko syang makasama pero hindi sa oras na to!

Tuluyan na nabukas nung guard yung gate at hindi man lang sya huminto para pababain ako. What are you doing, Duke? Why are you making me fall harder to you?

“I said, I’m going with you. Hindi kita tinatanong kung papayag ka, sasama ako sa ayaw at gusto mo.” mariin nyang sabi at bakas ang kadiliman sa mukha nya.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko, sorry Spade Sarmiento, pangarap kong makilala ka pero ang greatest dream ko, nasa harapan ko ngayon at hindi ko yata sya kayang tanggihan.

“Sa freedom park sa tapat ng school.” sabi ko. Dun sila nag-perform nung nakaraan at dun din yung tinambayan namin ni Erica kaya dun ko nalang naisipan na pumunta para makasama sya.

I texted Kieth na hindi na ako makakapunta. Malapit lang naman sa subdivision namin sa school kaya agad din kaming nakarating. Pumunta ako sa may coffee shop na nasa tabi lang ng park, buti nalang 24 hours tong bukas.

Tahimik lang sya habang iniinom ang kapeng binili nya. Dito kami sa labas ng coffee shop tumambay, naupo kami sa isa sa mga benches. Pakiramdam ko nga wala akong kasama dahil hindi man lang sya umiimik.

“You’re going out in this late night just to drink a coffee?”

Muntik na ko nang mabitawan ang kapeng hawak dahil sa bigla nyang pagsasalita. Agad naman akong tumango at uminom nalang sa kape ko para pagtakpan ang kasinungalingan ko.

The Chase and YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon